Chapter 8

31.9K 635 9
                                    

(The bossy boss)

       Alas-sais pa lang ng umaga ay bihis na bihis na si Sandy, kailangan niyang agahan ang pag-alis dahil hindi pa siya nakabili nang ticket papuntang Cebu dahil biglaan ang pag-uwi niya. At dahil wala namang paliparan sa bohol kaya mag via Cebu siya at doon siya sasakay ng ferry o di kaya fast craft papuntang Bohol.

       Chance passenger nalang ang pag-asa niya ngayon pero hindi naman siguro siya mahirapan dahil hindi naman season ngayon na madaming pasahero na magsi-uwian.

       Pahapyaw lang niyang tiningnan ang sarili sa nadaanang salamin sa loob ng kwarto ni Krake at sabay kibit-balikat. Keber niya sa suot niya.

       Nakasuot siya nang kupas na pantalong maong na paboritong-paborito niya and as usual pinaresan ito nang loose na T- shirt na may malaking print ng mukha ni sponge bob. Tinernuhan naman niya nang kulay yellow na sneakers. Oh di ba astig? At nagsuot pa siya nang baseball cap kaya kompleto na siya pakiramdam niya.

       Sukbit ang sling bag na sinidlan niya nang ilang gamit ay lumabas na siya nang kwarto.

       Huminto siya sandali sa labas ng pintuan ng study room. Nagdalawang-isip siya kung kailangan pa ba niyang magpaalam sa boss niya na aalis na siya. Do what you want, Miss Marangya. Naalala niyang sinabi ni Krake sa kanya kagabi kaya hindi na siya nag-aksaya pa nang oras at mabilis na tinungo ang hagdanan.

        Napahinto naman siya sa gitna nang hagdanan ng makitang nasa living room ang daddy at ang babaeng nakita niya kahapon at parehong nasa kanya ang paningin ng mga ito.

        Parang gusto nalang niya tuloy bumalik sa pinanggalingan kaysa harapin ang mapang-usig nitong mga titig sa kanya habang pababa siya nang hagdanan.

        Wala sa loob na sinuri niya ang suot. Ngayon lang siya nakaramdam ng panliliit sa sarili ni sa harap ni Kenny o ni Krake ay hindi niya naramdaman iyun. Kung makatitig ba naman sa kanya ang dalawang matanda para siyang kakainin ng buhay.

         Wala naman siyang nagawa kundi ang ipagpatuloy ang pagbaba sa hagdanan dahil magmukha naman siyang tanga kung aakyat siya pabalik na wala namang dahilan.

"Good Morning po, Mr. Chen, Maam." nagdalawang-isip siya kung paano i-address ang babae dahil hindi naman ito ipinakilala sa kanya ni Krake.

"I didn't know na isa palang gangster ang nakuhang babae ni Krake." sarkastikong wika nang matandang lalaki.

          Nagyuko lang siya nang ulo, hindi niya inaasahang masama pala ang ugali sa likod ng maamong mukha nang ama nina Krake at Kenny.

"Sandy!" anang boses sa gitna nang hagdanan.

          Nalingunan niya si Krake at nakasunod dito ang katulong na may bitbit na bag. Saan ito pupunta?

"I told you na sabay tayong bumaba, bakit hindi mo ako hinintay." siya naman ang nagulat sa pinagsasabi nito

"Krake, were not yet done talking." anang galit pa ring tinig ng ama nito ngunit hindi maan lang ito tinapunan ng tingin ni Krake at mabilis siyang hinila palabas sa malawak na living room.

"Let's go."

         Dinig na dinig pa nila hanggang sa labas ng bahay ang galit na pagsisigaw ng ama ni Krake na hindi naman pinapansin ng huli.

        

      Nasa sasakyan na sila ngunit hindi pa rin niya alam kung saan siya nito dadalhin. At anong drama na naman ba ang nais nitong palabasin kanina sa harap ng magulang nito.

Be My Contractual WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon