Chapter 17

34K 746 12
                                    

(New Life, New Journey)

 

 

 

 

*Three weeks after*

"Maam Sandy, pinapatawag daw kayo ni Maam Loraine." anang kakapasok lang na si Pinky

"At bakit daw?"

"Hindi ko po alam maam."

"Segi, bumalik ka na sa trabaho mo."

      Pagka-alis ni Pinky ay napakibit balikat na rin lang si Sandy dahil wala rin siyang ediya kung bakit bigla siyang pinatawag ng kanilang manager.

      Agad na din lang siyang tumayo at tinungo ang pinto nang kanyang maliit na opisina para puntahan ang manedyer nila na nagpatawag sa kanya.

      Napabuntunghininga naman siya nang bigla ay sumagi na naman sa kanyang isipan ang nangyari sa kanya tatlong linggo lang ang nakaraan.

      Ang bilis lang ng araw na lumipas hindi na nga niya namalayan na dalawang linggo na pala siyang nagtatrabaho rito sa Aramidas hotel dito sa Cebu.

      Muli na naman siyang napabuntung-hininga, tatlong linggo lang ang nakalipas pero pakiramdam niya ang dami nang nangyari sa buhay niya. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin naglaho ang sakit sa ginawa sa kanya ni Krake. At kahit anong gawin niyang paglibang sa sarili ay ni minsan hindi ito mawaglit sa kanyang isipan.

      Pati isip niya gusto na rin niyang awayin dahil sa tigas ng ulo nito, mukhang magkasundong-magkasundo talaga ang kanyang isip at puso dahil ang puso niya ay hindi pa rin tumitigil sa kasisigaw ng pangalan ni Krake.

       Tatlong linggo na rin siyang walang balita rito, at kung maari ay ayaw niya munang magkaroon ng kahit na anumang ugnayan dito. Masyado pang masakit ang lahat ng nangyayari sa kanya at hindi ganoon ito kabilis makalimutan. At isa pa galit siya rito. Hindi pa niya ito napapatawad sa ginawa nito sa kanya.

Flashback*

"Maam, nandito na po tayo." narinig niyang wika nang driver ng sinakyang taxi.

       Hininto siya nito sa isang pension house sa may Pasay. Sinabi niya kasi dito na hanapan siya nito nang murang matutuluyan ng panandalian. At dahil kanina pa siya umiiyak ay hindi na niya namalayang nasa Pasay na pala siya.

       Binuksan niya ang wallet at humugot ng pera pamasahe sa taxi. Pagkababa niya ay dumiritso na siya sa loob ng pension house at nagtanong ng malaman niyang medyo mura roon ay nag check-in na siya. Walang kahirap-kahirap dahil wala naman siyang dalang bag.

       Mabuti nalang at may maliit na boutique sa ibaba nang pension house kaya nakabili siya nang damit na pampalit dahil wala siyang dala maski isa.

       Buong gabing nag-iiyak lang siya. Bumabalik sa kanyang isipan ang nakita sa loob ng opisina ni Krake at ang mga sinabi nito sa kanya"Iyung nakita mo kanina? Ginawa ko lang iyun para mabigyan ka nang rason na hiwalayan ako because I could sense na atat na atat ka nang hiwalayan ako." At kapag naalala niya ito ay parang hinihiwa ang kanyang puso, magkahalong sakit at galit ang nararamdaman niya dito.

       Pagkatapos niyang buong gabi na umiyak ay pinangako niya sa sarili na hindi na siya iiyak pa. Marahil tama na ang luhang naubos niya para kay Krake. Tapos na siya sa pagpakabaliw rito. Kailangan na niyang harapin ang buhay niya na wala ito.

Be My Contractual WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon