Kabanata XXXIV

523 34 4
                                    

Ilang araw na rin ang lumipas simula nang nahatulan si Ginoong Sebastian at ang muling pagkikita namin ni Lolo Jose. Pero hanggang ngayon, pinaglalaruan pa rin ako ng konsensya ko. Siguro... kung nagsabi ako ng totoo, buhay pa siya ngunit sa tingin ko, si Ate naman yung nagdurusa.


"Keesh? Gising ka na ba? May bisita ka." Boses yon ni Joash. Kumatok muna siya ng ilang beses bago nagsalita.


Mabilis akong bumangon at pinagbuksan siya ng pinto.

"Sorry kung nakadistorbo ako sa tulog mo——


Tumigil siya sa pagsasalita saka tiningnan ako mula ulo.... hanggang talampakan.


"O-okay ka lang ba Keesh?" Usisa niya.



"B-bakit? What's wrong with me?"


"P-parang... isang pitik na lang kita ah. Namamayat ka na oh." Hinawakan pa niya ang mukha ko.



"J-joash naman. Katawan ni Katrina itong gamit ko... saka diba? Pareho kaming may karamdaman."




"Oo nga pala. Mabuti siguro kung mag-ayos ka muna ng sarili bago ka humarap do'n sa naghihintay sayo."


"Bakit? Sino ba ang dumating?"



"Basta... alam kong masu-surprise ka kaya kung ako sayo, mag-ayos ka para naman hindi ka magmukhang dugyot sa harap ng bisita natin. Wag mong ipahiya ang sarili mo."

Mahina akong tinulak ni Joash pabalik sa loob ng kwarto saka siya na rin mismo ang nagclose ng pinto. Sino ba kasi yung tinutukoy niyang bisita ko?

Si Fidel?

Dinampot ko na lang yung tuwalya ko saka papasok na sana sa CR nang mahagip ng aking mga mata ang librong nakapatong sa maliit na table sa gilid ng kama ko.

Mga Guni-guni ng Puso Tuwing Gabi.


Ito ang libro na tinutukoy ni Lolo Jose kung saan pansamantalang namamalagi ang nga kaluluwa ng mga katauhang ginagamit namin.

Bumilis ang tibok ng puso nang maalala kong ilang beses ko sana yong basahin. Pero lagi na lang akong nadidistorbo kaya hindi ko matuluy-tuloy.



~


"Keesh, okay ka na ba? Ready ka na?"

Muling kumatok si Joash. Mabilis naman akong naglakad papunta sa pinto dahil  patapos na rin ako.

"Wew, nag-ayos ka talaga ng bongga ha. Mmmmm... siguro, akala mo si Fidel ang bisita mo no?"

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit? Liban sa kanya, may iba pa bang bibisita sakin? Saka... imposible ring si Ginoong Rizal kasi nakakulong siya ngayon sa Fort Santiago."

"Tama nang satsat. Lika na para naman... hahahaha. You'll see."

Sabay kaming nagtungo sa sala.

"Siya. Siya ang bisita mo."

My jaw dropped.

Hindi si Fidel yung nakaupo sa sofa.

Wait.... that face....

Hindi ko kilala yan.

Medyo mestisa ang kanyang kutis, maganda siya and feel ko 20+ yung age niya. Sinalubong niya ako ng isang malapad na ngiti kaya naman sinuklian ko yon.

SAVING DR. JOSE RIZAL (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon