Chapter 7

34.9K 661 9
                                    

(The contractual wife)

        Hindi pa rin halos makapaniwala si Sandy na sa isang iglap lang ay isa na siyang Mrs. Chen at kararating lang nila mula sa Macau ni Krake. Isang araw lang sila roon dahil sa busy schedule nito.

        Matapos silang ikasal ng isang judge sa Macau ay dumiritso na sila sa airport pabalik ng Pilipinas.

        Gusto naman niyang matawa dahil parang nagkasal-kasalan lang sila. Inihatid lang nila sa Macau ang I do nila at balik na din agad sa Maynila. Ano ba naman ang inaasahan niya, sinabi na nga nito sa kanyang their marriage wasn't the usual one but purely business.

        Pagdating nila sa NAIA ay dumiritso na sila sa bahay ng mga Chen. Pagkapasok pa lang ng sinakyan nilang kotse ay nagsimula na siyang kabahan. Paano nung unang pagkakataon na pumunta siya roon ay napasuong kaagad siya sa gulo dahil nagkamali siya nang pinasukang kwarto. At isa iyun sa dahilan kung bakit ngayon napasok siya sa contract marriage kay Krake Chen.

        Napasulyap siya kay Krake na nakaupo katabi nang driver. Mas pinili pa nitong makatabi ang driver kesa sa kanya. Kung tutuusin mas mabuti na rin iyun dahil hindi rin naman niya kakayanin ang nakakaintimidate nitong presensiya kapag magkatabi sila sa uupuan sa passenger seat ng sasakyan.

        Nakita niyang abala ito sa pakikipag-usap sa cellphone nito na hinulaan niyang si Martina ang sekretarya nito dahil sa mga narinig niyang instructions na ibinigay nito.

"Just send them out, Martina." narinig niya ang pigil na galit sa tinig nito

        Galit na naman? Bakit ang kipot ng pasensiya nito. Minsan naitanong niya kung papaano nito napalago ang Solace hotel sa ugali nito.

"Tell them that I will release my statement out of the issue as soon as possible."

        Nakita na naman niya ang pag-abot ng dalawa nitong kilay

"Fine, tell them im already married period and let them out of my hotel dahil baka makaabala sila sa mga guest."

        Sino ba ng tinutukoy nito sa kausap at halatang naiinis na ang boss niya. Posible kayang taga press ang naroon sa Solace at baka nabalitaan ng mga ito ang pagpapakasal ng top 2 richest bachelor ng bansa.

        Lagot siya nito dahil kung nagkataon ay magiging instant celebrity siya. At paano kung malaman ng mga magulang niya ang pinagagawa niya. Patay!

      

        Hindi niya alam kung ano ang gagawin nila sa mansiyon ng mga Chen, sunod-sunuran lang siya dito dahil ito ang boss niya.

        Pagdating nila sa mansiyon ay hindi pa rin matapos-tapos ang matindi niyang kaba. Agad silang sinalubong ng katulong na agad niyang naalala na ito din ang nagbukas sa kanya nang gate noon tatlong buwan na ang nakalipas ng una siyang tumuntong sa pamamahay na iyun.

        Pagpasok pa lang nila sa living room ay tila tumigil ang mundo niya nang makita ang galit na galit na mukha nang isang matandang lalaki na nakatayo at halatang hinintay ang pagdating nila.

        Mas matanda ito kesa sa larawan na nakasabit sa living room. Nakita niya ang umuusok nitong galit mula sa mata nito na bahagya lang siyang tinapunan ng tingin at mabilis na ipinukol ang galit na galit nitong mata kay Krake na tila inaasahan na nito ang daratnan nila.

"What's this all about Krake?!" anito sa pamamagitan ng paghagis kay Krake sa hawak nitong diyaryo.

        Wala siyang ediya kung ano ang naroon sa diyaryo pero malakas ang kutob niya na tungkol iyun sa pagpapakasal ni Krake. Wow, grabe ang lakas naman ng pang-amoy ng balita kung ganoon.

Be My Contractual WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon