Chapter 16

33.7K 722 15
                                    

(Saying goodbye's)

 

      Kinabukasan tinanghali na nang gising si Sandy dahil siguro madaling-araw na siya nang makatulog kagabi dahil sa dami nang iniisip. Wala siyang sinayang na sandali at agad siyang naligo at nagbihis.

        Pagkababa niya nang hagdanan ay naabutan niya si Kenny na tila paalis na rin sa galak nito.

"Aalis ka?"

"Oo Kenny, pupuntahan ko si Krake."

"Segi ihahatid na kita."

"Naku huwag na magpa drive nalang ako sa driver."

"I insist, total mukhang ako naman ang may kasalanan kung bakit nag-away kayo eh."

"Hindi naman Kenny, marami din kaming mga issues sa isat-isa na hindi pa napag-usapan maliban sa nangyari kagabi."

"Segi, halika na." anito at nagpatiuna sa paglabas.

        Habang bumabiyahe patungo sa Solace hotel ay tinawagan ni Sandy si Martina at tinanong niya kung naroon ba si Krake. At ayon sa sekretarya ay naroon daw ito.

        Natawa pa nga siya nang sabihin sa kanya ni Martina na mukhang kailangan nga niyang puntahan si Krake dahil tila wala ito sa sarili. At siya lang daw ang makakagamot nito.

        Kailangan talaga nilang mag-usap ni Krake, kailangan nilang klaruhin ang mga nararamdaman nila para sa isat-isa. Para sa kapayapaan na rin nilang dalawa. Ayaw na niyang palipasin pa ang mga araw na puro pag-aassume nalang sa nararamdaman nito sa kanya. Kailangan niyang ipagtapat dito ang nararamdaman niya at sana magkalakas din ito nang loob na sabihin sa kanya ang totoong nararamdaman nito. Ayaw niyang manatiling nakahawak lang sa mga sinasabi sa kanya ni Kenny tungkol sa haka-haka nito sa nararamdaman ni Krake para sa kanya.

        Pagdating nila sa Solace ay agad bumaba si Sandy sa sasakyan. Hindi na bumaba si Kenny dahil kailangan pa nitong puntahan ang exhibit nito.

        At habang lulan siya nang elevator ay ang lakas na naman ng kaba ng dibdib niya. Hindi niya alam pero sari-sari ang nararamdaman niya nang mga oras na iyun, tila naiihi siya na parang sumasakit bigla ang tiyan niya nang hindi niya mawari. Ganoon talaga ata kapag kikitain mo ang mahal mo at madami kayong issues na hindi pa naklaro sa isat-isa. Ganoon ba iyun?

       Pagdating niya sa 39th floor ay mas lalo atang lumubha ang hindi niya mawaring emosyon. Ang bilis ng paghinga niya, para siyang sasabak sa laban.

       Calm down Sandy, focus, focus baka papalpak ka naman at hindi mo masabi ang nararamdaman mo sa kanya.

"Good afternoon, Mrs. Chen." nakangiting bati sa kanya ni Martina papalapit pa lang siya sa desk nito.

"Hello Martina, si Mr. Chen?" nginitian rin niya ito.

"Nasa loob po siya, Mrs. Chen." nakangiti pa rin nitong wika

"Segi papasok na ako." aniya rito

"Nandiyan po pala si Maam Mi-" hindi nito natapos ang sasabihin dahil pareho silang natulala sa nakita nang kusang bumukas ang magnetic door sa opisina ni Krake.

       Hindi siya nakapagsalita, nakaawang lang ang labi niya. At basta nalang niyang naramdaman ang pagtulo nang luha niya at ang matinding sakit sa dibdib niya. Pakiramdam niya sinaksak ng paulit-ulit ang puso niya nang walang kalaban-laban.

       Hindi niya nakayanan ang nakita at napaatras siya, isa, dalawa, tatlo at muling sumarado ang pinto.

       Muntik siyang matumba mabuti nalang at nasa likod na pala niya si Martina at mabilis siyang nahawakan.

Be My Contractual WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon