(The fight of winning back)
Sandy's POV
Ilang oras na siyang nakatunganga lang sa monitor ng kanyang computer sa opisina ngunit wala roon ang isip ni Sandy. Paulit-ulit niyang naririnig sa sarili ang huling sinabi sa kanya ni Krake. I want you back, Sandy. I want you back, Sandy. I want you back, Sandy. I want you back.
"Ugggghh! Ano ba ang nangyayari sayo Sandy!" pinagalitan niya ang sarili
"May problema po ba kayo, Maam Sandy?" hindi niya namalayang pumasok pala sa opisina niya si Pinky.
"Oh, may kailangan ka ba Pinky?"
"Wala naman maam. Laking pasalamat namin ni Carmi na umalis ang VIP guest."
Napabuntung-hininga naman siya. Pero saan kaya pupunta si Krake?
"Alam niyo ba akung saan pumunta ang guest?"
Bahagya pang nagulat si Pinky sa naging tanong niya. Ano ba ang pakialam mo kung saan pumunta si Krake, Sandy? Don't tell me natatakot ka na makipag date ito?
"No!" nagulat naman si Pinky sa biglang pagsigaw niya
"Im sorry, Pinky. What I mean is mali ang tanong ko saiyo kanina."
Tumango nalang ito pero puno pa rin ng pagtataka ang mata nito. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Ilang oras pa lang ng magkita silang muli ni Krake ay nababaliw na siya. Paano na kaya kung tumagal pa ito sa Aramidas, baka sa mental hospital na talaga ang ending niya.
"Maam, hindi pa po ba kayo uuwi?"
"Bakit anong oras na ba?"
"Kanina pa po nag alas-singko, kaya ko po kayo pinuntahan rito."
"Ah ganoon ba, sira kasi ang relo ko eh. Segi uuwi na ako, umuwi ka na rin." aniya at mabilis na kinuha ang bag at nagligpit ng gamit.
Kinabukasan ay muntik siyang ma-late sa trabaho dahil late na siyang nagising. Paano ba naman buong gabi ay laman ng kanyang isip ang biglang pagdating ni Krake.
Tumatakbo siya papunta sa employees entrance dahil dalawang minuto nalang at late na siya may ilang empleyado din siyang nakasabay sa pagtakbo. Ikaw ang may kasalanan nito Krake.
At sa gulat niya nang maabutan niya itong nakatayo sa gilid ng pintuan ng emloyees entrance. Nakasuot lang ito nang puting t-shirt na pinaresan ng khaky pants na nagpalutang sa kasimplehan ngunit mala-adonis nitong mukha.
Hindi niya ito pinansin. Dumiritso na siya sa machine kung saan nila kailangan mag swipe ng ID. Ang ibang emleyado ay panay naman ang bulungan habang naghahanda sa pagpunta sa mga area nila.
Tahimik lang siya at pagkatapos mag swipe ay lumabas na rin siya. Nakita niyang naroon pa rin si Krake. Tumingin lang ito sa kanya ngunit hindi nagsalita.
Hindi din niya ito pinansin. Wala siyang pakialam kung ano ang pinunta nito sa employees area at magmukhang tanga roon habang nakatayo sa gilid ng pintuan. Pansin naman niyang nakasunod ito sa kanya habang tinahak niya ang hallway patungo sa opisina niya. Pero hindi niya ito inabalang lingunin.
Nang marating niya ang opisina ay walang babala na pumasok rin ito na ikinainis niya. Kung makaasta ba naman ito ay tila ito ang may-ari nang Aramidas na kung makapasok ng opisina ng iba ay parang kusina lang ng bahay nila.
BINABASA MO ANG
Be My Contractual Wife
RomanceKrake Chen, one of the richest bachelor in the country. He owns chains of hotels. He devoted all his early life sa hotel na pinatayo ng kanyang ina then it came, an arranged marriage put up by his father and he hated every tiny idea of it. At para p...