Chapter 6

27.8K 630 9
                                    

                         

(The rules)

"Don't worry, Miss Marangya kapag nagpakasal ka na sa akin automatically promoted ka na dahil asawa na kita. You'll enjoy the extra benefits exclusively para sa mga executives at ako na rin ang personal na magsu-suweldo sayo."

"You''ll get one hundred thousand a month bilang suweldo mo at ako na rin ang bahala sa medical expenses ng nanay mo. I will transfer her dito sa Maynila kung kailangan para mapakunsulta siya sa isang espesyalista."

         One hundred thousand a month? Mahihimatay ata siya sa gulat. Sobrang yaman pala nito para ipamigay lang ang ganoong halaga. Eh ang ten thousand nga sa mga katulad niyang simpleng empleyado lang ay ang hirap ma-achieve dahil sa dami nang deduction ng gobyerno.

"Wala kang ibang gagawin kundi ang maging asawa ko sa harap ng pamilya at ibang tao, Miss Marangya." napasinghap na naman siya sa narinig

"But don't assume anything yet." sansala nito sa iniisip niya

"Kapag tayong dalawa lang don't dare to get close with me."

        Wow, grabe para lang siyang germs ituring nito. Kulang nalang idagdag nito na because youre queit a bit itchy.

"Don't worry two years will be too long enough para mag divorce tayo."

         So maging diborsiyada pala siya sa murang edad? Ano nalang ang sasabihin sa kanya nang pamilya at mga relatives niya sa Bohol na ang maganda nilang si Sandy ay diborsiyada?

        Napapikit siya sa isiping iyun, panigurado siyang hindi iyun matanggap ng magulang niya. Pinakaalagaan pa naman siya ng mga ito mula pagkabata, ni ayaw siyang pagalusan hindi siya pinapalabas ng bahay dahil baka umitim at ngayon i-deborsiyo lang siya kaagad ng mapapangasawa niya. Itong beauty niya i-devorce? Hmp, ang dami kayang manliligaw niya sa Bohol wala nga lang siyang sinagot dahil pihikan siya. At kahit na medyo boyish siya kung kumilos at manamit hindi iyun hadlang para takpan ang ganda niyang siya lang ang meron.

        Maputi naman siya at makinis pa dahil sabi nang nanay niya ay gustung-gusto nitong kumain ng buko nang pinagbuntis pa siya. At ang ilong niya na matangos bagay sa maliit niyang mukha. At ang best asset niya ang mapula at malambot niyang labi na marami ang naiinggit sa kanyang mga kasamahan niya sa housekeeping dahil hindi na raw niya kailangang maglipstick.

"Pero sir, paano po ako maging asawa niyo eh ni minsan hindi ko pa po naranasang magka boyfriend." nahihiya niyang amin. Natawa naman ito.

       Iyun ang unang pagkakataon na nakita niya itong tumawa na totoo at hindi pilit. Hindi niya alam na ang pagiging NBSB lang pala niya ang magpapatawa rito. Kung alam lang niya eh di sana matagal na niyang sinabi iyun dito.

"Don't go too far, Miss Marangya. Sa papel lang tayo mag-asawa. We don't have that wife-husband thing, I'll assure you."

        Nakahinga naman siya nang malalim sa sinabi nito.

"If you have no more questions about the contract, you can go Miss Marangya." anito at bumalik na rin sa mesa nito.

"But before that, make sure that whatever discussion we have today here in my office will remain in my office. Can you assure me for that, Miss Marangya?"

"Yes Mr. Chen." wala sa loob niyang sagot.

        Ano naman ang makukuha niya kung ichismiss niya sa mga kasamahan ang ibinigay nitong order sa kanya na pakasalan ito.

"One more thing, Miss Marangya be prepared we will fly to Macao in two days from now for our wedding kailangan ko lang tapusin ang ibang appointments ko."

        Tila hindi niya maihakbang ang paa sa dami nang emosyon na bumalot sa kanya sa loob lang ng ilang minuto na pakikipag-usap rito.

        Ikakasal na siya a few days from now? Ang bilis naman ata. Instant wife lang ang peg? Ang iba ang daming pinagdadaanang emotional stress bago ikasal, siya naman blanko dahil automatic siyang ikasal in two days from now.

        Lihim pa niyang ipinagdasal na sana panaginip lang ang lahat. Na paginip lang ang natanggap niyang order mula kay Mr. Chen. Pero hindi talaga eh. Sumasakit na ang ulo niya sa kakauntog sa pader pero nararamdaman talaga niya ang sakit kaya malamang gising nga siya at totoo ang mga nangyayari.

"Wahhhhh!"

     Pagdating niya sa laundry room ay agad siyang inusisa ni Mekai at ibang kasamahan.

"Anong nangyari, Sandy bakit hindi ma drawing iyang mukha mo?"

"Pinagalitan ka ba nang sobra ni Mr. Chen?"

"Pinalo ka ba niya?" hindi pa rin siya natawa sa huling tanong ni Mekai

"Don't tell me tinanggal ka niya sa trabaho dahil hindi mo maayos na nalinis ang opisina niya?"

"Hindi ako natanggal."

"Eh bakit ganyan ang mukha mo? Hindi kami sanay sa matamlay na si Sandy, ang cool at astig kaya nun."

"Aalis ako sa susunod na araw." nasabi lang niya

"Saan? Inassign ka ni Mr. Chen sa ibang branch ng Solace? Saan, sa Cebu? Davao, Palawan? Saang branch ba?" kahit kailan talaga over reaction talaga itong si Mekai.

"Uuwi ako nang bohol." nasabi nalang niya dahil hindi naman niya puwedeng ikuwento rito ang napag-usapan nila ni Krake Chen.

"Iyun naman pala." at bumalik na rin ang mga ito sa mga trabaho nila nang walang makuha sa kanyang panibagong chismis.



                             





Be My Contractual WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon