Hello, this is my first story. hope you like it guys:)
Love---Love---Love:)
(Meeting Mr. Intimadator)
"Wow!" iyun ang tanging salita na lumabas sa bibig ni Sandy ng ihinto siya sa harapan ng isang mansiyon ng sinakyang taxi.
Muli niyang binalingan ang hawak na cellphone at binasang muli ang text message na mula kay Kenny.
Nang hindi pa rin makapaniwala ay kinatok niya ang bintana ng sinakyang taxi, mabuti nalang at hindi pa umalis ang driver.
"Bakit ineng?" nagtakang ibinaba nang medyo may katandaan ng driver ang windshield ng bintana nang taxi.
"Kuya, sigurado po ba kayo sa dinalhan niyo sa akin? Ito ba talaga iyun?" kamot-kamot niya ang ulo, nagulo tuloy ang hindi umabot sa balikat at matim niyang buhok pero wala siyang pakialam basta kailangan niyang makita si Kenny dahil ito ang makatulong sa kanya sa problema niya.
Ang driver na naman ang napakamot ng ulo.
"Kung gusto mong makasiguro ineng, bakit hindi ka nalang magtanong sa loob? Ito lang naman kasi ang alam kung mga Chen na nakatira sa exclusive subdivision na ito." pagkasabi ay mabilis na pinaharurot nito ang minamanehong taxi.
"Ayy, pambihirang driver oh!" naiinis niyang sambit
Pasalampak niyang binitiwan ang dalang bag sa bermuda grass na siyang tinatapakan rin ng paa niya.
"Wow! Astig naman nito." nalula siya sa mga nagsilakihang bahay sa paligid.
Pakiramdam niya may kompetisyon roon ng pagandahan ng bahay, wala kasing itulak kabigin lalo na ang bahay na nasa harap niya.
"Ito kaya ang bahay ni Kenny? Ibig sabihin mayaman ang mokong na iyun?" nakagat niya ang ibabang labi sa naisip.
Naikwento nga nito sa kanya minsan na may negosyo ang pamilya nito sa Maynila, at hindi naman nakapagtaka iyun dahil intsik ito pero hindi naman niya inaasahang ganito kayaman ang kaibigan niya.
Huminga muna siya nang malalim bago pa pinindot ang doorbell.
"Hmm." aniya nang biglang may lumabas na naka unipormeng katulong.
Bahagya niyang inayos ang suot na loose na t-shirt na pinaresan niya nang kupas na pantalon at sneakers bago inihanda ang matamis niyang ngiti sa paparating na katulong.
Binuksan nito gate ngunit hindi kalakihan sapat lang para lumabas ang ulo nito.
"Magandang umaga po." nakangiti niyang bati, tantiya niya ay nasa late fourties ang katulong na agad ding sumagot ng matamis na ngiti sa kanya.
"Dito po ba ang bahay ni Kenny Chen?" kinakabahan niyang tanong. Paano nalang kung sasabihin nitong hindi, saan siya pupunta ngayon nagtaxi pa naman siya patungo dito mula sa pier.
"Ikaw ba ang tinutukoy na kaibigan ni sir Kenny? Halika pasok ka, kanina ka pa hinintay ni sir." anito at mabilis na binuksan ng malaki ang gate at pinapasok siya.
At kung nalula siya sa gara ng bahay sa labas pa lang mas lalo pa siyang nalula pagpasok niya sa loob.
Pakiramdam niya ay nasa loob siya nang isang palasyo. Ang laki nang bahay at ang taas ng ceiling.
"Wow." nasambit na naman niya sa loob habang inilibot ang paningin sa malawak na dining room na punu nang makabagong kagamitan.
Mula sa malambot na sofa na tila pinasadya dahil sa laki nito, ang tila mapanalaminang crystal table sa gitna na tinulungang patingkarin ng presko at mabangong bulaklak sa loob ng isang napakagandang vase.
BINABASA MO ANG
Be My Contractual Wife
RomanceKrake Chen, one of the richest bachelor in the country. He owns chains of hotels. He devoted all his early life sa hotel na pinatayo ng kanyang ina then it came, an arranged marriage put up by his father and he hated every tiny idea of it. At para p...