Sabado.
At halos lahat ng mga estudyante sa dormitory ay nagsisiuwian dahil tatlong araw kaming walang pasok next week.
Sabay kaming inihatid ng kutsero kanina papuntang sakayan kung saan doon raw kami susunduin ng kung sino mang susundo sa amin. Unang dumating ang kalesang sumundo kina Lucy and Lucas, sumunod naman yung kina Joash at Wize. So siguro naman gets niyo na.
OO. MAG-ISA NA LANG AKO NGAYON, IN THE MIDDLE OF NOWHERE.
Walang kakilala, walang direksyon na patutunguhan, walang kamuwang-muwang, may jowa nga nakikihiram lang naman yikes.
Nag-iilusyon na ako ng mga bagay-bagay nang may kalesang huminto sa tapat ko.
"Binibining Katrina!" May ulong sumulpot mula sa bintana at tinawag ako.
Uh? Bakit nandito siya?
"Papunta na rin ako sa inyo. Sumabay ka na." Yaya niya at sinenyasan akong umakyat.
"N-naku, wag na po... G-g-ginoong Rizal. Baka parating na rin yung susundo sa akin." Yan, tama yan. That's the spirit. Umasa ka lang nang umasa na may darating para sayo. Kung pwede lang umiwas ka na rin kasi si Katrina lang ang inlove sa kanya, at wala ka na don. Ikaw si Keesha.
"Alam mo bang wala nang darating? Nandito na nga kasi, Binibining Magsaysay. Nakiusap ang iyong ama na dadaanan kita dito."
Waaaaaaa. JOSEPHINE BRANCKEN DON'T CHOKE ME AH!
Wala na talaga akong nagawa nang bumaba na siya mismo at binuhat ang mga dala ko pasakay sa kalesa.
"Pafall starter pack." I softly uttered.
"May sinasabi ka ba, Binibini?" Usisa niya. Anak ng asukal, narinig niya.
"H-ha? Aba, wala akong sinasabi Ginoo. Baka may kausap ka diyan na hindi ko nakikita."
Inilapag na niya ang panghuling bag na dala ko bago nagsalita.
"Halika na sapagkat naghihintay na sila sa iyong pagdating." Shocks. He offered his hand.
Nagbulag-bulagan na lang ako at kunwari hindi ko pinansin yon. Dire-direcho akong umakyat nang hindi man lang tumingin sa kanya.
At dahil wala naman talaga akong balak na makipag-usap sa kanya, naisipan kong matulog na lamang sana sa byahe.
"Ano ba ang iyong binabalak kapag nakatapos ka na ng kolehiyo, Binibining Katrina?" Takte. Ba't nagsalita to?
"Shhh. Ang ingay may natutulog dito." Sagot ko habang nakapikit at nakasandal sa bintana.
"Alam mo minsan, sumasagi sa isipan ko na may mga araw na parang... hindi ka nga talaga tao." Daldal pa niya. Tae, bakit hindi ito naisulat sa nga libro? Pambansang bayaning suki ng NOISY.
Umayos na lang ako ng upo saka dumilat. Eto naman kasi iiiih.
"Maglalako ako ng talong at itlog sa kalye. Sasamahan ko na rin ng bagoong at kamatis. Bili ho kayo ah." Pamimilosopo ko.
Eneweys, hindi ko rin naman pala alam kung ano ang kursong kinukuha ko dito. #TANGA.
"Maraming oportunidad ang naghihintay sayo, Binibini. Isa kang magaling na manunulat at sigurado akong malayo ang mararating mo."
Oo malayo talaga. Kita mo napadpad ako dito? At dahil pa yun sayo ah jusme.
"Hindi mangyayari yon, may hika ako."
BINABASA MO ANG
SAVING DR. JOSE RIZAL (Completed)
HistoryczneSina Keesha, Lucy, Lucas, Joash at Wize ay ang magkakaibigang nag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas. Isang sem na lang... isang sem na lang at makakagraduate sa sila. Pero dahil sa kapilosopohan na taglay ng isa, nadamay pati na ang iba. Sila ay n...