Kabanata XVII

699 41 6
                                    

Ako ang nakatoka ngayon sa mga hugasin pagkatapos ng hapunan kaya't naunang bumalik sa aming silid sina Wize, Lucy at Lucas.

Nagpaiwan si Joash sa kusina para mabantayan ako.

"Plato lang naman tong haharapin ko eh. Hindi mo na ako kailangang bantayan." Ani ko habang nagbabanlaw na ng mga kubyertos.

"Sana narealize mong sabihin yan, kanina pa  habang nagsasabon ka pa lang." Natatawa nitong sagot.

"Batuhin kita dyan nitong baso eh hahahaha."

"Keesh... about what happened yesterday. Ano'ng naramdaman mo?" Usisa niya.

Inilapag ko ang mga baso sa tray para patuyuin.

"Kinakabahan, syempre. Takot." Sagot ko.

Napabuntong hininga siya.

"Sa tingin mo.... mauulit pa yon?" Muli niyang tanong na siya namang nagpagising ng diwa ko.

"Hangga't nandito tayo, hindi imposible yon. Maraming kaganapan sa taong ito ang nabasa ko na."

"Sa tingin mo, bakit kaya tayo ang napiling mapunta dito? Sa dinami-dami ng iba diyan... b-bakit tayo?" Sa tono niya ngayon ay tila gulung-gulo na siya.

"Joash. Everything happens for a reason." Tipid kong sabi.

"Sometimes... I wish I knew what that reason was." Ani niya at napatayo na.

"Saan ka pupunta?"

"Sa labas. Magpapahangin lang."

At iniwan na nga niya ako.



Pagpasok ko sa kwarto ay naabutan ko ang tatlo; sina Lucy, Wize at Lucas na  nakaupo sa sahig. Seryoso sila, animo'y hindi madistorbo.

"Can I interrupt?" Nagtaas ako ng kamay at nakiupos sa kanila.

Sabay silang nagbaling ng tingin sa akin.

"W-what.... are... you doing?" Muli kong tanong.

"Ugh, I was about to say my idea na eh. Because of you, nakalimutan ko na naman." Bwelta ni Lucy, habang pinanlalakihan ako ng mga mata.

Napatayo naman sina Lucas at Wize saka bigla akong binuhat papunta sa aking higaan.

"Pretend wala na kang naririnig. Diba sabi namin kami na ang bahala sa play? Now, sleep." Pagkatapos sabihin to ni Wize eh tinakpan pa ako ng unan sa mukha.

"You're not putting me to sleep, you are killing me... bastard." At ibinato ko sa kanya ang unan.

"Keesha, please. Hayaan mo na kaming ihandle to. Trust us, it will work." Lumingon naman sa akin si Lucy.

"Okay, okay. Matutulog na ako."

*

Ilang araw na ring laging busy ang mga kaibigan ko. Minsan, hindi na ako nakakasabay sa kanila kasi sila ang nagre-rehearse sa buong section namin. Kahit sa aming silid, minsan naiiwan ako kasi kung saan-saan sila pumupunta para gumawa ng mga props.

At tulad nito ngayon, busy silang lahat sa loob ng classroom. Nandito rin naman ako pero parang hangin lang na hindi nila nakikita o napapansin.

"Ahm... Lucy pwede akong magpintura niyan." Pagvo-volunteer ko habang pinipinturahan niya ang ilan sa mga tela.

"No, no. You can stay in the library. Masyadong magulo dito." Sagot niya.

"Kayo na kasi halos lahat ang gumagawa eh. Nakakahiya, ako pa naman ang leader."

"Shhh. Go and read books."

Tumigil siya sa kanyang ginagawa at pinasuot pa sa akin ang bag ko. Pagkatapos ay inihatid pa niya ako sa pinto.

"Read and read until you succeed. Bye!" Marahan niya akong tinulak palabas at nabilis niyang ini-lock ang classroom. Jusme? Magkaibigan ba talaga kami nito?

Wala akong choice kundi ang maghanap na lang ng paraan para aliwin ang sarili ko.


"Katrina!" Tawag ng lalaking nakakasalubong ko. Narealize ko lang na si Fidel pala yon nang tuluyan na talaga siyang makalapit sa akin.

"F-fidel...."

Hindi ko na naipagpatuloy ang nais kong sabihin nang bigla niya akong sinunggaban ng yakap.

"Patawad kung wala ako sa tabi mo para protektahan ka noong araw na nay naganap na barilan dito. Pero maniwala ka man o hindi, natakot ako ng sobra. Natakot ako na baka may mangyari sa iyo." Usal niya habang nakagapos ang kanyang mga braso sa akin.

"F-fidel... nasa loob tayo ng unibersidad. Baka ano ang sasabihin nila kapag nakita nilang sa publiko tayo naglalambingan." Marahan akong kumalas sa kanyang pagkakayap. Mabuti nan at bumitaw din siya agad. Sa wakas, nakahinga na rin ako.

"Saan ka ba papunta?" Usisa niya sakin at pinunasan ang pawis sa aking noo.


"H-hindi ko rin nga alam eh." Napakamot ako sa aking baba. Totoo naman kasi, hindi ko alam kung saan ako patungo.


"Masaya akong suot mo pa rin ang tanda ng pagmamahalan natin, Katrina." Muntik ko na siyang masuntok dahil akala ko, hahawakan niya ang aking dibdib. Yung suot ko palang kwintas ang puntirya niya, at paranoid lang talaga ako.



"Punta tayo sa.... dating tagpuan?" Yaya niya at hinawakan ang kamay ko.

"D-d-dating.... tagpuan?"

Hindi na niya ako sinagot. Sa halip, hinila niya ako para sumama sa kanya. Mukha kaming kindergarten na naghahabol ng nga paru-paro sa sitwasyon naming dalawa.

Tumatakbo kami pero hindi yung tipong parang nagma-marathon. Yung speed namin ay maikukumpara sa mga tamad na napilitan lang  bumangon para mag jogging.

Napansin kong nakalabas na kami sa entrance ng University. Saan ba ako nito dadalhin?


"Ang tagpuan." Binitawan na niya ako at tila proud na proud siyang pini-present ang pinagdalhan niya sa akin.



Sinubukan kong usisain ang lugar.

Nasa gitna kami ng malapad na damuhan at nakatayo sa hindi kalayuan ang isang matayog na puno ng lauan.

"Halika." Muli siyang humawak sa akin bago pa kami naglakad palapit sa puno.

Wow. Ngayon pa lang talaga ako nakakita ng lauan tree sa buong buhay ko. Dati sa mga aklat ko lang to nababasa o di kaya sa internet, ngayon kaharap ko na. At ganito pala talaga kaganda.



"Lagi kitang naabutan dito noong wala akong gana pumasok sa klase. Dito kita nakitang  natutulog kaya ka nakagat ng langgam. Dito kita lagi  nakakausap, hanggang sa binabalik-balikan na natin ang punong ito. At dito natin iniukit ang ginawa nating pangako." Iniangat niya ang magkahawak naming mga kamay.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba akong kinabahan sa tuwing mahawakan ako ni Fidel.

Bukod pa sa kaba, parang natatae rin ako na... ewan?

Delikado.

Ayon sa research ko, mga sintomas yan na  naiinlove ka.

No, no, no... Wala pa namang nakapag-testimony na totoo yon. I'm just imagining things.

Ibinalik ko na lamang ang aking atensyon sa puno.  May mga salita nga akong nakikita sa nakaukit doon.






Isang pangako ng pag-iibigan,
At itong puno ang magiging saksi.
Sapat kaya itong pagmamahalan,
Upang tayo'y manatili hanggang sa huli?

SAVING DR. JOSE RIZAL (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon