"Keeshaaaaa, goodness gracious buti na lang at pinayagan ako ng mga magulang kong pumunta dito. I miss you!" Agad akong sinunggaban ng yakap ni Lucy matapos siyang makaakyat sa aking silid. Shems, ako rin. Na-miss ko ang kontrabidang to.
"S-sina... Wize at Joash? Alam mo ba kung saan sila?" Usisa ko. Wala kasi akong balita sa dalawang yon.
"Ayon kay Lucas medyo malapit lang din sila dito. How are you? Nakakain ka ba ng tatlong beses sa isang araw dito? Umiinom ka ba ng gamot?"
"Don't worry. I'm okay. It's just...." Napabuntong hininga ako.
"W-what? Is there any problem?" Nakikita ko sa kanyang mga mata na nagwo-worry siya. Should I tell her?
"Lucy... mas lalong lumalaki ata ang misyong aayusin ko dito." Humawak ako sa kanyang kamay at napayuko.
"What do you mean? Are you saying na... meron pang iba bukod kay Dr. Jose Rizal?"
"Aaaarg! Bakit mo nahulaan? I was about to tell it pa lang eh inunahan mo na ako." Ani ko sabay hila ng kanyang buhok. Sabay kaming natawa dahil sa inasta namin. Ugh, I miss this kind of bond. Sana kumpleto kami ngayon.
"Pero seryoso na Keesh. Ano yon? Mukhang mabigat na problema ata eh. I can feel you." Siya naman ang humawak sa mga kamay ko.
"Ito... itong katauhan na ginagamit ko. Umaasa kang mabait to saka inosente noh? Hay... ako rin nga eh. Pero mali pala."
"Si... Katrina?" Pati si Lucy ay nagulat rin.
"Nananakit siya. Mahina ang kanyang puso ngunit nababalot ito ng kasamaan. At... natatakot ako na... na baka nakapatay na ito dati. Ano sa tingin mo? Saka... may pinaplano pala si Papa. Minamadali niya ang kasal namin ni Fidel dahil gusto niyang mapapasakin na ang kayamanan ng pamilya Legaspi. At.... gusto niyang ako mismo ang papatay ng Fidel! Lucy hindi ko kayang gawin yon. Hindi ako mamamatay tao." Namumuo na ang luha sa aking mga mata. Anytime, babagsak na talaga to.
"Oh my God Keesha. You're totally opposite from each other! Aside sa... pareho kayong may sakit sa puso. But come to think of it... like wtf? Hindi mo kayang gawin yung mga ginagawa niya!"
"Kaya nga... kaya nga natatakot ako. Paano ko babaguhin yon? Paano ko sisimulan?" Ayan na, tumulo na.
"Kilala kita. You can't do that! And even by chance, still, you will never do that. You're a strong woman. Kaya mo to, naniniwala ako. Wala kang hindi kayang gawin.... except hurdle by the way. You suck at that."
"Eto. Wag ka munang magpapakasal kay Fidel. Hindi naman sa nagiging KJ pa ako kahit dito ka na lang nga nagkaka-jowa ha. Para na rin mabawasan yung iniisip mo kahit papano. We'll work on it, one at a time." Dagdag pa niya.
"Tutulungan niyo naman ako diba? Hindi niyo ako pababayaan?"
"Of course! We're friends... forever friends. Kahit ano'ng mangyari, kahit saan tayo mapadpad... I promise. Mananatili tayong magkakaibigan." She hugged me very tight.
"Oh, before I forget. You got a nice place pala. Living inside... somewhat like a.... castle? Gosh, rich kid."
"My dad is a great business man. At malakas rin ang kapit niya sa ibang opisyal ng pamahalaan."
"Wow, princess. Oo nga pala, what made us cousins sa panahong ito ay yung mga Mama pala natin. They're sisters! At nang nakita ko kanina don sa baba ang Mama mo, no doubt. Magkamukha nga sila ng Mama ko."
"Grabe maglaro ang tadhana. So unpredictable."
Ilang sandali pa ay may kumatok sa pintuan.
"Katrina, nandito si Fidel sa baba." Boses yon ni Mama.
BINABASA MO ANG
SAVING DR. JOSE RIZAL (Completed)
Ficción históricaSina Keesha, Lucy, Lucas, Joash at Wize ay ang magkakaibigang nag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas. Isang sem na lang... isang sem na lang at makakagraduate sa sila. Pero dahil sa kapilosopohan na taglay ng isa, nadamay pati na ang iba. Sila ay n...