J

313 11 0
                                    

Jerk

                   An annoyingly stupid or               foolish person.

- Dictionary

••••••••••••••••••••••

" Sinabi ko na sayo na iyon na ang huling nating pagkikita. Maayos ang pag-uusap natin Mister Silvestra. At alam kong hindi mo nakakalimutan yun." May halong inis na sabi ko dito.

Well sino bang maiinis? Ang linaw linaw ng pinag-usapan namin. Pero ilang araw lang yung lumipas. Ito muling kinontak si Marian. Dahil kung hindi ko siya sisiputin.

Guguluhin nito ulit ang kaibigan ko.

" I'm sorry. Gusto ko lang bumawi. Kaya nga nakipagkita ako sayo ngayon." Sabi niya.

He texted Marian to meet him here in the mall.

Kaya no choice kundi magdisguise ulit upang makipagkita dito.

" Hindi ko naman sinabing bumawi ka Mister. Gusto ko lang sundin mo ang pinag-usapan natin. And stop meddling in our life. Pwede ba?" Gusto kong tapikin ang bibig ko dahil sa pagsasalita ko ng English.

" Hindi ko maiwasang humanga kapag nagsasalita ng english. Para kasing....." Sabi nito habang pinutol yung huli..

Jerk.

Yun pa talaga ang pinagtuunan ng pansin nito.

" Nag-aaral ako kaya nahasa ko ang pasasalita ng english with accent Mister." Sabi ko dito.

Naiirita na ako sa pagiging pakilamero nito.

" Ganoon ba. Kaya pala magaling ka magsalita." Na sabi na lang nito.

" Umupo ka muna." Sabi nito at nagpaka gentle dog pa ang loko. Tsk kaya kami naka kuha ng atensyon.

Tsk. Hindi na ako magtataka kapag na headline ako kasama ang lalaking to. Tsk.

Wala naman akong nagawa kundi ang umupo at irapan ang mga taong usisero. Nakita ko ang kakaibang tingin ng Silvestra na yun pero hindi ko na pinansin.

" Mukhang ayaw mo ng atensyon.?" Sabi nito.

" Halata ba? Tsk. Kung hindi dahil sayo walang mga usisero sa paligid." Pagmamaldita ko naman dito.

I dont care sa attitude ko. Gusto ko ngang ma turn off ang h@yop na to at nang hindi na makipagkita sa kanya.

Hindi ko kasi maiwasang kumulo ang dugo dito.

Paano ba naman? Nakakahanap ako lagi ng kaaway dahil dito. Remember when we meet in the restaurant. Abat?

Ininsulto kami ng isa sa staff ng restaurant dahil akala nito isa kami sa nangangarap sa lalaking to. Tsk.

Tapos ngayon. Merong nagbubulungan. At rinig na rinig ko ang pang-iinsulto sa akin.

Kamukha ko lang daw yung maid nila. Tsk.

Eh ano naman kung kamukha. Mas gugustuhin ko nga yun kaysa makuha yung masasamang ugali ng mga to. Impokrita. Akala mo kung sino?

Pareho lang naman kaming tao. Walang lamang sa mata ng diyos. Tsk.

Meron ding malandi. Wow ha. Pasalamat sila at nagawa kong makapigil.

Kundi dinagdagan ko ang food coloring sa mga mukha ng mga to once na hawakan ko ang mukha nila. Ingongudngod ko talaga sila mga pagkain nakahilera sa mesa nila. Tsk.

Aasa naman daw na magugustuhan ako ng lalaking to?. Paki ko. Kung hindi tinakot ng lalaking to ang kaibigan ko. Nagawa ko kayang makipagkita. Tsk. Parang gustong gusto ko naman nakikita ang pagmumukha ng h@yop na to.

Tsk. Aba ang swerte niya kapag ganoon.

Imbis na magalit ito.

" I'm sorry for that." He said. Hindi ko na lang pinansin yun. Kahit nagulat ako. Hindi ko aakalain na hihingi ito ng paumanhin.

Nagawa naming mag-order.

Hanggang sa dumating din ang pagkain namin. Then nagtatanong ito. Sinasagot ko naman. Yun lang ang nangyari habang kumakain kami.

Wala ako sa mood ang makipagdaldalan.

Napagpasyahan nito tapos kumain. Mamasyal daw kami. Sinusubukan nitong bumukas ng topic. Pero wala ako sa mood na sumabay kaya palaging natatapos sa Ok. Ganoon ba. Sige. Kaya pala. Oo at hindi.

Nahalata naman nito siguro na ayaw ko siyang ka usap.

Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya ng magpaalam muna ito sa akin. Gusto kong umalis dun at iwan siya kaya lang pinili kong mag stay baka lalong yung guluhin ang buhay ni Marian.

Hindi ko inaasahan na bumalik ito makalipas ang kalahating oras. May dala itong
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Juice.!?

" Ano naman yan?" Hindi ko maiwasang itanong dito.

Dalawang Juice ang hawak nito.

Yung isa hawak niya habang yung isa binigay naman nito sa akin.

Hindi ko pa yun tinanggap at tinignan to.

" Peace offering ko sayo." Sabi nito. Sa huli kinuha ko din sa kanya.

" Juice for peace offering. Kakaiba yung trip mo." Wika ko naman.

Nagkibit balikat lang to pero nakapaskil ang ngiti sa mukha nito. Kaya kahit hindi ko man aminin. Mas lalong gumagwapo ito.

Ang gwapo nito kapag seryoso. Pero mas gwapo pala ito kapag ngumiti.

Sinubukan ko yung Juice na binigay nito.

" Bakit mo naman ako binigyan ng Juice.?" Wika ko.

" Actually kaya ako natagalan dahil nag-isip isip ako ng pwedeng ibigay sayo." Siya.

" Kakasabi mong peace offering. Tsk. Hindi na kailangan." Sabi ko.

" No. The truth is I want you to be comfortable with me. Yung makausap ka. Hindi yung sasagot ka lang kapag nagtanong ako. Hindi naman ako nagkamali. Dahil I offer you some juice. Hindi ko alam na magdadaldal ka at kakausapin na din ako." Napatigil ako sa narinig dito.

Nahihiya ako but I tried to hide the blush. Tsk. Baka ano pa ang isipin nito.

" No need to do it next time." Sabi ko na lang.

" I'm sorry. Alam kong hindi maganda ang una mating pagkikita. But I want you to know how really sorry am I. Especially when I found out the truth with the help of the CCTV footage." Mahihigan dito ang sinsero nito.

" Kaya sana hayaan mo akong bumawi. And I want us to be civil to each other." Dagdag pa nito.

I see it from his eyes. Wala naman akong magawa. Hindi ako yung taong nagtatago ng poot at galit. Gusto ko lang naman na humingi ito. That's it.

" Fine. And I'm sorry for the rude attitude. Okay payag na ako. Magiging civil tayo sa isat-isa." Sabi ko at sinubukan ngumiti.

" Talaga? That's good then." He said and smile. Ang gwapo ng Loko.
Pero sa akin lang yun. Hindi ko sasabihin baka lumaki yung ulo nito.

Alphabet Series # 1: Atena LouvreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon