Chapter 14

39.6K 847 8
                                    

 (The Unforgettable Party/Night)


      Araw ng linggo at iyun din ang araw ng founding anniversary ng Solace hotel. Inaasahan ng lahat ang magarbong party pagsapit ng gabi na sa Solace social hall na rin idadaos. Dadaluhan ito nang mga personalidad mula sa business circle na iniikutan ni Krake at pati na rin ang mga shareholders at lahat ng empleyado ng Solace mula sa mababang posisyon hanggang sa mataas.

        Maagang umalis si Krake pati na rin si Kenny dahil marami itong aasikasuhin sa hotel bago pa ang gaganaping party. Si Kenny naman ay tinulungan ang kapatid sa paghahanda sa hotel para na rin masigurong magiging maayos at walang mangyaring aberya during the party.

        Alas otso nang gabi magsisimula ang party pero alas singko pa lang ay pinaputa na siya ni Krake sa hotel para doon na mag-ayos sa private suite nito.

        Wala siyang ideya sa kung anong naghihintay sa kanya sa loob. Pagdating niya sa suite ni Krake ay naroon na si Martina at halatang hinintay siya nito. May ibang tao rin siyang nakita doon na noon lang niya nakita.

        Bakit ang daming strangers dito?

"Hello, Mrs. Chen." salubong kaagad sa kanya ni Martina

"Hi, Martina." aniya sa nagtatanong na mata

"Yeah, by the way Mrs. Chen sila pala ang magiging glam team mo for tonight courtesy of Mr. Chen." abot teyngang ngiti na wika ni Martina sa kanya. Tila hindi man lang ito nabahala sa gulat ng mukha niya.

        Kailangan talaga ng limang tao para ayusan siya? Bakit hindi nalang siya dinala sa salon. Umandar na naman ang pagiging bossy nitong si Mr. Chen.

        Mukhang wala talaga itong tiwala sa tunay niyang ganda at kinailangan pa nitong padalhan siya nang limang tao para lang maging presentable siya sa party nito. Hssss.

        At isa-isa na ngang ipinakilala sa kanya ni Martina ang bawat naroon. Ang baklang unang nakita niya kanina ay ang magmi-make up pala sa kanya at ang katabi nitong isa ding bakla ay siya daw mag-aayos sa buhok niya. At ang dalawang cute na babae na sobra siyang kabog sa sense of fashion style ay siya daw ang stylist niya.

       Ganoon? Artista lang ang peg niya ngayon na mukhang a-attend ng ball sa gara nang glam team niya?

       Tiisin mo nalang ito Sandy, paano natalo ka ni Krake sa wrestling kaya magdusa ka ngayon. Bakit ba kasi nagpadala ka sa tempting kiss nito tuloy pa-beauty to the highest level ka ngayon.

        At agad namang sinimulan ang pag-aayos sa kanya. Unang inayos ang buhok niya nang isang bakla at sinunod naman ang paglalagay ng make up sa mukha niya.

        Panay ang atsing niya dahil sa baho mula sa make-up na inilagay ng mga ito sa mukha niya. Simula't sapul ay ito ang kauna-unahang pagkakataon na nag make-up siya. Ni noong pag graduation niya sa college ay walang nakapilit sa kanya na magmake-up at dahil sa dirty tricks ng boss niya ay napilitan siyang tiisin ang kung-anu-anong kolorete na inilalagay sa kanyang mukha nang baklang ito. Humanda ka talaga sa akin, Mr. Chen.

        Nilagyan ng hair extension ang mababa niyang buhok at kinulot-kulot sa dulo kaya nagmukha na talaga siyang girly-girly.

"Wow!, ang ganda mo Mrs. Chen!" bulalas ni Martina nang muli itong pumasok sa suite.

        Inirapan niya lang ito na nagpatawa rito nang mahina. Nang matapos na rin sa wakas ang pagmi-make-up sa kanya ay tila nakahinga na rin siya nang maluwag. Kanina pa nanigas ang mukha niya sa kakasunod sa pagbaling-baling sa kung saan ng bakla at ang mata niya kanina akala niya mabulag na siya nang kung anu-ano ang inilagay rito roon. Yung eye lids niya dinaanan ba namn ng parang lapis, napasigaw siya roon sa sakit. At ang pilik mata niya nilagyan ba naman ng parang tintang itim para daw mag curl ayon sa bakla. Shit, kung ganito din lang bahala nang hindi siya pumarty hindi lang niya madanasan ang ganitong proseso sa magmi-make up.

Be My Contractual WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon