Kabanata II

1.2K 74 48
                                    

"Nadala niyo ba ang mga ini-remind ko sa group chat kagabi?" Tanong ko sa aking mga kaibigan at isa-isang inusisa ang mga bag nila.

"Yes Ma'am. Garbage bags and gloves." Ani Joash at iprinisenta pa ang mga ito sa harap ko.

"Eh... yung mga damit niyo? Para after ng class dito na lang tayo magpapalit bago pumunta do'n."

"Don't worry, Keesh. Meron kaming dala." Si Lucas.

"Ugh. Bakit ba parang siniseryoso nyo na ata?" Inis namang tugon ni Lucy. Yeah, she hates doing stuffs na hindi naman talaga related sa class or grades. Pero sa assignments and school activities, very hardworking.

"O sige. Mamili ka. Magtatrabaho tayo o i-hold ni Mommy lahat ng accounts natin kapag nakaabot sa kanya ang balitang to?" Saad ni Lucas sa kambal.

"Tch. With this matter, you have to work for me. Like how I worked hard for all your assignments." Sumbat nito sa isa.

"Okay fine."



6:15 pm.



Heto kaming lima, nakatayo sa tapat ng monumento ni Dr. Jose Rizal.

"Hey, bro. Now... tell us where to start." Si Wize na loko-loko, kinakausap ang rebulto.

Sa totoo lang kasi, pati ako ay naguguluhan na rin. Saan namin sisimulang maglinis kasi halos ang buong space ng park ay punung-puno ng nagtatambak na basura. Ano'ng nangyayari sa Pilipinas?

"Stop fooling around, idiots. Maghiwa-hiwalay tayo para mapadali to lahat. Dito na lang ulit tayo mamaya magkikita-kita pagkatapos nating maglinis." Utos ko.

And then, we scattered.

Sa totoo lang, kumukulo ang dugo ko habang nagliligpit ng mga kalat na hindi naman sa akin.

Meron kasi akong rule para sa sarili ko.

KUNG HINDI MO GUSOT, WAG MONG AYUSIN.

But look at me now. Maihahalintulad ako sa isang pulubi na nangangarap makakita ng ginto sa mga basura.

Yung mga tao kasi sa Pilipinas! Nakapa-iresponsable. Hindi ko naman sinasabing lahat, pero karamihan talaga. Sarili lang nila ang kanilang iniisip. Siguro kung nakikita ito ni Rizal, sigurado akong nalulugmok siya sa kalungkutan. Hindi ito ang paraisong pinangarap niya kapalit ng kanyang buhay.

"Inaagawan mo ata ako ng trabaho, Ineng."

Halos tumalon ako sa gulat nang biglang may matandang lalaki na sumulpot sa harap ko at sinaluhan ako sa mga basurang nililigpit ko.

"Lolo naman eh. Muntik na akong atakihin sa puso." Ani ko habang pinakapakiramdaman ang dibdib kong parang sasabog sa kaba.

"Ngayon lang ata ako nakatagpo ng mas bata sa akin na naglilinis sa lugar na ito, Ineng. Isa ka ba sa mga bagong tagapangalaga ng Luneta?"

"Naku, hindi po Lolo. Napag-utusan lang kaming maglinis dito kapalit rin ng paglinis ng aming mga pangalan."

"Mga pasaway na bata."

Napa-zipper ako ng aking bibig matapos niyang banggitin yon.

Hays, sana naman wag na siyang magkwento ng mga pinagdaanan niya noong kapanahunan niya, at ikukumpara niya sa buhay naming kabataan ngayon.

Katulad ng mga linya ni Lola sa tuwing pinapangaralan niya ako.

"Noong panahon ko, singko sentimo lang ang pinapabaon sa akin ng nanay ko. Naglalakad ako ng limang kilometro papunta sa paaralan at kung walang pasok, nagtatrabaho ako sa taniman ng tubo. Masyado kayong mapalad ngayon, Keesha. Hamakin mo, singko sentimo yung sakin. Sa inyo ngayon ang isang libo kulang pa. Alam mo bang kapag mayroon ka kalaking halaga noon, ikaw na ang pinakamayaman?..."

Oh diba? Memorize ko na. Kaya halos pa lang ayokong makipag-usap sa matatanda eh. Parang kasalanan pa naming mga kabataan na ganito ang nadatnan naming buhay ngayon.

"Naalala ko tuloy ng kabataan ko...."

Nagsimula na siyang magkwento bago pa man ako makaalis. Huhu. Sige na nga, makikinig na lang ako bago pa ako mapagsabihang bastos.

"Ganyan rin ako eh. Hahahaha kung hindi ako nagloko siguro wala rin ako dito sa lugar na ito ngayon." Pagpapatuloy niya.

"I-i-ilang taon na po ba kayong nagtatrabaho dito Lo?"

"Hindi ko na matandaan, Ineng. Basta ang alam ko lang, dito na rin ako mamamatay. Hanggang sa huling sandali ng buhay ko, gusto kong manatili dito kasama ang tukayo ko." Salaysay niya.

"P-po?" Hindi pa kasi ako nakapaghapunan eh. Medyo lutang.

Nakangiting itinuro ni Lolo ang rebulto ni Jose Rizal.

Ah, gets ko na. Magkapangalan sila.

Hindi ko alam pero bigla ko na lang naramdaman na tila nagsitayuan ang aking mga balahibo.

Hindi naman siguro ako minumulto ni Dr. Jose Rizal, hindi ba?

Magkapangalan lang sila nitong si Lolo Jose.

"Sana nga hindi na lang niya itinaya ang kanyang buhay noon. Yung ibang bata nga riyan, hindi siya kilala."

"Karamihan kasi sa mga bata ngayon, mas pinipiling pag-aralan ang kultura ng mga banyaga Lolo."

Isa-isa ko nang inilalagay sa garbage bag ang natitirang tumpok ng mga basura na tinipon ko.

"Sana hindi na lang siya namatay."

Ramdam ko ang lungkot at awa sa boses ni Lolo Jose.

"Kung hindi po itinaya ni Dr. Jose Rizal ang buhay niya, malamang wala rin po itong Luneta ngayon na siyang number one na binibisita ng mga—

Anak ng...  Napalunok ako ng wala sa oras nang mapagtantong mag-isa na lang ako.

Sh*t sh*t sh*t.

Baka may emergency lang na pinuntahan yung matanda Keesha. Wag mong takutin ang sarili mo.

Dali-dali ko nang tinapos ang ginagawa ko. Mas mabilis ito kesa sa mga kilos ko kanina.

Matapos mailagay lahat ng nakalap na basura sa bag, napapa-brisk walk na talaga ako pabalik sa tapat ng monumento dahil sa kabang nararamdaman.

Doon ko na nadatnan ang apat na kanina pa pala natapos.

"Oh, Keesha? Sino'ng humahabol sayo?" Usisa ni Wize.

"M-m-may matanda ba kayong nakita dito?" Nanginginig kong tanong.

"Walang matanda, pero snatchers marami." Sagot naman ni Lucas.

"No, no. Hindi ako pwedeng magkamali. Nakausap ko siya eh. Hindi nyo ba talaga nakita si Lolo Jose?"

Tinitigan nila akong apat.

"Keesha, isang Jose lang nakita ko dito. Ayan oh! Di hamak na gawa sa bato." Turo naman ni Lucy sa rebulto ni Rizal.

"Gutom lang yan, at baka dala na rin dahil hindi ka pa umiinom ng maintenance para diyan sa puso mo." Inalalayan na rin ako ni Joash.

Bago pa man namin lisanin ang lugar, biglang sumulpot si Lolo Jose sa harapan namin.

"Siya ang tinutukoy ko. Sabi ko sa inyo eh." Pagyayabang ko pa.

"Kabataan ang pag-asa ng bayan. At sa pagkakataong ito, binibigay ko sa inyo ang misyong iligtas si Jose Rizal, mga anak."

Napanganga kami nang sabihin yon ng matanda.




"Pigilan ninyo ang pagpatay sa kanya. Huwag ninyong hahayaan na ibubuwis niya ang kanyang buhay sapagkat hindi rin naman pala ito ang paraisong kanyang inaasahan at pinapangarap."

SAVING DR. JOSE RIZAL (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon