Kabanata VII

993 63 9
                                    

"Totoo po ba talaga kayo?" Hindi ako makapaniwala na ang pambansang bayani ng Pilipinas, kaharap ko.

Instead na magresponse siya sa tanong ko, he chuckled.

"Bakit naman? Hindi ba lagi mo naman akong nakikita dito sa Maynila, Binibining Magsaysay?" Maginoo niyang sagot.

Ahh. So siya pala talaga ang doctor ko— este ni Katrina. Ang swerte ko super!

"Pwede po bang... pasampal?" Makulit na kung makulit basta hindi talaga ako makapaniwala.

Inilapit naman niya agad sa akin ang kanyang pisngi. Mahina kong tinapik yon.

"Halaaaaa totoo ka nga! Ang saya-saya ko!" Masigla kong tugon.

Waaaaaaa nahawakan ko ang mukha ng ating pambansang bayani! Infairness ha, baby face. Uso pala talaga ang skincare routine simula pa noon.

"Tama nga ang sinasabi nila. Tila malakas pa hanggang ngayon ang epekto ng mga gamot na ipinapainom sa'yo ng dating manggagamot mo. Sa halip na puso mo ang hihilom, nasira pa yata ang iyong pag-iisip Binibini. Sana una pa lang, sa akin ka na kaagad inilapit."

Naks mukha bang may sayad ako?

"Hinga ka ng malalim, Binibini." Ani niya saka itinapat ang stethoscope sa aking dibdib.

"Isang pusong lubos na umiibig..."






"Keeeeeeshaaaaaa pati ba naman dito?" Bumalik ako sa tamang pag-iisip nang may ibinagsak na kung ano si Lucy sa mesa.

Impunto alas dos na ng hapon, at masobra dalawang oras na rin mula nang nakabalik ako dito sa University.

"M-m-may sinabi ka ba?" Usisa ko. Sobrang lutang ko kasi dahil sa mga nangyayari.

"Ang sabi ko, pati ba naman dito adik ka sa mga libro? Dumaan ka lang don kanina sa dorm para kunin ang mga school supplies mo eh tapos dito ka kaagad sa library nagkulong." Reklamo niya.

"Hindi lang talaga kasi ako makapaniwala, Lucy. Nagkita na kami ni Dr. Jose Rizal!" Balita ko sa kanya.

"Goodness gracious! Sigurado ka?" Pati siya gulat rin. Paano pa kaya ako?

"Oo. Saka hindi lang sa nagkita kami ah. Siya pa yung doctor ko dito! Unbelievable, right?"

"Ano ba? Gwapo ba talaga siya... bangis ba yung pormahan... sided yung pagkakasuklay ng buhok? Anooooo?" Niyugyog niya pa ako.

"E-ewan! Hindi ko napansin. Pero totoo siya!"

"Binibining Lucia Buenafe, may naghahanap sa iyo." Biglang may sumulpot na lalaki at tinawag si Lucy.

Sinenyasan na lamang niya ako bago umalis.

Muli na lamang akong napatakip ng libro sa mukha.

"Urgh. Sayang at wala akong phone. Hindi man lang ako nakapagselfie kasama siya."

"Isa na namang aklat ng kasaysayan." May nagsalita na naman.

Kinuha ko ang aklat na nakatakip sa aking mukha.

Yung lalaking tumawag kay Lucy, hindi pa pala nakaalis. Sino na naman ba ito? Baka mamaya pati si Magellan ma-meet ko na rin.

Magtatanong na sana ako kung sino siya pero napansin kong may name tag siya.

SEBASTIAN.

"M-m-magandang hapon po." Bati ko.

"Pansin ko lang, hindi mo yata kasama ang iyong kasintahan sa pagpunta dito ngayon sa aklatan, Binibining Katrina."

SAVING DR. JOSE RIZAL (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon