Accident
An unexpected and undesirable event especially one resulting in damage or harm.
- Dictionary
••••••••••••••••••••••
Tumingin na muna ako sa salamin bago tuluyang lumabas ng room na inilaan para sa mga taong nagtatrabaho sa mall na to.
Sinigurado ko lang kung ayos na ang itsura ko. Nakasuot ako ng damit na required talaga ng pinagtatrabuhan ko. Temporary.
Agad akong nagtungo sa isang section ng store. Kung saan magulo at parang dinaanan ng bagyo.
Napa iling iling na lang ako. Hindi na ako magtataka. Mga bata ang palaging bumibisita sa store na to.
Lumapit ako dun at nagsimulang ayusin to. Ilang oras din ang ginugol ko upang maayos at maibalik ang mga yun.
Kung nagtataka kayo. Nagtatrabaho nga pala ako sa isang store na puro pagkaing pambata. At nasa chocolate section ako ngayon.
Ilang minuto bago naisipan kong umalis dun.
May nakasalubong pa akong isang babae. Baka dress na red na hapit na hapit sa katawan nito.
At dahil alam niyang costumer to.
" Welcome po Maam sa store namin." Bati ko dito. Pero imbis na tumigil at bumati pabalik.
Abah? Ang suplada.
Hindi man lang ako pinansin at binati pabalik.
Sumama ang mukha ko. Ganyang mga klaseng tao ang pinaka ayaw ko. Akala mo kung sino. Tsk.
Bago pa ako mainis minadali kong umalis dun.
Kaya lang tinawag ako ng babae.
Abat? Nakita din pala ako.
Pilit kong tinago ang inis ko dito. At nakangiting lumapit dito.
" Yes Ma'am?" Tanong ko dito nang makalapit.
" Find me this kind of chocolate." Utos nito at ibigay ang isang wrapper.
Gulat naman akong napatingin dito.
Pero agad din akong tumalima.
Hinahanap ko yun. Madali lang sa akin dahil sa pag-aayos ko kanina. Natatandaan ko ang mga chocolate kung saan ko nilagay.
Kinuha ko yun at nakangiting binigay sa kanya. Pero imbis na salamat at ngiti ang matanggap ko.
" Bakit isa lang? Iniinsulto mo ba ako? Kahit gaano yan ka mahal. Makakaya kong bilhin. Antipatika." She hissed. At tinaasan ako ng kilay.
Napantig ang tenga ko sa sinabi nito. Gustong gusto kong sagutin to pero f@ck hindi pwede.
Kalma lang okay?
Napabuntunghininga ako.
" Hindi naman sa ganoon ang ibig sabihin Ma'am. Hindi nyo naman po na sabi-------
" Abat? Ako pa ngayon ang may kasalanan." Putol nito sa sinabi ko.
F@ck.
Kaunti na lang. Magigilitan ko na ng leeg ang babaeng to.
" Sorry Ma'am. Kukuha na lang po ako. Ilan po ba ang gusto nyo?" Tanong ko dito.
" Kunin mo ang lahat nang maisampal ko sayo kung gaano ako yaman. Tsk." She said.
BINABASA MO ANG
Alphabet Series # 1: Atena Louvre
RomanceMeet Atena Louvre, Ang mabuting kaibigan ng Isang Marian Alonzo. Bilang kaibigan. Naisipan nitong siya na muna ang temporary na magtatrabaho sa pinagtatrabauhan ng kaibigan. Dahil kinakailangan ng kaibigan nitong umuwi para bisitahin ang kalagayan...
