"Mabuti naman at pinaunlakan mo ang aking imbitasyon na dumalo sa pananghaliang ito, Ginoong Rizal. At maraming salamat dahil hindi mo pinabayaan ang aming anak." Rinig kong sabi ni Papa habang nasa sala sila at nag-uusap. Sumama kasi ako kay Ate Kristina upang tumulong sa paghanda ng mga pagkain."Ano'ng nakain mo at tila naging masipag ka? Ganyan ba kapag... malapit ka nang ikasal? Panunukso naman ni Ate. Tinawanan ko na lang siya.
"Masaya ako dahil unti-unti ka nang nagbabago, Katrina."
"Katrina, huwag na. Kaya na namin ito. Baka mamaya mapano ka pa." Agad namang kinuha ni Mama ang mga pinggan na bitbit ko.
"Kaya ko po. Tutulungan ko na po kayo." I insisted.
"Ang mabuti pa, magpalit ka na muna doon sa iyong silid. Baka madumihan yan mamaya ng pagkain, puti pa naman. Belinda! Samahan mo muna ang iyong Ate Katrina sa taas. Baka kakailanganin niya ng tulong." Utos nito at agad namang lumapit sa akin ang isang dalagita. Hindi ko to napansin kanina dito. Nakayuko lang siya sa harapan ko.
"S-s-senyorita, halika na po." At nauna na itong naglakad paakyat sa hagdan. Sumunod na rin ako.
Habang papunta kami sa second floor ay aksidenteng nadulas si Belinda at napakapit siya sa suot ko.
Akma ko siyang hawakan upang tulungang makatayo nang agad rin siyang bumitaw sa akin.
"S-senyorita... p-p-pasensya po. Hindi ko po sinasadya. Huwag po kayong magalit." Pagmamakaawa niya pero mas lalo akong nabigla nang lumuhod siya sa harap ko at napaiyak.
"B-belinda... wala kang kasalanan. S-saka... bakit ka ba lumuluhod? Ayos lang, wala yon. Mabuti nga at nakakapit ka pa sa akin kung hindi baka tuluyan kang nahulog at nasaktan ka pa." Ani ko at pinatayo siya.
Bahid ang pagkagulat sa kanyang dahil sa ginawa ko.
"S-senyorita... hindi ka ba galit?" Nanginginig pa niyang tanong.
"Wala akong dapat ikagalit. Saka... kung may papagalitan ako, ang hagdan yon noh. Kasalanan niya kung bakit nadulas ka."
Pinunasan niya ang luha na dumadaloy mula sa kanyang mata at tuluyan na kaming pumasok sa aking silid.
Matapos kong maghibihis ay inayos ko muna ang mga gamit na dinala ko pauwi. Habang ginagawa ko yun eh ramdam kong may mga matang nakabantay sa akin.
Ayon, nakalimutan kong andito rin pala si Belinda. Hindi ko muna siya pinaalis para may kasama akong bumaba.
Ibinaling ko sa kanya ang aking pansin. Tahimik lang siyang nanonood habang nagtutupi ako ng iba kong damit. Pansin ko ring nanginginig ang tuhod niya. That made me super curious kaya nilapitan ko siya.
"M-m-may problema ka ba, Belinda? Ayos ka lang?" Usisa ko sabay hawi ng buhok na nakatakip sa kanyang pisngi. Doon ko rin nakita na may pasa siya.
"Jusme. Ang laki nito ah? Saan mo ito nakuha? Napano ka ba?" Tanong ko.
Hindi siya sumagot. Sa halip, muli siyang napaiyak.
"May nanakit ba sa iyo? Sabihin mo sa akin at babalatan ko siya."
Inusisa ko na rin pati ang braso't mga binti niya. May mga pasa rin ito.
"Belinda wag kang matakot. Sabihin mo sa akin kung sino ang gumawa nito sayo. Hindi naman ata to makatarungan!"
"Sen-senyorita... Si Seniyor Lorenzo po."
Walang apoy pero biglang kumulo ang dugo ko matapos niyang sabihin yon. Masamang tao ba ang Papa ko?
BINABASA MO ANG
SAVING DR. JOSE RIZAL (Completed)
Historical FictionSina Keesha, Lucy, Lucas, Joash at Wize ay ang magkakaibigang nag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas. Isang sem na lang... isang sem na lang at makakagraduate sa sila. Pero dahil sa kapilosopohan na taglay ng isa, nadamay pati na ang iba. Sila ay n...