Muntik nang magpakamatay ang Ate Kristina niya.
Inlove siya sa kanyang doctor.
Jusmiyo ano pa ha? Ano pa ang madidiskubre ko dito?
"Acting weird again huh. Kung hindi libro, look at that. A diary?" Hindi maipinta ang mukha ni Lucy matapos siyang makaupo sa kama ko.
"Any update regarding sa buhay ni Lucia?" Usisa ko.
"Tss. Super corny ng boyfriend niya. Like... siya ang kinikilig sa sarili niyang mga banat at pick up lines? So gay."
"Ang cute kaya?" I argue.
"Asan ang cute do'n? Believe me Keesh. Simeon is super... duper... ugh I have so many terms na gustong gamitin."
"Learn to appreciate, Lucy. I swear, pag yan itinigil niya, hahanap-hanapin mo yan. You'll do everything just to get his attention back."
She rolled her eyes.
"I'm not that stupid, Keesh. Chasing isn't my dish. I'm sorry." Then padabog siyang tumayo.
"Where are you going?"
"Aasikasuhin at sasakyan ang natitirang ka-kornihan niya. Malay natin last niya na to."
"Awsus. Enjoy na enjoy ka naman pala eh. Wag na wag mong ibubuka ang hita mo ah! Uuwi kang birhen." Pang-aasar ko pa.
"F*ck you with feelings." She raised her ring finger and shut the door.
"Sumakit yung tiyan ko sa kakatawa dahil sa kanya! Kahit dalawa na lang kami ang matitira dito sa mundo ng babaeng yon, never ako papatol sa kanya. Over my dead... hot... body." Bwelta ni Wize matapos silang bumulagta sa pintuan. Nagtutuwaan silang tatlo.
Nahinto ako sa pagbabasa at itinakip ang makapal na diary.
"Alam niyo ba kung saang sulok sina Lucy?" I asked, cutting their topic.
"There." Tipid na sagot ni Lucas, pointing outside.
"If you can't afford to love her then... play with her instead." Suggest naman ni Joash.
Nang marinig ko yon ay parang nandilim ang paningin ko. Joash is a close friend of mine but that doesn't mean na i-tolerate ko lahat ng actions na gagawin niya or even words na sasabihin niya.
"Jerk. Pa'no kung ako yon? Girls are not toys, Joash. We do have feelings. Nasasaktan kami okay?" Inis akong tumayo bitbit ang diary saka lumabas.
Naabutan ko nga sina Lucy at Simeon sa sala at tila abala sila sa pag-uusap. Hindi man lang nila ako napansin.
Mag-isa kong tinahak ang daan palabas sa dorm. Wala naman sigurong magagalit dahil lumabas ako. Hindi naman ako lalayo eh. Gusto ko lang munang mapag-isa habang kinikilala ang katauhang ginagamit ko dito.
"And at last I see the light!" Hahaha tanga. Napakanta ako nang makitang may liwanag sa di kalayuan. Binilisan ko ang paglalakad without knowing na sa wishing well pala ako dinala ng aking mga paa.
Merong lampara na nakasabit sa taas ng balon. Yon ang ibinaba ko para magamit ko sa aking pagbabasa.
Ika-16 ng Enero 1896
Uh, latest entry to ah. Ilang buwan lang ang nakalipas matapos itong isulat dito.
Ikaapat na anibersaryo ng pag-iibigan namin ni Fidel. Hindi kami nagkita sa loob ng unibersidad dahil pareho kaming abala sa paghahanda sa mga darating na pagsusulit. Pagdating ng hapon, ipinatawag ako ni Padre Hector sa aking silid dahil may mga naghahanap raw sa akin sa labas. Pagbukas ko ng pinto, sinalubong ako ni Fidel, kasama ang kanyang mga kaibigan at sinorpresa nila ako. Doon na rin siya nag-alok ng kasal... at OO ang naging sagot ko.
BINABASA MO ANG
SAVING DR. JOSE RIZAL (Completed)
Historical FictionSina Keesha, Lucy, Lucas, Joash at Wize ay ang magkakaibigang nag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas. Isang sem na lang... isang sem na lang at makakagraduate sa sila. Pero dahil sa kapilosopohan na taglay ng isa, nadamay pati na ang iba. Sila ay n...