"Ibalik mo na lang si Keesha sa present, kami na lang ang tatapos ng misyon!" Paulit ulit na daing ni Lucy sa harapan ni Lolo Jose. Nakabalik na rin kami sa Maynila makalipas ang ilang linggo na pananatili namin sa mansyon ng mga Legaspi dahil sa nangyari sa akin. At lahat ng yon, hindi namin pinaalam sa pamilya ko.
Pero hindi pa rin nagiging payapa ang buhay ko. May mga gabing bumabalik si Katrina sa kanyang katawan at may mga bagay siyang ginagawa na hindi ko alam.
"Alam mo namang hindi iyon maaari, Iha. Lahat kayo ang kinakailangang magtapos ng misyon na ito. Anim na buwan na kayo dito at tatlong buwan na lang... konting tiis at matatapos na rin." Paliwanag ni Lolo Jose.
"Eh kung isampal ko sa'yo ang natitirang tatlong buwan ha? Delikado ang kaibigan namin dito kaya nga kami na lang diba?! Hindi namin alam kung ano pa ang kayang gawin ng abnormal na Katrina na yan... tanga tanga, bobo, hindi marunong sumunod sa kasunduan! Kaya hangga't nandito si Keesha, patuloy na malalagay sa alanganin ang buhay niya." Hindi na talaga maawat ang galit ni Lucy. Tila umi-echo na sa sala ang kanyang boses na balot ng inis.
"L-lucy... kalma ka lang. Tama naman si Lolo Jose eh. Konting tiis na lang." Pag-aawat ko.
"Kahit minsan hindi naging tama itong matandang to na mukhang teenager eh. Unang-una ha, tahimik lang naming ginagawa ang responsibilidad natin sa Luneta tapos guguluhin mo kami. Ikalawa, ano'ng trip mo sa buhay at dito mo pa talaga kami dinala ha? Eh kung ikaw kaya ang gumawa nito para quits tayo? Tapos ngayong buhay na ng kaibigan namin ang nakasalalay, wala kang gagawin? Aba'y bongga!"
"Iha—
"Huwag mo akong ma-Iha Iha jan. Mas matanda pa ako sayo. Kung wala kang magagawa, umalis ka na sa harapan namin. Bumalik ka na lang kung may maitutulong ka na." Napatakip na lang si Lucy sa kanyang mukha dahil sa sobrang inis. Napatayo na lang din si Lolo Jose, sumunod si Wize saka sabay silang naglakad palabas.
"Wag kang masyadong ma-stress, my poor sister. Halika na, magpahinga ka na muna." Inalalayan siya ng kambal at inihatid sa kwarto.
"Nahilom na ba ang mga sugat mo?" Tanong ni Joash nang kaming dalawa na kang ang naiwan. Inusisa pa niya ang aking braso saka leeg.
"Tsk, tsk. Ayan tuloy, nagkagalis ka."
"Joash. Hindi sa'kin katawan to. Kaluluwa lang ang puhunan natin dito, remember?" Biro ko pa sa kanya.
"Ah, so sa lagay na to, nagagawa mo pang magjoke." Tinaasan niya ako ng kilay at seryoso siyang nakatitig sa'kin. Hindi ko alam pero tila iba ang dating nito sa akin ngayon.
"D-d-dun ka nga tumingin. Tinutunaw mo ako eh." Mahina ko siyang itinulak sa ibang direksyon.... palayo sa akin.
"Alam mo, nagsisimula ka nang umiwas sa mga bagay-bagay Keesh."
Kumunot noo ako.
"A-ano na naman ang pinagsasasabi mo?"
"Pinadalhan ka ng sulat ni Dr. Jose Rizal kahit nakakulong siya... hindi ka man lang nagreply. Binisita ka ni Fidel dito kahapon... hindi mo siya hinarap. Tapos ngayon... iniiwasan mo rin ako."
"Joash... hindi naman sa gano'n. Kapag kasi inilalapit ko ang sarili ko sa mga taong mahalaga kay Katrina... alam mo naman ang mangyayari diba? Mas lalong magagalit siya sakin."
"Eh... hindi mo naman kasalanan yon kung minahal ka na rin ng mga taong nagmamahal sa kanya. Hindi ka naman mahirap mahalin Keesh."
Silence.
BINABASA MO ANG
SAVING DR. JOSE RIZAL (Completed)
Historical FictionSina Keesha, Lucy, Lucas, Joash at Wize ay ang magkakaibigang nag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas. Isang sem na lang... isang sem na lang at makakagraduate sa sila. Pero dahil sa kapilosopohan na taglay ng isa, nadamay pati na ang iba. Sila ay n...