(Back to reality)
Sakay na sila nang eroplano pabalik ng Maynila. Dalawang araw lang silang nanatili sa Bohol dahil alam niyang abala si Krake at ayaw niyang maabala pa ito.
Pagkalapag pa lang ng sinakyan nilang eroplano sa NAIA ay dumiritso na ito sa Solace hotel samantalang siya ay umuwi na sa mansiyon ng mga Chen na ayon na rin sa order ni Krake Chen.
Kasabay ng pagbalik nila sa Maynila ang pagbalik ng totoong si Krake, iyung bossy, strict at seryosong presidente nang Solace.
Pagkarating niya sa mansiyon ng mga Chen ay mabuti nalang at umalis na pala patungong China ang magulang ni Krake.
Buong maghapon siyang nagpahinga dahil wala naman siyang magagawa sa bahay ng mga Chen ni hindi nga siya lumalabas sa kwarto sa takot na baka makasira siya nang gamit. Ang mamahal pa naman ng mga gamit sa bahay.
"Maam Sandy, alas otso na baka gusto niyo nang maghapunan." anang kakapasok lang na katulong
"Hindi pa ba dumating si Mr. Chen, manang?"
"Naku, baka kung anong oras na iyun darating si Sir, Maam. Hindi naman iyun naghahapunan rito madalas sa hotel na rin nagpapalipas ng gabi kapag maraming trabaho."
"Segi manang, bababa lang po ako."
Naasiwa siya sa tuwing may katulong na nag-iistima sa kanya pero kailangan niya siguro munang masanay sa ilang buwan niyang pagiging Mrs. Chen.
Nasa dining room na siya at mag-isang kumain. Ang lungkot pala kumain mag-isa sa ganito kalaking bahay.
"Manang, sabayan niyo na po ako."
"Naku maam, hindi maaari."
"Tayo lang naman dito hindi ba?"
"Pero maam kasi-"
"Alam niyo kasi manang, pareho lang naman tayo." empleyado rito gusto niya sanang idagdag pero pinigilan niya ang sarili
"Segi na manang, gusto ko lang ng may makakausap."
Sa wakas ay pumayag na rin ito at umupo sa harap niya pero sinamahan lang siya nito sa mesa at hindi sumabay sa pagkain.
"Sabihin niyo lang sa akin kung may kailangan kayo Maam Sandy."
"Sandy nalang po ang itawag sa akin, nakakaasiwa kasi na tinatawag niyo akong maam. Tsaka nakakahiya po na pinagsisilbihan niyo ako eh malakas pa naman po ako."
"Kaya pala ikaw ang pinili ni Sir Krake, dahil napakabait mong bata. Alam mo ineng, nung una pa man kitang makita rito nung dinalaw mo si sir Kenny ay gustung-gusto na kita."
"Talaga po, naalala niyo po iyun."
"Oo naman, paano ang cute mo sa suot mo nun." natawa naman siya sa sinabi nang matanda
"Maiba tayo manang, matagal na ba kayo rito?"
"Oo, kung anong edad ni Krake ay ganoon na din ang tagal ng paninilbihan ko dito."
"Wow! Ang tagal niyo naman pala dito. Puwede po magtanong?"
"Segi ineng basta ba kaya kung sagutin ang mga tanong mo."
"Sino po iyung babae na kasama ni Mr. Chen? Hindi po kasi ipinakilala sa akin ni Krake eh."
"Ah si maam Monette iyun. Mommy ni sir Kenny."
"So Mommy din siya ni Krake?"
"Hindi ineng, stepmother siya ni Krake six years old pa lang si Krake nang mamatay ang mommy niya.
BINABASA MO ANG
Be My Contractual Wife
Roman d'amourKrake Chen, one of the richest bachelor in the country. He owns chains of hotels. He devoted all his early life sa hotel na pinatayo ng kanyang ina then it came, an arranged marriage put up by his father and he hated every tiny idea of it. At para p...