(The dirty tricks)
Kinabukasan dahil maaga pa siyang pumasok ay tinawagan niya muna ang nanay niya sa Bohol na tatlong araw na din simula nang huli siyang tumawag sa mga ito.
Nakailang dial siya ngunit hindi nito sinasagot. Pinalipas niya muna ang ilang sandali bago nag dial siya ulit, inisip niya na baka lumabas sandali ang nanay niya.
Sa wakas sinagot na nang nanay niya.
"Hello Nay, kumusta na kayo diyan?"
"Oh, Sandia mabuti at tumawag ka na. Ilang araw ko nang hinintay na tumawag ka para sa sorpresahen ka." anito
Sorpresahin?
"Saan ba kayo pumunta nay, at nakailang ring iyung phone niyo."
"Ayy, napasarap kasi ang ligo ko Sandia. Ang lamig ng tubig sa shower, ang sarap din magbabad sa bat tab anak."
Shower, bath tab? Bigla siyang kinabahan sa narinig mula sa ina.
"Anong shower ang sinasabi niyo nay? Nasaan ba kayo?"
Lord, sana mali lang ang hinala ko. Lihim niyang dasal habang hinintay na sagutin siya nang ina.
"Ito nga ang sorpresa namin sayo. Sabi ni manugang ay gusto ka niyang sorpresahin."
Potcha! Sinasabi na ba niya eh.
"Nandito kami sa Solace, Sandia. Ang ganda-ganda naman pala rito."
Pakiramdam niya ay umakyat lahat sa ulo ang dugo niya nang mga panahong iyun dahil sa nalaman. Mr. Chen, ano ba talaga ang binabalak mo?! At pati pamilya ko ay dinadamay mo.
"Nay, ano naman ang ginagawa niyo diyan? Padalhan ko kayo nang pera kaagad at umuwi na kayo sa Bohol, bibisitahin ko nalang kayo sa atin."
"Bakit, ayaw mo ba na nandito kami Sandia?"
"Hindi naman nay, pero kasi-"
"Nay, si bunso ba iyan? Pakausap naman oh." dinig niyang wika nang kapatid sa kabilang linya.
Ibig sabihin hindi lang ang nanay at tatay niya ang naroon sa Solace kundi buong pamilya niya? Grrrr. Kraaaaaake!
"Bunso, pasalubong namin huh. Sabi ni bayaw ay nasa Korea ka daw at nagbabakasyon. Dalhan mo kami nang kimchi huh?" anang kanyang kuya Sammy
"At bunso dalhan mo na rin ng chocolates ang mga pamangkin mo." pahabol nitong wika
Ilang sandali pa ay nawala na sa linya ang kapatid niya. Ang nanay naman niya ang kumausap sa kanya.
"Sandia, tumawag ka nalang ulit mamaya at nandito na daw ang sundo namin papunta sa St. Luks."
"Anong gagawin niyo dun nay?" bakit-umagang umaga eh ang daming nakakagulat na balita siyang natatanggap.
"Hindi ba nabanggit sayo nang asawa mo? Sabagay sabi niya eh surprise nga. Pinapagamot niya sa espesyalista ang diabetes ko. Tsaka ang tatay mo ay sinuhestiyun niyang magpa general check-up na rin. Sabi niya magagaling daw ang mga doktor sa hospital na iyun."
"Nay, puwede ba pakinggan niyo muna ako. Hindi na kasi kami--"
Tooot. Tooot. Toot iyun na ang narinig niya. Wow, binabaan na siya nang telepono nang sariling ina.
Wala siyang sinayang na sandali at agad tinungo ang elevator. Naggalaiti na siya sa galit at hindi niya mapalampas ang ginawa sa kanya ni Krake.
BINABASA MO ANG
Be My Contractual Wife
Любовные романыKrake Chen, one of the richest bachelor in the country. He owns chains of hotels. He devoted all his early life sa hotel na pinatayo ng kanyang ina then it came, an arranged marriage put up by his father and he hated every tiny idea of it. At para p...