Fury
Feeling of intense anger.
- Dictionary
••••••••••••••••••••
" WHAT?" Gulat na gulat ako sa narinig kay Marian.
Paano ba naman?
Yung lalaking antipatiko pumunta daw sa kanya upang humingi ng paumanhin.
And I heard from her that she know the man.
Isang Silvestra.
Hindi na ako magtataka kung ang dali dali lang nito paikutin ang may-ari ng store na pinagtatrabahuan ni Marian.
Pero hindi ko maiwasang magalit dito. Hindi porket may pera ito wala na siyang pakialam sa paligid. Tsk.
Pero what the hell?
" Okay na sa akin na humingi siya ng paumanhin. At nagsisi ang loko. Akala ko nga hindi yun marunong sa mga ganito. Ang taas taas kasi ng tingin sa sarili. Pero ang pinagtaka ko. Ayos na ang gulo sa pagitan nyo. Bakit kailangan pa nito makita ako personal." Nagtatakang saad ko dito.
" Yun din ang pinagtaka ko. Sinabi ko sa kanya na ako na ang bahala na pagsabihan ka. Pero hindi paawat ang Silvestra na yun. Hinahanap ka nito sa akin. Gusto niya daw humingi ng tawad in personal." Saad nito.
" Anong drama naman kaya yun. Tsk. Ayokong harapin to. Okay na sa akin na humingi ito ng paumanhin. Teka anong sinabi mo ng magtanong ito tungkol sa akin." Tanong ko dito.
" Naku Sis huwag kang mag-alala. Safe ka sa akin. Hindi porket humingi ng tawad ang gwapong Silvestra na yun. Ibibigay ko na lahat lahat ng tungkol sayo. Hindi kita ilaglag kahit anong mangyari." Saad nito.
" Salamat Sis. Baka lumipas din yan at hindi ka na guguluhin. Pero kung ginugulo ka. Sabihan mo agad ako." Paalala ko dito.
Tumango lang ito.
" Ayokong ginugulo ka nun. Tsk. Teka kamusta yung bagong trabaho?" Usal ko dito.
Nasa mall pala kami. Pareho kaming walang ginagawa kaya ito naisipan naming mamasyal.
" Naku nagtanong ka pa.? Hindi naman ako makakahanap agad ng trabaho kung hindi dahil sayo. Kung hindi mo ako pinakilala sa isang kaibigan mo na naghahanap pala ng empleyado. Naku siguradong hanggang ngayon nakatanga pa din ako. Hindi mo talaga ako matitiis noh?" Tukso nito.
Sinundot sundot pa ako nito. Kunwaring tinaasan ko ito ng kilay.
" Hindi matiis.? Nag-aassume ka lang babe." Sabi ko dito at kinindatan.
Kunwaring nasaktan ito.
Hinawakan nito ang dibdib.
" Aray ha. Nag-aasume lang ba talaga ako. Akala ko may puwang ako sa puso mo diyan." Sinamahan pa nito ang pagmamakaawa.
Napa iling iling na lamang ako at hinampas ito. Mahina lang.
" Ay? Sadista natin ah." Sabi nito.
" Nagtaka ka pa. Yan ang paraan ko para malaman ng isang tao kung mahalaga siya sa akin." Sabi ko dito at kunwaring iniwan to. Patuloy pa din ang paglalakad namin.
" Yieeeeh. Sinabi mo na din na mahalaga ako sayo. Thanks babe." Nakangising sabi nito.
Kung nagtataka kayo sa babe thingy. Isa yan sa paraan nito para inisin ako.
BINABASA MO ANG
Alphabet Series # 1: Atena Louvre
RomanceMeet Atena Louvre, Ang mabuting kaibigan ng Isang Marian Alonzo. Bilang kaibigan. Naisipan nitong siya na muna ang temporary na magtatrabaho sa pinagtatrabauhan ng kaibigan. Dahil kinakailangan ng kaibigan nitong umuwi para bisitahin ang kalagayan...
