Kabanata XIX

705 45 30
                                    

Halos lahat ng mga tao na nanonood ay nagsimula nang magsilabasan. Ako naman ay kumalma muna sa aking inuupuan dahil siksikan yung exit, mahirap ipilit ang sarili ganern.

"Mahusay!" Lumapit yung guro namin na siyang nagpagawa nitong play at binati ako. May pa-plawers pa siya jusme.

"S-salamat po." Okay, wala akong choice kundi tanggapin ang bouquet na alay niya.

"Sigurado akong malayo ang mararating mo oras na makapagtapos ka na, Katrina. Kahanga-hanga ang taglay mong ganda, talino at talento. Kaya ngayon pa lang, binabati na kita." Ani niya at nagbeso pa sa akin bago umalis.

Ilang sandali pa ay may humawak na rin sa aking balikat na siya namang ikina-cardiac arrest ko— char ikinagulat lang pala.

"Pwede mo ba akong kwentuhan kung saan mo kinuha ang konsepto na ginamit ninyo sa palabas?" Napabuntong hininga ako nang marealize kong andito pa pala si Dr. Jose Rizal at siya ang gumawa no'n.

"Sa utak ko po." Tipid kong sagot at inilipat ang tingin sa aking jowang paparating.

"Pero magaling ka talaga Katrina. Simula ngayon, isa na ako sa mga umiidolo sa'yo." Nagbow pa siya, yung tipong hanggang tuhod. Charot.

Kung alam niyo lang talaga na wala akong nagawa para sa play na yon oy!

"S-salamat... po."

"Huwag mong kalilimutan ang susunod mong dalaw sa klinika ngayong darating na Linggo." Sinuot na niya ang kanyang sumbrero at senyas paalis.

"Masaya ako sa matagumpay ninyong pagtatanghal, Katrina." Sambit naman ni Fidel nang tuluyan na siyang makarating sa harap ko. Ikinagulat ko naman ang mabilis niyang paghalik sa aking noo.

Itong lalaki talagang to, naka-ilan na tapos kung saan-saan pa. Hindi man lang niya naiisip yung magiging reaction ng makakakita wewcxszzs.

"Balak pa sana kitang bigyan ng mga bulaklak pero... may nakapagbigay na ata." Pansin kong medyo bumagsak ang balikat niya.

"G-galing ito kay Ginang Abad. Yung guro namin." Paliwanag ko naman. Baka kasi isipin niyang sa lalaki to galing noh at ma-issuehan pa akong malandi dito.

"Ayos lang. May kakaiba naman akong ibibigay sayo." Kumindat pa siya. Tusukin ko yang mata mo eh, akala mo cute ka? HAHAHAHA fit tongue in nah mo OO!

Kinuha niya ang palad ko at may inilagay siya doon.

Bigla kong naalala ang huli niyang binigay... jewelry shop yon na nakapangalan sa akin.

Oh no, baka ito ngayon susi ng bagong bahay naman ah! Wag sana.

Dahan-dahan kong binuksan ang aking palad.

Eeeeehhhh?

Jusmiyoooo susi nga!

"P-para saan ba ito, Fidel?" Kinakabahan kong tanong.

"Iniwan ko kay Padre Hector kaya siya na ang bahalang magbigay no'n sa iyo, Katrina. Sana... sana magustuhan mo." Niyakap niya ako. But atleast, nawala yung kaba ko na baka bahay talaga ang ibibigay niya. 99% imposible.

"Salamat. Pero sana hindi ka na lang nag-abala." Niyakap ko siya pabalik as... pa—thank you na rin.

"Basta para sa'yo, hindi nakakaabala yon."

Ehhh cornehhh.

"May gagawin ba kayo ng mga kaibigan mo? Hindi ba kayo magdiriwang?" Usisa niya at kasabay no'n ay kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Hindi ko pa alam pero... siguro." Posible naman kasing magcelebrate kami kasi friday naman bukas saka free day pa. At sa susunod na Sabado, April 12... taong 1896. Gagraduate na kami.

SAVING DR. JOSE RIZAL (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon