"Sa halip na ako ang magbibigay sayo ng regalo, ako pa po yung niregaluhan mo." Wika ko kay Ginoong Rizal habang nakaupo kami sa terrace. Kakatapos lang namin mananghalian at maya-maya lang, iche-check na niya ang kalagayan ni Mama.
"Hindi naman malaking bagay yon para sa akin, Binibini. Ang habang tumatanda tayo, doon natin maiisip na nagiging ordinaryong araw na lang ang ating mga kaarawan."
"Maaari ko po bang malaman kung ano ang hiniling mo kanina sa simbahan?" Pang-eechos ko.
"Hindi ba dapat... sikreto yon na ako lang nakakaalam? Bakit ko naman sasabihin sayo?"
Suplado amp! Nagtatanong lang naman ih.
"Papasok na lang po ako sa aking silid, maraming salamat sa regalo at pasensya na po dahil sa pangungulit ko." Tumayo ako saka akmang talikuran siya. Ngunit hindi pa man nakalipas ang ilang segundo, pinigilan niya ako.
"Humiling ako na sana matupad ang kahit anong hiling mo."
~
Dakong alas siyete ng gabi.
Pagkatapos naming kumain ng hapunan ay agad na rin akong pinaakyat ni Mama sa aking kwarto. Habang wiling-wili ako sa pagfo-fold ng ilang damit na nadala ko pauwi ay nakarinig ako ng katok sa pintuan.
"K-katrina? Maaari ba akong pumasok." Boses yon ni Ate Kristina.
"Tuloy ka po, Ate." Matapos kong isagot yon ay agad siyang bumulagta.
"May ginagawa ka ba? Nakaabala ba ako?" Lumapit siya at naupo muna sa aking kama. Ilang saglit pa, tuluyan na niyang ibinagsak ang kanyang katawan at napabuntong hininga.
"Ayos lang po ba kayo? M-may.... problema ba?" Usisa ko saka ko hinawakan ang kanyang balikat.
"Ipangako mong aalagaan mo sina Mama at Papa, Katrina." Walang emosyon niyang daing.
"B-bakit mo ba sinasabi yan Ate? A-aalis ka ba??"
Napatingin siya ng derecho sa aking mga mata kaya doon ko nakitang umiiyak na pala siya.
"Matagal ko nang pinapangarap na magkaroon ng sarili kong pamilya kung saan..... tunay akong masaya. Simula pa lang ay ramdam ko na... na si Sebastian ang tutupad ng mga pangarap kong iyon."
"A-ate.... ano po ang ibig mong sabihin--
"Sasama ako kay Sebastian, Katrina. Itatakas niya kami dito at mamumuhay kami ng masaya sa malayong lugar."
"A-ano? Pero Ate.... hindi ba delikado yon? Paano kapag nahuli kayo? Paano kung ipahanap kayo? Hindi ba't... delikado yon? Baka kung ano na ang mangyari at madamay pa si Krisela."
"Walang masamang mangyayari sa amin.... liban na lamang kung magsusumbong ka sa kanila. Saka... buo na ang aking desisyon. Sasama kami kay Sebastian sa darating sa Huwebes. Magkakasama naming buuin ang maliit na pamilyang aming nasimulan. Umaasa ako na sa aking pag-alis, mananatiling masaya ang pamilyang maiiwan ko, Katrina. Ipagdadarasal ko kayo palagi, at sana poprotektahan mo sila kagaya ng ginagawa ko. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita, Katrina." Pagsabi no'n ay agad na rin siyang bumangon at naglakad patungo sa pinto.
"Ate---
Tuluyan na siyang lumabas at iniwan ako.
Speaking of Mama....
Kailangan kong icheck kung okay na siya kaya dali-dali akong lumabas para puntahan siya sa kanyang kwarto.
Doon ko siya naabutang nakahiga at nakapikit, habang may basang towel na nakapatong sa kanyang noo.
BINABASA MO ANG
SAVING DR. JOSE RIZAL (Completed)
Historical FictionSina Keesha, Lucy, Lucas, Joash at Wize ay ang magkakaibigang nag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas. Isang sem na lang... isang sem na lang at makakagraduate sa sila. Pero dahil sa kapilosopohan na taglay ng isa, nadamay pati na ang iba. Sila ay n...