Special Chapter

487 12 3
                                        


Natigilan ito ng makita ang kasama ni Marian. Siguro she did not expect na nandoon kaming lahat. Wala naman kasing sinabi si Marian sa kanya.

Nakita ko ang pag-aalinlangan nito. Noong mga nakalipas hindi ko alam kung bakit.

Pero ng malaman ko ang sikreto nito. May dapat talaga siyang katakutan. Dahil tinago nito ang totoo.

" Oh Athena nandiyan ka na pala? Si Marian ba ang pumunta mo dito?" Andrie asked her.

Tumango lang ito. Nakita kung may kasama ito. It was her bodyguard.

" Kanina pa kayo?" Nakita ko ang kaba sa mga mata nito.

Napatingin ang lahat sa akin.

" No. Kararating lang namin. We just saw Marian here. At nakita naming lasing at nag-iisa kaya sinamahan na namin." Paliwanag naman ni Sid. Makikita dito ang ngisi.

Tumango lang ito. Nakita ko ang paghinga nito.

Lumapit ito kay Marian na nakasubsob ang mukha sa mesa. Sa sobrang lasing.

" Hey Marian. It's Athena. Let's go. Lasing ka na." I heard her said it.

Hindi maalis-alis ang paningin ko sa kanya.

Knowing that Athena and Miya ay iisa.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.

Ilang minuto bago nito nagising si Marian.

"Let's go. Bakit ka naman magpakalasing.? Hindi mo man lang ako sinabihan. Loka loka ka talaga." Sabi nito.

Nakita namin ang pag-alalay nito kay Marian. Si Marian naman halatang lasing na talaga. Pa pikit pikit na yung mga mata nito.

Napatingin ako kay Athena. Lalo yatang lumakas ang kabog ng puso ko.

Kaya pala nararamdaman ko ang mga bagay na nararamdaman ko kapag kasama si Miya.

Naka suot ito ng simpleng dress. Ang ganda sa kanya. Bagay na bagay. I saw her face. May light make up yun.

Light make up pa nga lang para na siyang dyosa. Ano pa kaya kapag pinaganda na talaga siya.

Alphabet Series # 1: Atena LouvreMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon