R

272 10 0
                                        

Reveal

make (previously unknown or secret information) known to others.

- Dictonary

•••••••••••••••••••••

" Hey man. How are you?" Bati agad ng isang nakangising Mason Hemilton ng magawa kong makalapit sa kanila. 
Isa si Mason sa mga kaibigan ko at kagaya ko isa din siyang bachelor. At kasama ko sa pinakamayaman.

I miss the group. Iling ulit na kasing nag-aya ang mga to. Kaya lang hindi ako magawang makasama. I'm busy.
Nag-aaya kasi ang mga tong lumabas. Well routine na yun ng grupo upang lumabas at mag enjoy minsan minsan. Well we have work whole day at minsan walang tulog dahil sa mga trabaho namin. Kaya ang lumabas and have some fun yung pambawi namin sa sarili.

At ngayon hindi ko pinalampas ito.


And what do you expect for bachelors. Syempre tumatambay sa Club. And having some fun.

Binati na din ako ng iba. By the way meet my other friends.

Andrie Ambrosia

Mikhael Aragon

Sid Seville

Lucien Castille

At kagaya namin ni Mason ang mga lokong to. May successful companies na pumapayagpag sa industriya.

Tumango lang ako pabalik sa kanila.  Mukhang nag eenjoy ang mga loko sa alak at babae.

" Good." Nakangisi kong sagot dito. Nginisihan naman ako ng mga Loko pabalik. Umupo ako sa bakanteng upuan.

" Halata nga. Nga pala mainit ang pangalan mo ngayon sa magazine with some chicks. At hindi pa namin yun nakikita. So what's the real score between you and her.?" Nakangising saad ni Sid.

Enjoy na enjoy ang loko lalo na may katabi itong babae. Nakahiga sa dibdib nito at pinasadahan ng kamay ang dibdib nito.

Ang paboritong position ng isang Sid Seville.

Natigilan ako sa sinabi nito.

Ano daw? Some chicks?

They mean si Miya ba?

Nahalata yata nila ang pagkunot noo ko.

" Yung ibig sabihin ng loko. Yung kasa-kasama mo sa nakalipas na mga araw. Hindi mo ba alam? Mainit ngayon ang pangalan nyo. Dahil karamihan nakikita kayo sa public na magkasama. Alam mo namang maraming paparazzi sa paligid. At syempre mainit talaga dahil isang Alejandro Silvestra ang nalilink sa isang babae."  Pagbibigay alam naman ni Mikhael.

Ganoon pala.

" Ano na? Wala akong tiwala sa paparazzi kaya sayo na lang ako magtatanong. Ano ba kayong dalawa?" Kunwaring inip na tanong ni Mason.

Sinamaan ko ito ng tingin. Pero ngumisi lang ang loko.

G@go to. Kakarating ko lang ako na agad ang nasa hotseat.

Pero hindi ko sila masisisi. Mainit talaga ang pangalan ko dahil kasa-kasama ko ang babaeng yun. Hindi ko naisip ang pwedeng mangyari sa paligid. Nang makipaglapit ako dito.

Siguro maraming paparazzi ang nacucurios na ang isang tulad ko kasama ang isang Miya Demagiba.

Nang maalala ang kabuuang pangalan nito. Di ko maiwasang matawa. I can't get enough. Nakakatawa talaga.

Alphabet Series # 1: Atena LouvreMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon