Crisis
A time of great danger or trouble.
- Dictionary
••••••••••••••••••••
Dumating ang araw na bumalik yung kaibigan ko.
Marian Alonzo. Ang matalik kong kaibigan.
" I am really sorry for losing your job Sis. Imbis na tumulong. Ako pa yata ang gumawa ng paraan mawalan ka ng trabaho." Seryosong sabi ko dito. Habang humihingi ng paumanhin.
Ngumiti ito.
" G@ga. Ano ba? Wala kang kasalanan noh? Sinabi mo naman ang lahat lahat. At wala akong nakitang rason na sisihin ka." Sabi nito.
" Ako nga ang dapat magpasalamat. Kung hindi dahil sa akin hindi ka nagpapakahirap ng isang linggo." Dagdag pa nito.
Yes. Lahat lahat pinaliwanag ko sa kanya.
Hindi ko naman maiwasang itago ang naranasan ko sa kanya. Kahit na magkaiba kami. Hindi naman yung naging dahilan para maging malapit kami sa isat-isa.
Parang kapatid ko na din to. Kahit na hindi kami blood related.
Marami na din kami pinagdaan kagaya na lang nito.
" But I am the reason why you lose your Job." Sabi ko dito.
" Ilang bad words pa ba ang sasabihin ko ng magising ka. Hindi mo kasalanan yun. Trust me babe. Kung nawalan man ako ng trabaho. Edi maghanap. Bakit ko sisishin ang kaibigan ko. Wala ka naman ginawang masama." Saad nito.
" Mabuti naman at pinatulan mo ang makapal na babaeng yun. Abat? Maka akto akala mo sinong anak ng presidente. Hindi na siya nahiya sayo. Eh sa isang pitik lang ng kamay mo baka pulutin na yun sa kangkungan." Sabi pa nito.
Agad ko naman pinalakihan ng mata ito.
Exaggerated naman ang sinabi ng lokang lokang to.
" Huwag mo nga akong panlalakihan ng mata. Eh totoo naman ang sinabi ko. Ang yaman yaman mo kaya. Ang ganda ganda pa." Hysterical na sabi nito.
" Bakit kasi nagsout ka pa ng disguise kung nakita yun ng lalaki baka malaglag pa ang panga nun at hayaan ka na lang." Dagdag nito. Hindi mawala ang pagngisi nito. Baliw talaga.
Hindi ko na pinansin yun.
Yeah. Nagsuot talaga ako ng disguise. Dahil ayoko ng attention. Tsk.
At isipin yung lalaki? Tsk
Baka masuntok ko lang yun. Kung hindi dahil sa kanya. Hindi mawawalan ng trabaho ang kaibigan ko.
" *Sigh. Sigurado bang ayos ka lang.? Paano yan mahihirapan ka na naman sa paghahanap ng trabaho. Nasa Krisis ka pa ngayon. Walang hiya yun. " Pag-iiba ko dito.
" Hayaan mo na yun." Sabi nito.
" Hayaan baliw ka ba? Eh hampas ko kaya tong hawak kong magazine." Saad ko at pinakita pa sa kanya yung hawak kong naka rolyo na magazine.
Kung nagtatanong kayo. Nasa isang coffee shop kami.
Hindi ko maiwasang sumama ang mukha dahil sa nakatingin sa amin karamihan ang mga tao. Lalo na ang mga kalalakihan.
Hindi ko na lang pinansin yun.
" Bakit ba kasi ayaw mong magtrabaho na lang sa akin.? Nang hindi ka na mahirapan at bilang kapalit para sa pagkawalan mo ng trabaho dahil sa akin. " paliwanag ko dito.
" Sorry Sis pero hindi naman ako abusadong kaibigan. Marami ka nang naitulong sa akin. Sino ba ang nagpapautang kapag nagigipit at nangangalaingan ako? Kadalasan hindi mo pa tinatanggap at sasabihin mong sa akin na lang yun. Sino ba ang taong tumulong para makapag-aral ang mga kapatid ko sa probinsya? Ang tumulong upang tumagal ako dito. Diba ikaw?" Pagdadrama nito.
" Baliw. Bakit sinabi ko bang abusado ka.? Kaibigan mo ako kaya lahat gagawin ko para sayo." Sabi ko dito. Napangiti ito.
" Kaya nga maswerte ako dahil nakilala kita. Thank you sa lahat lahat. I love you." Sabi nito.
Ngumiti naman ako. Ang sweet ng kaibigan kong to.
I mouthed her I love you too.
" Talagang hindi na magbabago ang pasya mo? Open pa din yung offer ko." Sabi ko dito.
Tumawa lang ito.
" Ano ba naman Sis? Pa ulit ulit lang ang peg. Unli ka." Sabi nito.
" Tsk. Malay mo magbago ang pasya mo." Wika ko.
" No no no. That's final. Maghahanap ako ng bago. Salamat na lang." Sabi nito with matching kamay pa.
Napabusangot naman ako.
" Pfft. Kahit nakabusangot ka Sis ang ganda mo pa rin." Usal nito.
Sabay kaming napatingin sa boses na yun. Ilang kalalakihan pala ang dumaan sa mesa namin. Hindi na sana namin yun papansinin. Kaya lang tumigil ang mga to sa mesa namin.
Napapagawi ang mga tingin ng mga to sa mesa. Nang makitang nakatingin kami. Umiwas ang mga to at umalis.
" See?" Panunukso nito. Dahil sa nangyari kanina lang.
Napasama naman ang mukha ko.
Well Marian Alonzo may pambato din pagdating sa usapan na kagandahan. Palagi kasi nitong sinasabi na hindi siya maganda. Baliw.
Ang ganda ganda kaya niya. Hindi man kaputian pero bumagay naman sa katawan niya. Parang isang model. Pero maluluwag na T-shirt ang suot nito. Dahil dun nakatago ang magandang katawan nito. Mapupungay na mga mata at may mapupulang labi.
Maganda din naman to kadalasan di na nag-aayos. But she's beautiful in natural way.
Pwedeng makasali sa Binibining pilipinas to no. Oh hindi kaya sa naglalakihang pageant.
Binawi ko ang titig at tinuon sa kapeng ininom ko.
" I really hate attention." Mahinang sabi ko.
" Hayaan muna. Talagang nagagandahan lang talaga sila sayo." Pukaw nito sa akin at kilig na kilig.
" Maganda ka din naman ah." Sabi ko dito.
" Asuuus. Bumabawi ka lang." Nakangiting saad nito. Pero hindi nawala ang pamumula.
" Kamusta nga pala ang pamilya mo sa probinsya? How about your Mom? Okay na ba siya.?" Tanong ko dito. Yun ang rason nito kaya umuwi siya.
" She's fine now" Sabi nito.
" Mabuti naman. Kung may kailangan ka nandito lang ako." Paalala ko dito.
" Per---------
" Walang pero pero Sis. If kailangan mo ako nandito lang ako. Maliwanag ba tayo." Sabi ko dito.
Nakangiting tumango ito.
At dahil ngayon lang ulit ito bumalik sinulit na namin ang oras na magkasama.
BINABASA MO ANG
Alphabet Series # 1: Atena Louvre
RomanceMeet Atena Louvre, Ang mabuting kaibigan ng Isang Marian Alonzo. Bilang kaibigan. Naisipan nitong siya na muna ang temporary na magtatrabaho sa pinagtatrabauhan ng kaibigan. Dahil kinakailangan ng kaibigan nitong umuwi para bisitahin ang kalagayan...
