Bully
One who is habitually cruel to smaller or weaker people.
- Dictionary
•••••••••••••••••••••
Gusto kong magsaya dahil bukas yung huli kung pagtatrabaho dito. Kung hindi lang para sa kaibigan ko hindi ko ito ginawa.
Nagtataka kayo?
Actually hindi naman talaga ako nagtatrabaho dito. Napunta lang ako dahil sa kaibigan ko.
Kailangan nitong umuwi sa probinsya. Dahil nagkasakit ang Ina nito. Hindi naman ito makakaalis agad agad sa trabaho.
Kapag kasi umalis siya ng isang lingggo. Mababawasan ang sahod nito ng isang buong linggo dahil nga sa uuwi ito. Ayaw naman nito. Naiintindihan ko siya dahil malaking tulong yung buong sweldo nito mahirap kapag nabawasan. Yes. Hindi nito maiwasang mag-alala sa Ina nito.
But kailangan niya ding pag-isipan ang trabaho niya. Baka mag short yung sweldo niya.
Bilang kaibigan.
At wala naman akong ginagawa kaya ayon naisipan kung kausapin ito na ako muna ang magsusubtitute dito. Okay lang na ako magtatrabaho para sa buong sweldo ang makuha nito.
Hindi ko naman kailangan ng pera. Mas kailangan nito.
Napa isip ako sa nangyari sa mga nakaraang araw.
Hindi ko kasi maiwasang isipin ang sinabi ng gwapong lalaki.
Mali ang binangga mo.
Parang kinakabahan ako. Hindi ko magpaliwanag kung bakit. Para kasing may mangyayari na hindi ko magugustuhan.
Makalipas ng isang oras....
Pinatawag daw ako ni Manager kaya ito kailangan kong pumunta.
Nagtataka ako. Ano kaya ang dahilan?
Mabilis kong narating ang office nito.
" Good morning Manager." Bati ko dito.
" Good morning din." Pabalik na bati nito. Pero hindi yun ang nakaagaw ng pansin ko.
Seryoso ito.
" Sorry Miss Demagiba but
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
. your fired." Walang pakundangan saad nito na ikinatigil ko.
" Ano po?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
" I'm sorry but your fired." Ulit nito.
Your fired
Your fired
Your fired
" What!? Bakit naman po? Ma'am isang araw na lang matatapos ko na ang isang linggo. Bakit po kailangan nyo akong tanggalin.? Ano po ba ang kasalanan ko!? . Palpak po ba ako?" Sunod sunod kung tanong dito. Bigla akong nag-alala ano na lang yung makukuhang sweldo ng kaibigan ko.
" Hindi naman sa ganoon Miss Demagiba. Sa mali lang talaga ang binangga mo." Sabi nito.
Natigilan ako hindi kay manager kundi sa sinabi nito.
Sa mali lang talaga ang binangga mo
Ano daw?
BINABASA MO ANG
Alphabet Series # 1: Atena Louvre
RomanceMeet Atena Louvre, Ang mabuting kaibigan ng Isang Marian Alonzo. Bilang kaibigan. Naisipan nitong siya na muna ang temporary na magtatrabaho sa pinagtatrabauhan ng kaibigan. Dahil kinakailangan ng kaibigan nitong umuwi para bisitahin ang kalagayan...
