KEESHA
"Oh, may plano na ba? Sabado bukas." Tanong ni Wize sa pinsang si Joash since siya ang tinagurian naming event organizer.
At dahil pinaninindigan naman nito ang gawain, agad siyang nag scan sa kanyang maliit na steno pad na may naka-label pa sa cover na "GALA".
"Birthday pala bukas ng Mama nina Lucas eh. Lalayo pa ba tayo?" Anunsyo nito sa amin.
Armchairs ang gamit namin sa loob ng classroom at naka pwesto kami sa bandang likuran. But that doesn't mean na kami na ang pinakabobo sa klase. Seating arrangements won't define us so wag kayong judgemental ha. Porket nasa likuran, bobo? Hindi naman lahat ng front liners matalino eh. Yung iba sipsip lang hahahaha BOOOM.
Naghiyawan silang apat matapos masabi ni Joash ang gala namin para bukas. Syempre, ako na medyo mabait, kunwari sisitahin ko ang ingay nila.
"Shhh. Lower your voices, may teacher pa sa harap." Oh, scripted yan ah. Pero may teacher talaga sa harap kasi Literature class namin ito ngayon.
"Ano Keesh, game ka? Overnight pool party daw yon." Dagdag si Lucy.
"Give me one second to think... mmm yes."
"Baka ito na ang tamang panahon para makita ka namin na naka-bikini Keesha. Wooooo." Pamimikon naman ni Lucas saka sumipol pa. At dahil medyo pikon ako, hinampas ko sa kanya ang steno pad. Nagtawanan naman kami agad pagkatapos.
Ngunit bago pa man humaba ang chismisan namin, napansin kong biglang tumahimik ang buong klase. And I realize na si prof, eto na sa harap naming lima.
"What's the noise all about?" Seryoso ang tono niya.
"Prof, birthday kasi bukas ng Mommy namin ni Lucas. It's a pool party! Imagine... may lalaki kang gustong makitang naka swimming trunks lang and bakat na bakat ang ano. Nakaka-excite, hindi ba?" Ewan ko kung bakit lakas loob pa rin talaga itong si Lucy na tumayo at nakuha pang mag-explain.
"Enough Miss Ricco! Sit down!" Utos niya kay Lucy.
"At kayong lima, bakit ba ang ingay-ingay niyo lagi dito?" Tumaas na ang tono ng boses niya. Yiiie, galit ka na niyan Prof?
"Prof, gusto mo dumagdag sa grupo? Para anim tayo." Tae. Nasampal ko na talaga ang mukha ko nung isagot pa yon ni Wize.
"I want to talk to your parents. The five of you." And then she walked out.
Kinakabahan ako sa mga sandaling ito dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Mama. Huhuhu ang mabait niyang anak, nadamay sa kalokohan ng barkada.
"Thankyouuuu guys. Kanina pa talaga kami bored na bored sa klase ng gurang na yon. We owe you a lot." Ani nung iba naming mga kaklase. What... seriously?
"I can kill you, Wize Thyron. Bakit ka pa kasi sumagot? Pa'no na yan, siguradong madi-disappoint ang mga magulang natin." Saad ko.
"Tsk, keep calm Keesha. Wala ka bang tiwala sakin? Kakausapin ko ang gurang na yon. Trust me." Kumindat pa siya bago sinundan si Prof.
30 minutes later...
"What? Community service for one week? My goodness is she out of mind?" Bwelta ni Lucy matapos makabalik ni Wize at ibinahagi ang pinakanakaka badtrip na balita.
"Argh! Bakit kasi hindi na lang ako ipinanganak na well behave?" Dagdag pa niya.
"We have no choice. Kesa naman mapahiya tayo sa sarili nating magulang, hindi ba? Kasalanan din naman natin kasi maiingay tayo. Saka... mga pilosopo pa." Ani ko naman.
BINABASA MO ANG
SAVING DR. JOSE RIZAL (Completed)
Fiksi SejarahSina Keesha, Lucy, Lucas, Joash at Wize ay ang magkakaibigang nag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas. Isang sem na lang... isang sem na lang at makakagraduate sa sila. Pero dahil sa kapilosopohan na taglay ng isa, nadamay pati na ang iba. Sila ay n...