Chapter 15

36.6K 713 21
                                    

(The jealous Mr. Chen)


         Pagkagising ni Sandy ay una kaagad niyang naramdaman ang sakit ng ulo niya, at ng bahagya siyang gumalaw sa ilalim ng kumot ay naramdaman niya ang pananakit ng buong katawan. Noon niya naalala lahat ng nangyayari kagabi. Mula sa balak niyang magpakalasing sa party hanggang sa pagsuko sa sarili sa taong kagabi lang niya naamin sa sarili na mahal nga niya ito. Mahal niya si Krake!

         At ng maalala ito ay agad niyang kinapa ang higaan ngunit wala ito roon. Kahit masakit ang buong katawan ay bigla siyang napabangon. Nilibot niya ang mata sa buong paligid ng kwarto ngunit wala talaga ito roon. Nang lingunin niya ang kabilang bahagi nang kama ay kitang-kita pa niya ang bakas ng ulo nito sa unan na hinigaan nito katabi niya.

         Hindi niya maintindihan ang lungkot na nararamdaman ng malamang wala ito roon pagkagising niya. Inaasahan pa naman niya na nasa tabi niya ito pagkagising niya at sasalubungin siya nito nang pinakamatamis nitong ngiti.

         Sandy, what will you expect? Ikaw ang kusang nagbigay ng sarili mo sa kanya. Siguro isang cheap na babae na rin ang tingin nito sa kanya ngayon.

         Bigla siyang napaiyak sa naisip. Pero hindi siya dapat masaktan dahil una sa lahat ginusto niya ito, pangalawa inaasahan na niya itong mangyari. Wala siyang nagawa kundi yakapin ang unan na ginamit nito. Naroon pa rin ang amoy nito. Bakit ba ngayon pa lang ay na miss na niya ito? Ano na ang mangyayari sa kanilang contract ngayon pagkatapos ng nangyari sa kanila kagabi? Will she be fired? Hindi iyun imposible, knowing Krake he wanted to have a control in everything at sa nangyari ay baka naisip na nitong i-divorce na siya dahil sa takot na mas lumalim pa ang naramdaman niya dito at baka maging problema lang siya nito sa hinaharap sa oras na makita na nito ang babaeng gusto nitong makasama sa buhay. Ang sakit hindi niya mapigilang masaktan kahit iniisip pa lang niya ang posibleng mangyari.

        Wala sa loob na tumayo siya at kinuha ang nakaligpit na niyang damit at pumunta sa banyo. Alam niyang si Krake ang nagligpit ng damit niya. Nakita pa niya ang blood stain na naiwan sa kobre kamang hinigaan niya. Pero kahit anong gawin niya ay wala siyang maramdamang kahit kaunting pagsisi sa ginawang pagsuko sa sarili. Ganoon talaga siguro kapag mahal mo ang isang tao.

         Nang matapos siyang maligo ay agad niyang inayos ang sarili. Ayaw niyang magtagal pa roon, ayaw niyang maabutan siya roon ni Krake at baka kaawaan lang siya nito.

         Palabas na siya nang kwarto nang marinig niya ang pagtunog ng telepono. Wala sa loob na sinagot niya ito.

"Good that youre awake now." anang boses sa kabilang linya at muli kumabog na naman ang puso niya pagkarinig lang sa boses nito.

"Sandy, Im sorry-"

"You don't have to say sorry, Mr. Chen I know its my fault so theres nothing for you to apologize." pinipigil lang niya ang sarili na huwag umiyak sa telepono dahil ayaw niyang magmukhang kawawa dito

        Tumawag lang talaga ito para humingi nang tawad sa nangyari sa kanila? Sobra pa ata sa sakit na inaasahan niya ang nararamdaman niya ngayon.

"No, Sandy its not what you mean- yes george, ill be there in a minute," narinig niyang kausap nito si george

        So, nasa opisina na siguro ito. Hindi nga nito pinahalagahan ang nangyari sa kanila dahil mas pinili pa nito ang trabaho kaysa sa magkausap sila.

"Mr. Chen if youre busy we can talk later." nasabi nalang niya

"Ok Sandy, lets talk later. We really need to talk. Wait for me at home. May importante lang akong aasikasuhin." pagkasabi nito ay siya na ang nagkusang bumaba nang telepono ayaw na niyang marinig pa ang boses nito dahil mas lalo lang nadagdagan ang sakit na nararamdaman niya.

Be My Contractual WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon