(First PDA ever)
Pagdating ni Sandy sa Solace hotel ay dinalaw na naman siya nang matinding kaba. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya para siyang naduduwag na makita si Krake. Namumula siya sa tuwing naalala ang huli nilang pagkikita sa loob ng private suite nito. Ngunit kung natiis siya nitong hindi makita sa loob ng dalawang araw, siya hindi niya kaya. Kasi kahit sobrang sungit nito sa kanya at tila hindi naman siya nito pinapahalagahan ewan ba kung bakit tila hinahanap na ito nang kanyang puso. Dahil lang doon sa dalawang araw nilang pagsasama sa Bohol. Nakita niya kasi doon ang kabilang side ng isang Krake Chen.
Bumaba siya sa sinasakyang taxi bitbit ang box na naglalaman ng bineyk niyang keyk at dumeritso na sa entrance door ng Solace.
"Good afternoon, Mrs. Chen." bati kaagad sa kanya nang guard, namula na naman siya dahil sa pagtawag nito sa kanya ng Mrs. Chen
Kailan pa kaya siya masanay sa bago niyang apelyido. Pakiramdam niya hinding-hindi siya masanay dahil contractual lang naman ang pagiging Mrs. Chen niya. Napabuntunghininga siya naisip. Bakit tila may tumutusok ng karayom sa dibdib niya sa tuwing naisip niyang isang trabaho lang ang pagiging Mrs. Chen niya.
"Sandy, focus-focus. Huwag magpapadala sa nararamdaman. Trabaho lang walang personalan." paalala niya sa sarili
"Good afternoon, Mrs. Chen." magkasabay na bati sa kanya nang dalawang recepcionist ng dumaan siya. Nginitian lang niya ang mga ito. Ngumiti naman ang mga ito sa kanya na tila naaliw sa suot niya.
Gusto naman niyang magsisi ngayon sa isinuot. Paano lahat ata nang nakakasalubong niya simula pagpasok sa hotel ay pinagtitinginan siya.
"Bakit ba kasi pinairal mo pa yang baduy style mo, Sandy."
"Ang cute naman ni Mrs. Chen." narinig pa niyang wika nang isang empleyadong nakasalubong niya nginitian lang niya ito.
Habang naglakad siya patungo sa elevator ay tila gusto namang umatras ng mga paa niya. Humina ata ang fighting spirit niya ngayon.
"Focus, Sandy. Kalimutan mo na ang halikan moment niyo kung gusto mong gawin ng maayos ang trabaho mo bilang asawa ni Krake. Huwag kang magpaapekto, si Krake nga balewala lang yung halik niyo dapat ikaw din."
Tama, hindi siya dapat nagpapaapekto sa simpleng halik lang. Alam niyang nadala lang sa galit si Krake kaya hinalikan siya nito sa kagustuhan siguro nitong paluin siya dahil sa galit nito sa kanya kaya hinalikan nalang siya nito bilang parusa dahil ang pangit naman kung paluin siya.
Dapat niyang ilagay sa isipan niya na sinuwelduhan siya ni Krake para maging asawa siya nito kaya nararapat lang na ayusin niya ang trabaho niya para naman hindi siya magi-guilty na tumanggap ng malaking sahod mula rito.
Dalawang metro nalang ang layo niya sa elevator at eksakto namang nagtaas siya nang tingin ng bumukas ito at lumabas ang kagalang-galang na si Krake.
Napakurap-kurap siya sandali. Ang gwapo talaga nito sa suot na suit kahit na mukhang kulang sa pahinga. Nakayuko ito kaya hindi siya nito napansin. Hindi na siya nagdalawang-isip pa sa susunod na gagawin.
"HONEY!" tawag niya rito sa malakas na tinig
Wala sa loob na nagtaas ito nang mukha. Hindi naman nito inaasahang siya ang tinatawag na honey dahil sa ekspresyon ng mukha nito. Siguro dahil sa kuryusidad kaya ito nagtaas ng mukha.
"Honey, honey." pagpapatuloy pa rin niya sa pagtawag dito habang papalapit siya rito. Pati ibang empleyado at ibang guest ay napatingin sa kanya dahil sa lakas ng tinig niya.
BINABASA MO ANG
Be My Contractual Wife
RomanceKrake Chen, one of the richest bachelor in the country. He owns chains of hotels. He devoted all his early life sa hotel na pinatayo ng kanyang ina then it came, an arranged marriage put up by his father and he hated every tiny idea of it. At para p...