"Sa ngalan ng Espanya at ng Pilipinas, bilang pagkilala sa hatol ng kataas-taasang hukuman, ikaw... Sebastian Montalbo ay napatunayang nagkasala. Malinaw na ang kabayaran ng iyong kasalanan ay ang iyong buhay kaya hangad namin ang ikatatahimik at ikapapanatag ng iyong kaluluwa." Wika ng isang gwardya civil matapos basahin ang kasulatan galing kay Gobernador Heneral Herrera.
Nagmistulang theater ang gaganapin na pagbitay kay Ginoong Sebastian. Nasa ibabaw siya ng parang isang stage sa harap ng munisipyo, may lubid na maluwag pang nakatali sa kanyang leeg pero kapag kinuha na mamaya ang silyang kahoy na pinapatungan niya, sigurado akong hihigpit na ang taling iyon.
"Sipain ang kanyang pinapatungan!" Utos ng pinuno ng mga gwardya. Mabilis na umakyat sa entablado ang isa sa kanila at kinuha ang silya kung saan nakapatong ang inosenteng si Ginoong Sebastian. Nanlumo ako dahil sa tingin ko, masasaksihan ko na ang kanyang kamatayan ngunit biglang may kung sinong tumakip ng aking mga mata. Dahan-dahan niya akong inalalayan para makahakbang ng paatras.
"Your eyes are too beautiful to witness a tragedy."
Kinuha nito ang kamay na nakatakip sa aking mga mata at doon ko napagtantong...
"J-joash." Sa sobrang sama ng loob ay napayakap na lamang ako sa kanya.
"Namatay siya dahil sa mga kasinungalingang sinabi ko. Ako ang pumatay sa kanya." Tuluyan na namang dumaloy mula sa aking mga mata ang luha na parang kanina ko lang pinipigilan.
"Shhh, shhh. Wala kang kasalanan. You did it for a reason, kaya hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo."
"Gusto ko nang tapusin ang misyon na to.... hindi ko na kaya."
"Tulad mo, gusto ko ring tapusin na to lahat kagaad Keesh. Pero sa ngayon, may nais munang kumausap sayo."
~
"W-wait... wait. Ano'ng ginagawa natin dito sa Fort Santiago?" Tanong ko matapos makababa sa kalesa at ngayo'y nakasunod na sa nagmamadaling si Joash. Parang bingi lang siya na dire-diretso sa paglakad na animo'y walang nakasunod sa kanyang likuran.
"Joash? I'm asking you."
Sa halip, nilingon niya ako at hinila para makasabay ako sa kanya.
"Bilisan natin. Bago pa siya umalis."
"H-ha? Sino? Sino ang aalis?"
"At last. Dumating rin kayo." Salubong sa amin ni Wize. Nandito rin yung kambal.
"We found him." Wika ni Lucy at doon ko nakita ang pamilyar na mukha na siya namang inaakbayan ni Lucas.
Yung teenage version ni Lolo Jose!
"Ngayon, mabibiyan na ng kasagutan lahat ng mga tanong natin." Si Joash.
"Pwede na ba kaming umuwi?"
"Graduation na ba namin ngayon sa 2019?"
"Kayo na lang po ba ang tatapos ng misyon?"
"Teka, tekaaaa! Ang gulo-gulo ninyo! Isa-isa lang, sasagutin ko yan lahat. Ngayon, pumila muna kayo sa harap ko, by height." Hirit ni Lolo Jose saka napatakip sa kanyang tenga.
Wala kaming choice kundi ang sumunod sa sinabi niya. Buti na lang at matatangkad ang boys, sila yung nasa likuran and it means, kaming dalawa ni Lucy na nasa harap ang unang makakapagtanong.
BINABASA MO ANG
SAVING DR. JOSE RIZAL (Completed)
Historical FictionSina Keesha, Lucy, Lucas, Joash at Wize ay ang magkakaibigang nag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas. Isang sem na lang... isang sem na lang at makakagraduate sa sila. Pero dahil sa kapilosopohan na taglay ng isa, nadamay pati na ang iba. Sila ay n...