Kabanata XXXVIII

651 37 4
                                    

"Ate Katrina mababasa po ang saya ninyo! Ako na ang tatapos ng mga labahan." Agad inilayo ni Belinda ang mga palanggana kung saan nakalagay ang mga damit.

Nasa ilog kami malapit lang sa likod ng aming hacienda at marami ring mga naglalaba dito ngayon.

"Tutulungan na kita, kesa naman nakatunganga lang ako dito."

"Huwag na po, baka mabawasan pa po yung sahod ko kapag ikaw na ang gumawa nito."

"Ano ka ba? Walang mababawas sa sahod mo noh. Saka, sige ka. Kapag puro ka trabaho, hindi ka na tatangkad niyan." Biro ko pa sa kanya saka hinila ko palapit sa akin ang palu-palo. Wala pang naimbentong brush sa panahong ito kaya naman pinatuyong parte ng niyog ang pangkuskos namin.

"Ate... alam mo noong nakaraan, parang nakita kita dito sa San Roque. Hindi ba nasa Maynila kayo?"

"Saan mo ako nakita?"

"Sa isang kalesa po. Palabas kasi ako no'n ng mansyon tapos nahagip ka ng aking paningin. Natutulog ka po, kasama mo sina Binibining Lucia at papunta ang sinasakyan ninyo sa mansyon ng mga Legaspi."

"T-talaga? Wala naman kasi akong naalala na umuwi kami dito noon eh, baka namalik mata ka lang." Palusot ko. Naalala ko na, baka ang tinutukoy niya ay noong tinorture ako ni Katrina. Hindi kasi namin pinaalam sa pamilya ko yon.

Pero... yung sinabi ni Belinda na dumaan muna ang sinasakyan naming kalesa dito sa mansyon... ibig sabihin ba...

"Malapit lang ba dito ang mansyon ng mga Legaspi?" Usisa ko.

"Ayon po oh. Matatanaw natin mula dito." May itinuro siya sa di kalayuan.

Shems! All this time? Sobrang magkalapit lang pala kami ni Fidel?

"Hala. A-ang lapit lang pala."

"Hindi po ba madalas kang tumatakas noon para lang makipagkita kag Ginoong Fidel? Nakalimutan niyo na ho ba?"

"Tumatakas si Katrina?"

"Opo... tumatakas ka nga po. Sa bintana ka pa nga po madalas dumaan eh."

Jusko naman. Akala ko pa naman dalagang Pilipina.

"Masyado pala talaga akong mapusok noon."

"Binibining Belinda, gusto mo ba ng suman?" Isang lalaking halos kaedad lang ni Belinda ang lumapit sa amin. May bitbit siyang basket na puno ng mga kakanin at nakabalot sa dahon ng saging. Tulala sila sa isa't isa kaya feel ko tuloy mukha akong props na walang nakakapansin.

"Ehem. Hindi mo ba ako tatanungin kung gusto ko rin niyan?" #PaniraMoment.

"Oo naman po. Bibigyan ko po kayo ng suman saka biko." Kumuha nga siya doon sa dala niyang basket.

"Magkano ba ito, Ginoo?" Tanong ko saka dumukot sa aking bulsa. Buti na lang may mga sentimo akong nalagay dito kanina bago umalis.

"Libre na lang po yan para sa inyo. Dito rin naman kasi nagtatrabaho sa Hacienda Magsaysay ang aking mga magulang at ayon sa kanila, mababait daw po kayong amo. Kaya pasasalamat ko na lang rin po."

"Naku, baka malugi ka niyan ha. Pero salamat. Sigurado akong masasarap to."

"Maglalako na po ako sa ibang naglalaba dito sa ilog. Una na ho ako... Belinda, alis na ako ha."

"H-ha? Ah... sige. Salamat Marco." Kumaway pa sila sa isa't isa.

"Oy. Ikaw Belinda ha. May something sa inyo ng Marco na yun ano? Crush ka ba niya o ikaw ang may crush sa kanya?" Sita ko nang makaalis na yung lalaki.

SAVING DR. JOSE RIZAL (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon