(Meet the hotel king)
Unang araw sa trabaho ni Sandy bilang isang house keeping sa Solace Hotel na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang nakasuot siya ng magandang uniporme na may nakabordang Solace Hotel sa bandang kanan ng kanyang dibdib.
Bago pa man magsimula ang shift nila ay tinipon muna silang lahat ng mga kasamahan niya sa house keeping ng kanilang head para sa mga assignments at ilang panibagong instructions.
Pagkatapos ay nagkanya-kanya na sila sa kanilang mga trabaho. Una niyang naging kaibigan si Mekai pareho silang taga probinsiya sa Batanggas nga lang ito galing.
Madaling nagkapalagayan ang loob nila dahil likas itong palakwento at mabait idagdag pa ang pagiging masayahin nito kaya sapol talaga silang dalawa.
At kahit naka palda at blouse ang uniform nila ay naroon pa rin ang kaastigan ng kilos niya. Ayaw niya sa palda dahil ang hirap kumilos pero wala siyang magawa dahil iyun ang uniporme nang housekeeping sa solace hotel.
Naalala pa niya kung gaano kasaya ang magulang niya nang balitaan niya ang mga ito na natanggap siya sa pinakasikat na hotel ng bansa.
Nasa laundry room sila kung saan dinala nila ang mga maduduming bed sheets at kumot mula sa nilinis nilang kwarto sa hotel ng biglang pumasok ang isang kasamahan nila at humahangos halatang nagmamadali.
"Parating na si Mr. President, dalian niyo iligpit niyo ang kalat." pagkasabi nito ay dali-dali nang kumilos ang mga naroon. Lahat nataranta.
"Hoi, Sandy halika dito tulungan mo kaming magligpit." tawag sa kanya ni Mekai, nagtaka naman siyang sumunod dito.
Ano naman ang ikinataranta nang mga ito, kung iyun ay dahil paparating na ang Presidente ano ang problema eh tinatawag ngang laundry room ang lugar na iyun dahil doon itinambak ang labahaning kobre-kama at iba pa. Ano ba ang inaasahan nitong dadatnan nito?
"Ano ba ang problema Mekai?" hindi niya napigilang magtanong.
"Araw-araw na nag round-checking si Mr. President sa buong hotel, Sandy."
"Iyun naman pala, bakit tarantang-taranta kayo? Hindi ba dapat sanay na kayo?"
Nagtaka siya nang umiling-iling ito.
"Perfectionist si Mr. President, Sandy at kahit isang pirasong dumi o alikabok diyan sa tabi-tabi nakikita niya."
Oops, teka lang parang narinig na niya ang ganoong linya. At hindi lang pala nakaka intimidate ang presensiya nito at napakaseryoso dahil perfectionist din pala.
"Grabe naman pala kung ganoon."
"Pero ok lang dahil ubod naman siya nang gwapo. Nakakadagdag nga sa kagwapuhan niya ang pagiging perfectionist niya eh." tila kinikilig pang kuwento ni Mekai.
Napailing-iling nalang siya, kanina tila takot na takot ito sa Presidente at ngayon bigla na namang lumambot dahil gwapo lang ito. Hayy, babae ngang talaga oh kahinaan talaga ang mga gwapo.
"Girs, ayusin niyo ang sarili niyo parating na sila." anang isa na sumilip sa pintuan.
Nakita naman niya na sinipat-sipat ng mga kasamahan niya ang mga sarili sa salamin, ang iba ay inayos ang munting gusot sa suot na uniform. Hindi na siya nag-abalang tingnan ang sarili dahil naaliw na siya sa mga kasamahan. At isa pa siya lang ata ang babae na hindi concious sa hitsura niya, mahalaga na sa kanya ang nakapagsuklay siya pagkagising, fights na.
BINABASA MO ANG
Be My Contractual Wife
RomanceKrake Chen, one of the richest bachelor in the country. He owns chains of hotels. He devoted all his early life sa hotel na pinatayo ng kanyang ina then it came, an arranged marriage put up by his father and he hated every tiny idea of it. At para p...
