(The Chen Family)
"Maam Sandy, may bago na naman pong ni request si Mr. Chen na report." anang kakapasok lang sa opisina niyang si Pinky.
"What? Ano na namang report ang hinihingi niya?!" hindi mapigilan ni Sandy na hindi mainis sa mga pinapagawa sa kanya nang boss niya.
"Yung ano po maam--"
"Segi na bumalik ka nalang sa trabaho mo Pinky, ako na ang haharap sa aroganteng boss natin."
Agad namang tumalim si Pinky. Pagkaalis nito ay tiningnan niya ang maraming files na nakapatong sa mesa niya.
Kaninang umaga lang ay pinahatid ito dito sa kanya ni Krake kay Martina. Ibat-ibang reports ito mula sa housekeeping department ng Solace at marami itong mga pinapagawang revision na hindi niya alam kung para saan. Alam niyang gumaganti lang ito sa kanya dahil hindi pa rin siya pumapayag na mag leave sa trabaho niya. Oo nga pala, nakalimutan niya apat na taon na pala ang nakalipas simula nang ikasal sila ni Krake sa Cebu at ngayon ay siya na ang head sa housekeeping ng Solace. Oh diba ang social na niya? Si Miss Dianne naman ang pumalit sa puwesto ni Mia bilang general manager ng hotel.
At kung nagtaka kayo kung bakit nandito na ngayon si Pinky sa Solace, ang totoo hindi lang si Pinky kasama din niya si Carmi. Nang pumayag si Krake na magtrabaho ako sa Solace dahil nababagot ako sa mansiyon ay kinuha ko din si Carmi at Pinky hindi naman nagdalawang-isip si Maam Loraine ng Aramidas na pakawalan ang dalawa dahil alam nito kung gaano siya kalapit sa dalawa at alam din nitong isang malaking oportunidad para kaya Pinky at Carmi ang makapagtrabaho sa Solace. Si Mekai naman ay na promote na rin.
Kumukulo pa rin ang dugo niya habang tinitingnan ang kapal ng files na pinapag-utos sa kanya nang magaling niyang asawa. Hindi pa rin ito nagbabago, immature pa rin minsan lalo na sa tuwing may isang bagay silang pinagtatalunan. Hindi ito basta nagpapatalo, gagawin nito ang lahat masusunod lang ang gusto nito. At dahil matigas ang ulo niya kahit na ilang beses na siyang pinagsabihan nito na mag leave sa trabaho dahil malaki na ang tiyan niya kaya siya nito pinahihirapan ngayon.
Humanda ka sa akin, Mr. Chen mukhang hindi mo pa rin talaga kilala ang asawa mo. O baka na miss mo lang makipag-asaran sa maganda mong asawa. Puwes, tingnan lang natin ngayon, kung hindi ka ba mag-alburuto sa inis.
Dali-dali siyang lumabas ng opisina at may tinahak ang lobby patungo sa play room na pinagawa ni Krake para sa mga anak nila. Hindi pa man niya narating ang playroom ay narinig na niya ang mga munting tinig ng dalawang bata na naghahabulan sa lobby. Nagmukha na ngayong playground ang Solace.
"Kraneon, Kradayne." tawag niya sa dalawa.
Tuwang-tuwa naman ang dalawa nang makita siya, tumatakbo ang mga ito na sinalubong siya. Nakasunod naman sa mga ito ang dalawang yaya. Mukhang mas pagod ang mga mukha nang dalawang yaya kaysa sa dalawa niyang chikiting.
"Hey, careful boys. Baka madapa kayo."
"Mommy, Mommy!" sabay-sabay na wika nang dalawa nang makalapit sa kanya at parehong nagpakarga. Mabilis namang kinuha ang dalawa nang mga yaya. Medyo nahirapan na rin siyang magkarga ngayon ng bata dahil malaki na ang tiyan niya.
"Im sorry, Kraneon, Kradayne hindi na pwede kumarga sa inyo si Mommy baka maipit si baby na nasa tummy eh." aniya sa dalawang anak at pinupog ng halik ang pisngi nang isat-isa.
Panay naman ang hagikhikan ng dalawa nang kilitiin niya ang mga ito.
"You want to come with mommy, lets visit daddy?" ang lakas ng Yes ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Be My Contractual Wife
RomanceKrake Chen, one of the richest bachelor in the country. He owns chains of hotels. He devoted all his early life sa hotel na pinatayo ng kanyang ina then it came, an arranged marriage put up by his father and he hated every tiny idea of it. At para p...