Kabanata XXXVII

547 33 3
                                    

Kung ang ibang tao ay nagigising dahil sa ingay, ako naman ay dahil sa sobrang katahimikan.

Hindi ata ako nanaginip ngayon. Sobrang peaceful ng tulog ko, kaya hindi ko akalaing gano'n din pati sa aking paggising.

Habang kinukusot ko ang aking mga mata ay kinapa ko kung may katabi pa ba ako. Naalala ko kasi kagabi na dito siya nakatulog sa aking kama.


"Lucy—

Mag-isa na lang pala ako. Wala nang Lucy sa aking tabi.


"Hindi ka talaga morning person kahit saang siglo ka mapadpad, Keesh." Bulong ko na lamang sa sarili sabay stretch ng mga kamay at bumangon.


Medyo mataas na ang sikat ng araw pagbukas ko ng bintana.



Creepy.


Bakit sobrang ata tahimik ng bahay ngayon?

Dali-dali kong niligpit ang aking higaan saka mabilis na lumabas.


"Lucy?" Una kong pinuntahan ang kusina pero wala akong nadatnan doon. Tinignan ko rin sa sala, sinilip ko na rin ang room ng boys pero wala.


Sunday naman ah? Nasaan sila?


Uh, naiihi na ako. Kailangan ko munang ilabas to.



"SURPRISE!"


Napahawak ako sa aking dibdib dahil pagbukas ko ng pinto sa CR, nandu'n ang mga baliw kong kaibigan. May hawak si Lucy na cake, sina Joash at Wize naman ay mga kahon na nakabalot samantalang si Lucas ay may hawak na bouquet.



"Mga animal muntik na akong atakihin sa inyo!" Bwelta ko sa kanila saka isa-isa silang binatukan.



"Hindi ko naman pala birthday ah? Saka... anong katarantaduhan na naman ang naisip niyo at dito pa talaga kayo nagtago sa banyo? L-lumabas na kayo... naiihi na ako eh." Sumunod naman sila sa aking sinabi.



September 27....


Shocks! BIRTHDAY PALA NI JOASH!



"J-joash... happy birthday." Nahihiya kong bati nang balikan ko sila sa terrace.



"Kung ako yan magtatampo na ako." Gatong naman ni Lucas habang inaamoy-amoy ang hawak niyang mga bulaklak.



"Si Lucy pa-cake. Ako may pa-regalo tapos si Lucas naman may pa-flowers. Pa'no ba yan? Makikikain ka lang?" Tukso na rin ni Wize. Pinagkakaisahan talaga nila ako.



"Duhh? Wala nga yon sa gulat niyo sa'kin kanina na halos ikamatay ko eh. Unfair naman ata yon, buhay ko ang puhunan ko samantalang kayo, cake, regalo at bulaklak lang." Pagtatanggol ko naman sa sarili.



"Fine, fine. Biro kang naman eh. Anyways, Joash asked for this chocolate cake, kaya naman eto na kang ang handog ko para sa kanya." Ipinatong ni Lucy ang cake sa table sabay kalmot du'n sa icing.




"Eto naman. Cowboy na sapatos saka sumbrero. Pinaringgan mo ako nu'ng namasyal tayo sa bayan kaya heto na oh. Gusto mo to eh." Iniabot ni Wize kay Joash ang kahon na kanina niya pa dala-dala.



Napatingin kaming lahat kay Lucas dahil bigla siyang humagalpak sa tawa.


"I don't know why you asked for a bouquet of flowers, bro. Tapatin mo nga ako, gusto mo bang ligawan kita?"



Muntikan nang masuntok ni Joash ang pagmumukha ni Lukas matapos niya itong sabihin.



"I'm just kidding. Sabi mo gusto mo to eh, kaya heto. Nag gagandahang mga bulaklak para sa Ginoong may pusong busilak. Happy birthday bro, love you." Nagbigay pa siya ng masigabong flying kiss.


SAVING DR. JOSE RIZAL (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon