S

266 9 0
                                        

Seek

To try to find (someone or something)

- Dictionary

·····································

Nakatulala ako ngayon sa phone ko.

I just texted her.

Magkikita kami ngayon. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Ilang araw na ang makalipas ng mangyari ang insedenteng yun. Akala ko nga magagalit ito. Pero ng malamang nag reply to. Hindi ko alam ang sayang naramdaman ko. Well siguro. Naguguilty din ako sa nagawa.

Agad na pumayag na makipag kita ito sa akin.

Bigla na lang akong kinabahan.

Hindi ko nga alam kung bakit. Pero f@ck.

Nang makitang malapit ng mag alas nuwebe. Naisipan kong maghanda. Ginawa ko muna ang morning ritual ko. Well for me. I really hate to be late. Lalo na babae ang naghihintay.

Pero kahit abala hindi ko mapigilan kung ano ano ang pumapasok sa isip ko kapag nakita kami ulit.

She will be angry? O susugudin ako nito.?

O di kaya naman suntukin?

What if ito ang huling naming pagkikita. Siguro pumayag siya para sabihin yun.

Hindi ko mapigilan ang sarili. F@ck.

Anong bang nangyayari?

Hindi ko namalayan sa pagiging lutang ko. Natapos ko ng gawin ang lahat.

Napatingin ako sa suot na relo. 30 minutes bago mag nine.

Naghanda na ako at nilisan ang condo ko.

Nang makasakay sa sasakyan ko. Agad akong nagtungo kung saan kami magkikita.

Naisipan nitong magkita sa isang restaurant. Nagpark na muna ako. Bago tumuloy sa restaurant.

I already reserved some table.

Pinagbuksan ako ng pinto ng guard at binati. Tahimik lang ako. Pagkapasok agad naman akong sinalubong ng isa sa mga staff ng restaurant.

Nakangiti ang babae. At halatang kilala ako nito. Hindi ko naman pinansin yun. Nasa isip ko ngayon si Miya.

" Good morning Sir. May reservation ba tayo Sir?" Tanong nito.

I just nodd.

" Table for two." Saad ko. Tumango lang ito at sinamahan ako.

Iniwan na muna ako nito. Alam nitong may kasama ako.

Hindi din nagtagal at dumating din siya.

Nakasunod lang ang tingin ko ng papalapit sila ng babaeng nag assist sa akin.

Natigilan ako ng makalapit ang mga to. Sa kanya lang nakapukos ang atensyon ko.

" Hi! Naghintay ka ba ng matagal?" Tanong nito at nakangiti. Lalo akong natigilan.

Para kasing.....

" No. Kakarating ko lang din." Sabi ko dito.

" Ganoon ba." Sabi nito. Tumayo ako at papaupuin sana ito ng....

" Ako na. Maupo ka na lang diyan." Sabi nito at siya na ang nagkusang umupo.

Nagtataka ako sa kinilos nito.

Napatingin ako sa kanya.

" So naka order ka na ba ng pagkain?" Tanong nito.

" Hindi pa." Sagot ko naman. Agad ko ding tinawag ang waiter. At binigay ang order namin.

Alphabet Series # 1: Atena LouvreMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon