Z

345 10 0
                                        


" Bro good news" Yan agad ang sumalubong sa akin ng magawa kong masagot ang tawag ni Mason.

Bigla akong kinabahan.

Tungkol kaya Kay Miya.?

" Ano ba yun?" Pilit kung tinatago ang kabang nararamdaman.

Hindi magkandauga-uga sa nararamdaman ko ngayon.

" Kasama namin ngayon si Marian dito sa tambayan natin. Punta ka dito." Saad nito na ikinadismaya ko.

Tsk.

Paano naging good news yun?

Mga Loko talaga tong mga kaibigan ko.

" G@go. Akala ko kung anong good news. Tsk. Kayo na lang pass na muna ako." Saad ko at binaba ang tawag.

Nawalan ako ng gana.

Nagtaka ako ng tumawag ulit ang loko.

" What? Sabi kong pass na muna--------

" Hindi ka man lang makikinig sa good news ko.? Paano kung ang good news ay tungkol sa babaeng matagal mo nang hinahanap.?" Saad nito na ikinatigil ko.

" Kung gusto mong malaman. Kailangan mong pumunta dito. Pero kung ayaw mo. Wala naman kaming magagawa. It's your Choice. Pero Bro hindi mo sana ulit pagsisihan. Ngayon na may pagkakataon ka na. Hindi mo man lang grinab ang chance na yun." Siya at pinatay ang tawag.

Sunod sunod naman na minura ko ang sarili.

Tama si Mason.

Dali dali akong nagtungo sa tambayan.

Pagdating na pagdating.

Nakita ko sila kasama si Marian na nag-iisa.

Nasan naman si Athena?

" Hindi niya ba kasama si Athena?" Tanong ko.

Nakangising luminga-linga si Mason.

Halatang naka inom na ito. Ganoon din ang iba. Pero alam kung kaya pa din naman nila.

Si Marian lang yata ang nasobrahan. Halatang halata sa mukha nitong namumula. At salita ng salita.

Hindi na din masyadong maiintindihan ang sinasabi nito.

" Hindi nito kasama si Athena. Bakit nyo hinayaan maglasing yan? Babae pa naman." Saad ko.

Agad akong inakay ni Mason sa mesa kung nasan si Marian.

Kahit na lasing na lasing na ito. Hindi pa din ito tumitigil sa pag-inom. Kaya sinubukan kung agawin ang hawak nito at ininom.

" Hoy, Sa--a *sinok a--akin kay--- *sinok a y--yuun" lasing na saad nito.

" That's enough. You already finished how many bottles. Kababae mo pa naman. At ano na lamang ang sasabihin ni Athena kung pinabayaan ka naming maglasing." May inis na turan ko dito.

" Hayaan mo na siya Bro." Nakangisi namang saad ni Andrie.

Nasa kaliwang sofa ito. Umiinom din.

Sinamaan ko naman ng tingin.

" Tsk. Ano bang gusto nyong sabihin sa akin? Andito na ako oh." Pag-iiba ko na lang ng topic.

Bahala sila magpakalasing.

" Hindi ka maniniwala sa nalaman namin Bro." Panimula ni Mason.

Nagtaka naman ako bigla.

" Ano ba yun?" May inis na saad ko.

Kung gusto man nilang sabihin. Hindi na sana pa suspense suspense pa.

Napatingin ang lahat sa lasing na Marian.

Alphabet Series # 1: Atena LouvreMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon