Kabanata XXII

671 35 15
                                    

Ilang minuto lang kaming nagmumuni-muni habang nakatingin sa sunset.




It's always my favorite part because sunsets taught me that endings can be beautiful.





Nakangiti kong pinagmamasdan si Fidel na ini-enjoy ang palubog na araw. Doon ko lang na-appreciate ang kulay ng kanyang mga mata. Hazel nut. Ang kulay ng mata na pinangarap kong sana ay mayroon ako.



"B-binibini. Nakakahimatay ang mga titig mo."



Napaayos ako sa pag-upo matapos niyang sabihin yon. Mommyyyy nakakahiya. Baka sabihin niyang may pagnanasa ako sa kanya.



"Binibiro lang naman kita eh. Masyado kang apektado. Kung gano'n, nakatingin ka pala talaga sa akin?" Dagdag pa niya.



"Oo. H-hindi... ibig kong sabihin—



Sinubukan ko pang magpaliwanag pero hindi ko kinaya.... lalo na't bigla na lang niya akong ikinulong sa kanyang mga mahihigpit na yakap.



"Mahalin mo lang ako ng buong-buo... ipinapangako kong magiging kasing ganda ng paglubog ng araw ang ating magiging wakas." Bulong niya saka marahan akong hinalikan sa noo.



Ramdam kong sabay ang pagtibok ang mga puso namin ni Fidel.


At bigla ko na lang naalala what Mom had told me before.


Bihira lang sa mga tao ang may mga pusong sabay pumipintig. At kapag nahanap mo na ang lalaking sa tingin mo ay pareho ang tinitibok ng inyong mga puso, huwag na huwag mo nang pakawalan sapagkat siya ang nakatadhana para sa iyo.




Ibig sabihin ba... si Fidel? Si Fidel ang nakatadhana sa akin?



Pero... paano na yon? Pareho kaming nag-eexist sa magkaibang panahon.



What if siya lang talaga ang nakatadhana sa akin? Ibig sabihin ba... pagbalik ko sa 2019.... magiging tandang dalaga na lang ako???


*

"Yan na nga ba ang sinasabi kong wag ka na masyadong maadik sa kape. It will make you stay up all night."


Lumingon ako at nakita ko si Joash na nakasandal sa pintuan.

Nandito kasi ako sa balcony. Mula nang makauwi kami kanina eh hindi man lang ako dinalaw ng antok.


"Hindi ako nagkakape, Joash. Bawal sa'kin yon." Sagot ko saka napabuntong hininga.


"Then... bakit gising ka pa? Malalim na ang gabi." Tinabihan na niya ako sa pag-upo. Medyo amoy alak pa siya.


"I don't know? Pero siguro... kung may relo lang ako, maaari kong sabihin na 12am thoughts keep me awake. Ikaw? Hindi ba dapat natutulog kana? Nakainom ka tapos magpupuyat ka pa, hangover aabutin mo niyan bukas. Gusto mo yon?"


"Gusto kita."







Crooo-crooo.







Creepy.



"Tch. Lasing ka nga." Natatawa akong tinapik ang kanyang pisngi.

"Ugh. Bakit ba ipinanganak akong corny?" Natawa rin siya.


"Subukan mo munang matulog. Baka bukas paggising mo, benta na lahat ng jokes mo."


"Can I get a.... good night kiss first?"



SAVING DR. JOSE RIZAL (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon