Chapter 13

37.8K 803 38
                                    

(Sports feast day, kilig overload)

         Magkasama silang tatlo ni Krake at Kenny na pumunta sa Solace stadium. Marami ang matang naiinggit sa kanya pagpasok pa lang nila sa stadium. Pagitnaan ka ba naman ng dalawang gwapo, macho at chinitong mga Chen.

         Pagdating nila ay nagsimula na ang ibang laro. Ang saya niya habang pinapanood ang mga anak ng mga empleyado ng Solace na naglalaro nang patintero, sipa at takraw at iba pa.

"Sandy!" tawag sa kanya nang papalapit na si Mekai na naka sporty attire na rin at mukhang handa nang sumabak sa volleyball.

"Ang blooming na natin ngayon ah!" hinampas niya ito

"Bagay naman pala sayo ang maging sexy eh." dagdag pa nito

         Sexy na agad ang tawag nito sa suot niyang adidas na short shorts na pinaresan ng red jersey na hapit sa balingkinitan niyang katawan. Iyun ang ibinigay sa kanya ni Krake na isuot daw niya sa sports feast. Actually she finds it cute kasi may naka sulat sa likod na Mrs. Chen na terno rin sa suot ni Krake na may nakasulat ring Mr. Chen.

"Anong laro ang sasalihan mo?"

"Badmintton at tsaka wrestling."

         Tumawa ito nang malakas sa sinabi niya. Mukha bang nakakatawa ang sinabi niya? Hindi ata ito naniniwala eh.

"Mag wrestling ka? Sa katawan mong iyan?"

"Hoi, Mekai huwag mo ngang maliitin ang kakayanan ko."

"Tumigil ka nga Sandy. Isang hampas ka lang ng kalaban mo eh.'

"Heh!"

         Natigil ang kuwentuhan nila nang kaibigan ng pareho na silang tawagin para sa mga larong sinasalihan nila.

         Pumunta na siya sa court para sa single match ng badmintton. As expected siya ang nanalo. Walang nakakaalam na champion siya sa badmintton nung high school at college siya. Kaya kering-keri niya sinuman ang makakalaban niya.

"Galing mo naman Mrs. Chen." anang kalaban niya na namukhaan niyang taga finance department.

         Nagpapahinga siya sandali at hinintay kung sino ang makakalaban niya para sa championship.

         Hinanap niya si Krake, nakita niyang naglalaro din ito nang badmintton at pareho silang single elimination. Gusto niyang matawa, kanina kasi habang papunta pa lang sila dito ay tinatanong niya kung anong laro ang sasalihan nito pero hindi siya nito sinasagot iyun pala ay pareho sila nang sinasalihan.

         At kung magkataon na manalo ito ay ito ang makakalaban niya sa championship. Napangiti siya sa naisip, mukhang ito na ang oras para pataubin niya ang presidente nang Solace hotel.

        Sumama na rin siya sa mga nagkumpulang mga empleyado na nanonood ng laro. Mukhang mainit ang laro dahil parehong naghahabolan ang scores ng dalawang manlalaro. Noon niya napansing si George pala ang kalaban ni Krake. Parehong magaling ang mga ito at mukhang walang ayaw na matalo.

        Nang lumamang ng isang punto si George laban kay Krake at service na nang huli ay bigla na namang umandar ang kapilyahan niya at ginaya si Kathryn Bernardo sa pilekula nitong She's dating a gangster.

"Go honey, go honey, go honey honey my love!" kanta niya habang sumasayaw.

         Ang lakas ng hagikhikan sa mga nanonood. Nakita naman niyang napa iling-iling lang si Krake na nanood sa kanya.

"Do your best dude, don't disappoint your wife." narinig niyang sigaw ni George at sinabayan pa nang nakakalokong tawa.

         Panay naman ang kurutan ng mga babae sa kanyang likuran na tila kinikilig. Napatalon-talon siya nang manalo si Krake laban kay George o mas magandang sabihin na mukhang nagpatalo ang huli para sa kaibigan nito. Haha!

Be My Contractual WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon