Kabanata XI

778 51 2
                                    

"Alam mo bang konting pagkakamali lang ng batang yon ay halos patayin mo na siya? Ayaw mong hawakan ka niya, ayaw mong nagkakamali siya! Kapag hindi niya magawa ang iuutos mo, kapag pumalpak siya, kulang na lang ay ang ilibing mo siya ng buhay!" He screamed it to my face at mas lalo pang lumakas ang pag-iyak ko.

"Hindi. Hindi yan totoo. Hindi ko yan magagawa."

Lamok nga minsan hinahayaan ko na lang na kumagat sa akin kasi ayokong makapatay... Hindi ko inasahang nagawa ito ng katauhang ginagamit ko. Hindi ako katulad niya! Hindi ako masama!

"Nagawa mo na, Katrina. Bakit? Nagsisisi ka? Aba, aba. Nag-iba yata ang ihip ng hangin. Kaya nga ikaw ang paborito ko diba? Kasi mas matapang ka kesa sa mga kapatid mo."

"Hindi. Hindi ako kagaya ng sinasabi mo." Tumayo ako at dali-daling lumabas pabalik sa aking kwarto.





Hindi na naman ako makatulog. Bakit? Bakit ganito ang ugali ng katauhang ginagamit ko? Akala ko mabait siya?

Sa halip na ang pag ligtas kay Dr. Jose Rizal ang pagtutuunan ko dito ng pansin, kailangan ko rin palang baguhin si Katrina.

Tulala lang akong nakatingin sa kisame nang may sunud-sunod na kumatok sa pintuan.



"P-pasok." Dali-dali kong pinunasan ang luhang dumadaloy sa aking pisngi.


"Akala ko natutulog ka na." Si Ate Kristina. Nang makapasok ay derecho niya akong tinabihan sa kama.


"A-ate. Gaano mo ba ako kakilala?" Wala nang paligoy-ligoy pa. Kikilalanin ko muna ang sarili ko dito.


"Alam mo bang nakakapanibago ang Katrinang kaharap ko ngayon? Aaminin ko, madalas kaming mag-inggit nina Enzo at Fe dahil simula pa nu'ng una, ikaw ang pinakapaborito ni Papa. Pinalaki ka niyang matapang. Gusto niya na sa pagdating ng panahon, ikaw ang papalit sa kanya. Malakas ang paninindigan mo. Marunong kang lumaban kahit mahina ang puso mo." Paliwanag niya habang sinusuklay ang aking buhok gamit ang kanyang mga daliri.


"Totoo po bang... n-n-nananakit ako ng tao?" At tuluyan na namang kumawala ang butil ng luha sa aking mga mata.



"Wag kang magagalit sa'kin ha, pero si Belinda ang patunay na gano'n ka nga kalupit, Katrina. Marami na ang pinagdaanan ng batang yon sa kamay mo pero hindi ko alam kung bakit patuloy pa rin siyang naninilbihan sayo. Siguro... naniniwala siya na magbabago ka pa. Yon ang palagi niyang sinasabi sa akin." Dagdag pa niya na siya namang nagpahagulgol sa akin.



"Hindi pa naman huli ang lahat para magbago, diba Ate? Maaari kong palitan ang imahe ng dating Katrina na nakilala ninyo."


She smiled.

"Mahal kita kahit ikaw pa ang pinakamalupit na kapatid sa buong mundo. At alam mo, mas lalo pa kitang mamahalin kapag kabutihan ang papairalin mo." At bigla niya akong niyakap ng mahigpit.














Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa ingay na narinig ko mula sa labas. Inis na inis kong hinawi ang kurtina saka binuksan ang bintana at agad sumilip do'n.



"Hoy may natutulog dito!" Sa halip sa isisigaw ko sana ay ibinulong ko na lang sa aking sarili matapos makita ang napakaraming sundalo na tila nagmamarcha sa kalsada. Medyo malayo ang gate sa mismong bahay namin pero napakalakas ng mga yapak nila.

May mga armas ang mga sundalo at ang ilan ay may mga kabayo pang sinasakyan. Marami rin ang mga kalesang nakasunod.

Wala naman akong nabasa sa aklat ng kasaysayan na may mahalagang nangyari sa buwan ng Marso taong 1896 ah?

SAVING DR. JOSE RIZAL (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon