(Standing in shame)
"Ibig sabihin kapatid mo si Krake Chen, Kenny?!" gulat na gulat niyang sambulat sa kaharap sa wakas natunton na rin niya ang studio room nito sa kaliwang bahagi nang hallway pangalawang kwarto.
Katamtaman lang ang laki nito pero ang astig sa loob dahil maliban sa maraming paintings na naroon, mayroong canvass pa lang, may puru sketch pa lang at mayroong patapos at tapos na ay kumpleto din sa gamit ang loob. Mayroon itong mini refrigerator sa loob na puno nang laman, mayroong LED tv na nakasabit sa pader. Mayroon din itong study table na kung saan naroon ang MAc computer nito. Mayroon ding customize na sofa na ubod ng lambot.
"Pambihira ka naman Kenny, bakit hindi mo man lang ako in-advice kaagad. Gusto mo ba akong atakehin sa puso?"
"You know me Sandy, im not that type of person na mahilig magkuwento tungkol sa pamilya ko."
"Seryoso talaga? As in kapatid mo talaga siya?" hindi pa rin siya makapaniwala. Wala sa loob na tumango lang ito na tila balewala lang rito ang pagtaas ng altapresyon niya dahil sa nalaman.
Ni sa isang hinagap niya ay hindi talaga niya naisip na kapatid nito si Mr. Intimidator kung ilarawan ng isang magazine si Krake Chen dahil sa ugali palang malayo na ito kay Kenny na ilang taon na niyang kilala.
At ang nakakaainis hindi man lang naikwento sa kanya ni Kenny na ubod pala ito nang yaman, eh di sana hindi niya ito pinakain ng daing sa bahay nila, nakakahiya.
"May girlfriend na ba ang kapatid mo Kenny?" ikinagulat nilang pareho ni Kenny ang naging katanungan niya. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang ediyang iyun at basta nalang lumabas sa bibig niya.
Bahagyang natawa si Kenny sa tanong niya.
"Bakit, mag-aaply ka ba na girlfriend niya kung single siya Sandy?"
"Hindi ah, mukha kayang ang sungit nun tsaka curious lang ako. Alam mo na matagal ko na siyang nababasa sa mga magazine pero wala akong nabasa tungkol sa mga girlalu niya."
"Tulad ng sinabi mo, Sandy may strict personality si kuya and he won't date a just girl." at talaga pang idiniin pa nito ang a just.
"At isa pa, matagal ng may inilaan sa kanya ang pamilya namin para mapapangasawa niya." napakurap-kurap siya sa sinabi nito
Hindi niya alam na buhay pa pala sa mga intsik ang arrange marriage hanggang ngayon kunsabagay sa mga mayayaman ayaw nilang mapunta sa iba ang yaman nila. Pero sino kaya ang babaeng inilaan na ipakasal dito?
"Parang ayaw ko na atang maging kaibigan ka Kenny, nakakahiya sayo na makasama ang katulad kung parang basahan." yamot niya
"Tumigil ka nga Sandy, halika na nga." anito at mabilis siyang hinila palabas ng studio room nito.
"Kenny, saan tayo pupunta? Akala ko ba may ipapakita ka sa akin?"
"Kailangan mo nang trabaho di ba?"
"Oo, pero saan mo nga ako dadalhin?"
"Sa Solace hotel."
"Solace hotel?" gulat niyang ulit sa sinabi nito
"Oo, bakit ayaw mo? Hindi ba HRM graduate ka naman?" anito na labis nagtaka sa reaksiyon niya.
Sa Solace hotel siya nito ipapasok ng trabaho? Gosh, hindi pa rin siya makapaniwala. Sino ba naman ang hindi magugulat sa sinabi nito. Ang Solace hotel ang pinkasikat, pinakamagara at pinakamagandang hotel sa bansa. Isa ito sa mga hotel na hinahangaan sa buong mundo. Ika nga worldclass ang Solace. At umabot na rin ang Solace sa ibat-ibang panig sa Asya.
BINABASA MO ANG
Be My Contractual Wife
Roman d'amourKrake Chen, one of the richest bachelor in the country. He owns chains of hotels. He devoted all his early life sa hotel na pinatayo ng kanyang ina then it came, an arranged marriage put up by his father and he hated every tiny idea of it. At para p...