E

419 17 0
                                        

Eager

             Having or showing keen interest or intense desire.

- Dictionary

••••••••••••••••••••

" WHAT? Anong ibig mong sabihin na walang nagngangalang Miya Demagiba?" Hindi ko maiwasang singhalan ang private investigator na kinuha ko para hanapin ang babaeng yun.

Matapos malinawan at mapanood ang CCTV. Napatunayan na wala talaga siyang kasalanan. Napanood ko ang lahat lahat. Simula ng sagutan nila ng babae bago mangyari ang aksidente.

Hindi naman ako masamang tao. Napag isipan kong hanapin ito at humingi ng paumanhin sa inasta ko at pinakita dito.

Ngayon ang sama ng tingin nito sa akin. Lalo na dinamay ko ang kaibigan nito. Gusto lang nito makatulong sa kaibigan niya.

Bigla akong nakokonsensya.
What if kailangan talaga ng kaibigan nito ang pera.? Para sa pamilya ng kaibigan nito.

Nalaman kong umuwi ang kaibigan nito dahil sa may sakit yung Ina. At bilang maka tulong siya na muna ang pumalit sa kaibigan nito.  Tapos kailangan ng pera pinatalsik ko pa ang mga to.

Paano na lang kung may masamang naramdaman yung Ginang. F@ck.

Kung may nangyari sa kanya dahil sa ginawa ko.

F@ck.

Ganito man kasama ang ugali ko. Hindi pumasok sa isip ko na pumatay ng inosente.

Ano ba yang pinagagawa mo?

Pinamahak mo ang sarili mo. F@ck.

Inisip kong mas maaga humingi na ako ng paumanhin. Bilang kabayaran sa ginawa ko.  Aalukin ko sila ng tulong sa pagpapagamot ng Ina ng kaibigan nito ng makabawi ako sa mga kasalanan ko.

Pero paano ko gagawin yun ng magulantang ako sa sinabi ng PI ko.

What the hell?

Wala daw Miya Demagiba ang nakarehistro.

" Your kidding right?" Hindi pa din ako makapaniwala.

Mabilis namang umiling to. Sinabing hindi ito nagbibiro.

May ibinigay ito. At makikita dun na wala talagang Miya Demagiba.

Kaya hindi na ako umangal.

" Kung wala pong Ms. Miya Demagiba na rehistrado possible pong peke ang binigay nitong pangalan." Napaangat ang tingin ko sa narinig sa PI.

Kung wala pong Ms. Miya Demagiba na rehistrado possible pong peke ang binigay nitong pangalan.

Kung wala pong Ms. Miya Demagiba na rehistrado possible pong peke ang binigay nitong pangalan.

Posible kaya.

Pero bakit gagamit ito ng pekeng pangalan.

Lalo akong napa isip sa nalaman.

Sino ba talaga yung babae?

Alphabet Series # 1: Atena LouvreMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon