(Meeting the in-laws)
Makalipas ang mahigit isang oras na biyahe nila ay sa wakas narating na rin nila ang barangay nila sa Danao, Bohol.
Unti-unti na naman siyang nakaramdam ng kaba habang papalapit sa bahay nila. Hindi niya alam ang magiging reaksiyon ng magulang at kapatid sa pagdating nila.
Humugot muna siya nang malalim na paghinga bago hinarap ang driver ng van.
"Kuya, pakihinto nalang diyan sa may malaking puno nang mangga." ang lakas na nang kaba niya hindi pa man sila nakababa.
Nang ihinto nang driver ang van sa itinuro niya kanina ay hinarap na naman niya si Krake na abala ang paningin sa paligid sa pagsilip sa bintana.
"Mr. Chen." tawag niya dito
Tumingin ito sa kanya ngunit wala pa ring emosyon ang mukha nito.
"Puwede bang ako muna ang boss ngayon, Mr. Chen?" kinakabahan niyang wika
Nakita niya ang biglang pag-abot ng dalawa nitong kilay at ang pagkunot ng noo nito habang titig na titig sa kanya.
"What?" bahagyang tumaas ang tinig nito
"Ngayon lang naman sir." paliwanag niya
Paano ba niya ipaintindi rito na hindi mga negosyante o business partner ang makakaharap nito mamaya para sa ganitong ka at ease na look nito. Wala itong maski kaunting ediya sa dadatnan nila.
"Ano kasi sir." nahirapan talaga siyang ipaliwanag rito ang sitwasyon nila. Kung hindi nalang sana ito sumama sana maging madali lang ang lahat sa kanya.
"Alam mo kasi Mr. Chen medyo terror yung tatay at mga kapatid ko lalo na pagdating sa akin. Kaya sana pigil-pigilan mo yang kasungitan mo sa harap nila dahil alam mo na-"
Nakita niyang tinaasan lang siya nito nang kilay.
"Do you think im that clueless, Miss Marangya? Let me tell you in case you haven't know that I never go to a battle na walang armas."
"I make my own little research about meeting the in-laws in the province before coming here, Miss Marangya."
Nganga siya. Pati ba naman ang ganitong bagay ay gino-google nito? Woh!
"Ah basta kailangan mo pa ring makinig sa akin Mr. Chen habang nasa lungga ka namin at baka mabuko tayo sa contract marriage natin. Naku, lagot tayong dalawa baka pati ako makatay na buhay ni tatay."
Gusto naman niyang matawa nang makita ang sandaling pagkatakot sa mukha nito sa sinabi niya. Marunong din pala itong matakot. Akala ko pa naman wala ito nun.
Pagkababa nila sa sinakyang van ay agad sumalubong sa kanya ang preskong hangin. At ang purong berdeng tanawin mula sa mga punong kahoy at palay.
"Huh! I really miss this." nagpaikot-ikot siya mula sa kinatayuan at sandaling dinama ang presko na hangin sa bukid.
Nakita naman niyang inilibot ni Krake ang sarili sa paligid. May kalayuan pa ang bahay nila at maliit lang ang daan patungo roon kaya dun na niya pinahinto ang van dahil hindi ito makapasok hanggang sa bahay nila.
Wala masyadong kabahayan sa paligid nila dahil napalibutan ito nang malawak na lupain na may tanim na palay. Hanggang tuhod palang ang mga tubong palay at ang sarap tingnan kasi puro berde ang paligid.
"Mr. Chen." tawag niya sa boss at sumunod na ito sa kanya sa pagbay-bay ng makipot na daan.
Malayo pa man ay tanaw na niya ang bahay nila mula sa mga nakapalibot ritong ibat-ibang puno na tanim ng ama niya tulad ng mangga, langka, chico, star apple at iba pa.
BINABASA MO ANG
Be My Contractual Wife
Roman d'amourKrake Chen, one of the richest bachelor in the country. He owns chains of hotels. He devoted all his early life sa hotel na pinatayo ng kanyang ina then it came, an arranged marriage put up by his father and he hated every tiny idea of it. At para p...