Kabanata XXXIX

553 34 8
                                    

"Keesha! Bumangon ka na jan habang mainit pa itong pandesal na nabili ko."

Nagpagulung-gulong muna ako sa kama bago nagstretch ng mga braso. Saka ako napatingin doon sa pinto kung saan halos masira na dahil sa kalabog ni Lucy.

"Kakain pa rin naman ako kahit lumamig yan eh." Humikab pa ako bago nagsalita.

"Ahhh. Talaga ba? Pwes..."

Narinig ko ang kanyang mga yapak palayo.

Wait. Nooo!

Mabilis akong bumangon saka kumaripas palabas ng silid.

"Alam ko kung ano ang binabalak mo, Lucy. Eto na nga oh, bumangon na." Naabutan ko siyang nagliligpit ng mga pagkain.

She smirked.

"Ang tigas kasi ng ulo mo eh. Hindi ka na nga gumigising ng maaga para maglakad-lakad sa labas, hindi ka pa kumakain sa oras. Suicide ka ghOrl?" Inilapag niya sa mesa ang isang supot ng mainit na pandesal.

"Kalma lang. Attitude ka sis?" Pamimilosopo ko sa kanya.

"Konting panahon na lang, matatapos na ang misyon natin. Doon mo pa pinahihirapan ang sarili mo. Sabay tayong babalik sa present, remember?" Tinaasan niya ako ng kilay. Itong babaeng to talaga. Ma-attitude.

"Okay, okay. Lagi kong tatandaan yan."

"By the way, dumaan dito kanina ang Ate ni Fidel. At ang bilin niya, sasabihan raw kita na may susundo sayo dito bukas ng tanghali."

"S-si Fidel ba ang susundo sa'kin?"

"Hindi ko alam."

"Eh... sino?"

"Hindi ko nga alam. Pero basta, pupunta raw kayo sa kabilang bayan dahil doon ka susukatan para sa isusuot mo sa kasal ninyo ni Fidel."

Napabuntong hininga na lamang ako. Ilang linggo na lang, ikakasal na kami ni Fidel... at sigurado ako ma sa mga oras na iyon, wala na kami dito.

"Lucy... malapit na rin palang matapos ang misyon natin dito noh?" Wika ko at napaupo na lamang sa harap ng hapag.

"Yeah, at last. Babalik na tayong lahat sa dati." Masigla niyang sagot.

Napayuko na lang ako. Sanaol excited nang umuwi.

"Oh ikaw? Ba't di ka masaya? Totoong gagraduate na tayo."

"S-s-syempre... masaya. Kaso lang—

"Kaso lang ano? Malulungkot ka kasi maiiwan si Fidel dito? Hays. Just a friendly reminder Keesha ah. Si Fidel, dito isinilang. At dito rin siya mamamatay. Daang taon ang agwat ninyo sa isa't isa. Simula ngayon, lagi mo nang iisipin na ipinagtagpo lang kayo, hindi itinadhana. Para naman kapag darating na ang araw na mawawala na tayo sa panahong ito, hindi kana masyadong masaktan. Mahirap kalabanin ang oras."

~

"Keesha! Nand'yan na yung sundo mo sa labas." Tawag ni Lucy.

Tamang-tama, tapos na rin akong magbihis.

"Woy, baka may makarinig sa'yo na ganyan ang tawag mo sa'kin ah." Agad kong tinakpan ang bibig niya matapos akong lumabas ng silid.

"Tsss. Si Fidel lang naman yung makakarinig eh." She pouted.

Si Fidel.

Si Fidel...

"ANDITO SI FIDEL?!"

"Kakasabi ko lang diba?"

"A-a-asan siya?" Tila natataranta na ako. Gusto ko siyang makita.

"Andito."

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko matapos kong marinig ang boses na yun. Dahan-dahan akong napalingon kaya ko nakita ang lalaking may napakagandang ngiti na nakasandal malapit sa main door.

Fidel.

Hindi ko alam pero tila may sariling pag-iisip ang aking mga paa kaya ako dinala ng mga ito palapit sa kanya. Agad naman niya akong sinunggaban ng mahihigpit na yakap.

"Masaya akong makita ka muli, Binibining Celyn." Aniya sabay halik sa kanang kamay ko.

"F-fidel... baka mamaya bugbugin naman ako niyan ni Katrina ah. Hindi na yon nakakatuwa."

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa aking kamay.

"Hindi ko hahayaang saktan ka niya ulit. Magmula ngayon, puprotektahan na kita."

Isang matamis na ngiti na lamang ang ginanti ko sa kanya.

"Halika na? Naghihintay na sina Mama at Papa sa kabilang bayan."

Sabay kaming nagpaalam kay Lucy at agad na ring pumanhik

*

"Makakatipid po tayo nito sa mga telang gagamitin, Donya Amanda." Wika ng mananahi sa Mama ni Fidel habang sinusukatan ako.

"Tingin ko nga rin, Ginang Rosa. Masyadong namayat itong mapapangasawa ng anak ko."

"Hindi ba't si Ginoong Rizal ang manggagamot na nag-aalaga sa'yo, Iha? Dinig ko ilang buwan na siyang nakakulong sa Fort Santiago. At sa darating na ika-30 ng Disyembre eh hahatulan na iyon. Papano ka na yan?"

Bigla akong nakaramdam ng lungkot.

Kawawa naman si Doctor Jose Rizal.

"N-nandiyan naman po si Binibining Nerisa. Ibinilin ni Ginoong Rizal na.... na siya muna ang mag-aalaga sa akin." Sagot ko.

"Nawa'y hindi matuloy ang paghatol sa kanya. Mabuti siyang tao, marami siyang nagawa para ipagtanggol itong bayan natin."

*

Naging mabilis rin naman ang pagsukat sa akin dahil ayun nga, payatot raw ako. Kaya naman nagpaalam si Fidel sa kanyang ina na mamasyal muna kami habang hindi pa siya tapos.

"Ayos ka lang ba, Binibini? Mukhang... matamlay ka ah." Usisa niya habang naglalakad kami.

Dakong alas tres na ng hapon at hindi ganun katindi ang init ng araw sa panahong ito.

"N-naku, ganito naman talaga ako palagi eh. Isinilang talaga akong matamlay." Biro ko.

"Eh... sa panahong pinanggalingan mo. Sakitin ka rin ba?"

Napatango ako.

"Siguro kahit saang panahon ako isilang, ganito talaga ang kapalaran ko."

Natigil kami sa paglalakad at napaupo sa isang lilim ng isang kahoy.

"Maaari mo bang ikwento ang hitsura ng panahong pinanggalingan mo?" Nalipat sa akin ang mga tingin ni Fidel.

"Maraming magagandang tanawin." Tipid kong sagot.

"Maaari kaya akong makapasyal doon?" Muli niyang tugon.

"Naku, kung ako sayo... dito na lang ako. Magulo ang mundong pinanggalingan ko, Fidel."

"Mas magulo dito, Binibini. Lalo na't lahat ng mga tao dito ay may pinaglalaban. At isa na ako sa kanila."

"Huh?"

"Ipinaglalaban ko ang pag-iibigan natin."

Hindi ko alam pero ramdam kong tila namumuo ang luha sa aking mga mata. Nasasaktan ako para kay Fidel.

"F-fidel... hindi ba alam mo ang tungkol sa pagkatao ko? A-ang dahilan kung bakit kami napadpad dito?"

"Para... iligtas si Ginoong Rizal, hindi ba?"

"Oo. Saka... siguro alam mo naman kung kailan siya hahatulan, hindi ba?"

"Sa darating na ika-30 ng Disyembre."

"At kailan naman ang kasal natin?"

"Ika-1 ng Enero, bagong taon." Sagot niya at nagpakawala pa ng mga ngiti na tila sabik na sabik.

"F-fidel... ito yun kasi. Ang araw kung kailan hahatulan si Ginoong Rizal... ay ang araw kung kailan matatapos na rin ang misyon namin dito. Mawawala na ako, tuluyan na akong babalik sa panahong pinanggalingan ko. At hindi na ako aabot sa kasal na pinakahihintay mo."



SAVING DR. JOSE RIZAL (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon