(The bestfriend's come back)
Malalim na ang gabi nang dumating sila sa mansiyon. Si manang Linda ang nagbukas sa kanila nang gate.
"Good evening, manang." masaya niyang bati sa matanda habang nakasunod naman sa kanya si Krake.
"Magandang gabi din sayo, Mrs. Chen, Krake. Ano maghahain ba ako?"
"Nag dinner na po kami sa labas." sagot ni Krake
"Thank you for this evening Mr. Chen, sobrang saya ko talaga." abot teynga pa rin ang ngiti niya at sa sobrang kaligayahan ay hindi niya napigilang yakapin ito. Awkward.
Ngunit ng kumalas siya sa pagkayakap rito ay napako naman sa kinatayuan si Sandy ng makita kung sino ang komportableng nakaupo sa sofa na nakatingin sa kanila sa may pintuan.
"Kenny?!" nasambit niya nang makabawi sa pagkagulat
Nakita niyang ngumiti lang ito nang pilit at tumayo.
"Ken? Bakit hindi ka nagpasabi na darating ka?" ani Krake sa likuran niya
"Just want to surprise you both." bakit tila may halong lungkot ang tinig nito
"Nag dinner ka na ba?"
"Yes kuya, sobra kong na miss ang luto ni Manang eh."
"Hey, sister in law kumusta?" hindi niya alam pero ramdam niya ang sarkasmo sa pagtawag nito sa kanya na sister in law. Niyakap siya nito at agad ding bumitaw.
Galit din kaya ito sa kanya tulad ng magulang nito? Ayaw din kaya siya nito para sa kapatid nito?
"Ginulat niyo naman ako." anito sa nagtatampong tinig
"Kenn-" pinutol nito ang sasabihin niya
"But its fine with me, im sorry kuya hindi ako nakasama sa pag-uwi rito nina mommy at daddy para i-welcome ang bagong miyembro nang family nasa Venice kasi ako at hindi ko maiwan ang exhibit." nagpapaliwanag ito pero pakiramdam niya hindi nito gusto ang nangyayari sa paligid.
"Its ok, Ken." wala sa loob na sagot ni Krake
"Maybe lets continue chatting tommorrow, its getting late and I know youre tired from a long trip."
"Yeah, thats a good idea. Segi mauna na ako sa inyo. Good night sister in law, kuya." anito at umakyat na.
Dumeritso naman si Sandy sa kusina at kumuha nang tubig. Pakiramdam kasi niya natuyo ang laway niya dahil sa mainit na atmosphere kanina sa living room kahit na ang lakas ng aircon.
Hindi niya napaghandaan ang pagdating ni Kenny kaya hindi niya alam ang magiging reaksiyon.
Sa loob kasi nang isang linggo na kasal sila ni Krake ay hindi umabot sa kanyang isip si Kenny kung ano ang magiging reaksiyon nito sa pagpapakasal niya sa kapatid nito sa loob lang ng ilang buwan.
Ngayon lang niya napagtanto ang awkwardness na namamagitan kapag pinakasalan mo ang kapatid ng bestfriend mo.
Hindi rin niya inaasahan ang sarkasmo sa tinig nito habang kausap siya. Pakiramdam niya ay galit ito sa kanya, pero sa hindi niya malamang dahilan. Dahil kaya sa mabilis niyang pagpapakasal sa kapatid nito. But she doubt it, pakiramdam niya alam nito ang dahilan ng pagpapakasal nila ng kapatid nito dahil hindi naman lingid dito na may babae nang gusto ang magulang nito para kay Krake.
Napa-buntung-hininga siya, ngayon ata may iba na naman siyang alalahanin sa bahay na ito. Laking tuwa pa naman sana niya nang umalis na ang magulang ni Krake pero mas kinakabahan siya sa pagdating ni Kenny.
BINABASA MO ANG
Be My Contractual Wife
RomanceKrake Chen, one of the richest bachelor in the country. He owns chains of hotels. He devoted all his early life sa hotel na pinatayo ng kanyang ina then it came, an arranged marriage put up by his father and he hated every tiny idea of it. At para p...