Chapter 22

42.9K 808 35
                                        

(The real proposal)      





         Walang gana si Sandy nang gumising ng umagang iyun. Bahagya niyang hinaplos-haplos ang tiyan niya.

"Hindi tayo pinuntahan ni daddy, baby."

"But don't worry hindi ka naman iiwan ni mommy eh. Mas mahal kasi kita kaysa sa daddy mo."

"Hayaan mo kapag nagpakita sa akin ang daddy mo, aawayin ko talaga nang todong-todo iyun."

       Napangiti naman siya sa ginawa niyang pakikipag-usap sa fetus sa tiyan niya. Bumangon na siya dahil kailangan niyang puntahan si Krake sa Aramidas. Day-off niya ngayon pero pupunta lang siya sa Aramidas para makausap si Krake.

       Bandang alas-diyes na nang umaga nang dumating siya sa Aramidas at dumiritso na siya sa 20th floor. Nag door bell siya. Si Pinky ang nakita niyang nagbukas ng pintuan.

"Maam Sandy, hindi ba day-off niyo ngayon?"

"Si Mr. Chen?"

"Wala na po siya rito maam."

       Puno nang pagtatakang hinarap niya si Pinky.

"Anong wala na siya Pinky?"

"Nag check-out na po siya kaninang umaga lang."

       Nagulat siya sa nalaman. Hindi niya alam kung ano ang tamang isipin sa ginawa ni Krake na pag-alis sa Aramidas ng hindi man lang nagpaalam sa kanya.

       Nagmamadaling bumalik sa elevator si Sandy at bumaba. Habang lulan siya nang elevator ay panay naman ang pagluha niya.

       Stop it tears! Ayaw niyang umiyak pero hindi naman niya mapipigilan ang sarili. Paano siya nagawang takasan ni Krake ng ganoon-ganoon lang? Hindi naman siya makapaniwalang niloloko lang siya nito dahil dama naman niyang mahal din siya nito. Pero anong nangyari bakit bigla nalang siyang iniwan nito? Hindi kaya tama ang hinala niyang bumalik ito nang Maynila dahil kay Mia. Mukhang hindi nga siya nanaginip kahapon ng marinig niya ang tinig ni Mia sa loob ng suite ni Krake. Damn you, Krake!

       Nag makababa siya ay agad siyang pumunta sa reception desk.

"Maam Sandy." ani Lisa

"Lisa, paki verify nga nang room 356 kung anong oras nag check-out."

"Sure maam." at may tiningnan ito sa computer.

"Two hours ago lang maam."

"Two hours?!" hindi siya makapaniwala sa narinig

"Yes maam."

        Napahawak siyang bigla sa desk dahil pakiramdam niya ay nanghina ang tuhod niya.

"Puwedeng paki- check na rin kung si Mr. Chen ba personally ang nagcheck-out?"

        Tumango naman ang receptionist. Ilang sandali pa ay muling nagtaas ng tingin ang receptionist sa kanya.

"Confirmed maam, si Mr. Chen personally ang nag check-out." at ipinakita pa sa kanya ni Lisa ang check-out slip ni Krake at may pirma pa nito.

"Thank you, Lisa." kahit nanghihina ay nagawa pa niyang magpasalamat sa receptionist.

        Umupo muna siya sa lounge area ng Aramidas dahil pakiramdam niya ay hinang-hina siya pagkatapos sa nalaman mula sa receptionist. Masamang-masama ang loob niya dito, nagawa pang mag check-out ng gago na hindi man lang nagpakita sa kanya. Mabilis naman niyang pinunasan ang luha dahil nakakahiya sa mga guest na makita siyang umiiyak.

Be My Contractual WifeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon