(The unusual proposal)
Sandy's POV
Pagkalipas ng araw at buwan ay nasanay na rin siya sa bago niyang work assignments sa hotel. Linis sa umaga sa opisina nang mga executives sa hotel at sa hapon naman ay nasa private suite na naman siya naglilinis.
Kahit na wala atang araw na hindi siya pinatawag ni Krake Chen para sa mga munting reklamo nito na kalaunan ay nakasanayan nalang niya ang pagpunta sa opisina nito. Kaya tuloy madalas siyang tuksuhin ng mga kasamahan sa housekeeping na suki na daw siya sa principal's office.
"Hoi, Sandy pinapatawag ka daw sa Presidents office." aniya sa kanya ni Mekai.
"May bago pa ba roon?" sabat ng isa nilang kasamahan.
"Ang suwerte mo naman Sandy, nakakalabas-pasok ka sa maganda at ubod ng lamig na opisina ni Mr. Chen." singit din ng isa.
"At hindi lang iyan, nakaka face to face niya pa ang gwapong mukha ni Mr. Krake Chen. Gosh." dagdag pa ni Mekai.
Hindi na niya pinatulan pa ang mga pinagsasabi nang mga kasamahan at iniwan na niya ang mga ito bago pa kung-saan saan aabot ang kuwentuhan.
Nagkibit-balikat lang siya at agad tinungo ang opisina ni Krake Chen sa 39th floor.
"Ano na naman kayang nagawa kong mali?" aniya sa isip habang sakay sa elevator.
Pagpasok niya sa opisina ni Krake, ay siya namang paglabas ng isang lalaking naka suit. Nakilala na niya ito dahil na rin kay Mekai na halos kilala lahat ng empleyado sa Solace, ito ang bestfriend ni Krake at nagtrabaho din ito sa hotel bilang abogado nang kompanya.
Tumango lang ito pagkakita sa kanya at dumeritso na sa elevator.
Naabutan naman niya si Krake na nakaupo sa swivail chair nito habang nakatingin sa kisame, kagat-kagat nito ang ibabang labi habang pinitik-pitik ng mahina ang hawak na fountain pen sa pisngi nito.
Iyun ata ang unang pagkakataon na nakikita niya ang twenty-eight years old na presidente nang Solace hotel sa ganoong unusual na posisyon. Wala ang bossy, intimidating at bold nitong personality na madalas na sumasalubong sa kanya sa tuwing pumapasok siya sa opisina nito.
"Nandito na po ako, sir." aniya nang hindi pa rin siya nito pinapansin.
Nagtaas ito ng tingin ngunit nanatili pa rin ang seryoso nitong ekspresyon sa mukha habang titig na titig sa kanya ang singkit nitong mata. Sandaling napakunot-noo siya.
Matagal bago ito nagsalita, na tila tiniimbang-timbang nitong maigi ang sasabihin sa kanya.
"Sir? May nagawa na naman po ba akong mali?" tanong niya inunahan na niya ito dahil wala namang ibang dahilan para ipatawag siya nito. Wala na ata itong ibang nakikita sa kanya kundi ang mga munting mali niya mabuti nalang at hindi siya nito tinanggal sa trabaho.
Maayos kaya siyang magtrabaho, as in sobrang ayos talagang nasobrahan lang ito sa pagiging perfectionist.
"Sir?" ulit niya nang hindi pa rin ito nagsalita
"Miss Marangya, ok lang ba sayo kung magatnong ako nang mga personal na bagay?." anito sa seryosong tinig.
Gosh, personal daw? Baka itatanong nito kung may boyfriend na ba siya at kung pwede ba itong manligaw sa kanya. Chos! Tinapik naman niya ang sariling noo para magising sa kakapangarap ng gising.
BINABASA MO ANG
Be My Contractual Wife
RomanceKrake Chen, one of the richest bachelor in the country. He owns chains of hotels. He devoted all his early life sa hotel na pinatayo ng kanyang ina then it came, an arranged marriage put up by his father and he hated every tiny idea of it. At para p...
