Chapter 1

25.5K 179 4
                                    

Nandito kami ngayon sa kwarto nya. Sa kwarto ng bestfriend ko. Kasalukuyan ko siyang tinutulungan hanapin yung gamit DAW nya na nawawala.

Kinikilig ako kasi kaming dalawa lang ang nandito. Dont get me wrong, matagal na kaming magkaibigan at matagal na rin akong may gusto sa kanya. Ang bait kasi nya, matalino, sweet, maalaga. Yung tipong mafafall ka talaga sa ugali na meron sya. Kaya heto ako pinagpapantasyahan sya.

"Nakita mo naba?" sabi nya. Bigla naman akong nabalik sa katinuan ko.

"Ano ba kasi yung hinahanap mo?" kunwari ay pagalit na tanong ko.

"Puso ko." sabi nya. Napalingon naman ako agad na nakakunot ang noo dahil sa sinabi nya.

"Ako ba pinagloloko mo?" galit na tanong ko.

"Aba! Pinag-absent mo ko para tulungan kang maghanap sa gamit mong nawawala. Tapos ngayon sasabihin mo saken na puso mo ang nawawala?" totoo naman eh. Talagang pinilit nya kong mag-absent para lang tulungan sya tapos ngayon pagtitripan lang pala ako.

"Easy. Masyado namang mainit ang ulo ng best ko, e." sabi nya habang lumalapit sakin at niyakap ako patalikod. Pinatong naman nya ang leeg nya sa balikat ko at inaamoy-amoy ang leeg ko.

Syet naman. Ang sweet talaga ng mokong na 'to.

"Teka nga! At nakikiliti ako." sabi ko sakanya sabay harap dito dahil nakikiliti ako. Oh baka naman kinikilig lang ako. Ay ewan!

"Best, 'bat ng ganda mo?" sabi nya habang nakatitig sa mga mata ko.

Para namang nag-init yung mga pisngi ko. Langya!

"Matagal na akong maganda noh!" sabi ko sabay irap at hampas sa dibdib nya. Talaga namang matagal na akong maganda, e. Pesteng lalaki to at ngayon lang napansin.

"Sabi ko nga." sabi nya na nakatitig pa rin.

"Oh ano na nga yung nawawala mong gamit? ng makaalis na tayo" sabi ko ng maalala kong may hinahanap pala kami.

Nagkibit balikat lang sya.

"Huwaw naman best! Just wow! E, anong gagawin natin dito?" Loko talaga to at mukhang tinotopak nanaman. Lumapit ako sa tabi nya. Nakaupo na kasi sya sa dulo ng kama nito.

"Dito muna tayo. Gusto kitang makasama, e." sabi nito na nakatingin sa akin na mukhang malungkot ang mukha.

"Araw-araw naman tayong magkasama diba?" sabi ko sa malambing na boses. Sigurado kasi akong nagtatampo nanaman 'to saken.

"Araw-araw ba ang tawag mo dun sa 3x a week?" nakabusangot na sabi neto. Natawa naman ako sa sinabi nya. Oo nga naman, naging busy kasi ako this past few days dahil sa pag-aaral at modeling career ko.

"Oh sige. Babawi ako. Ano bang gusto mong gawin natin?" nakangiti kong tanong sa kanya.

"Halikan tayo. Maganda daw yun e, sabi ng mga kaklase ko tapos masa-" hindi ko na sya pinatapos at sinapak ko agad. Kung anu-ano pinagsasabi, e.

"Hoy ikaw Nathan Monteclaro, manahimik ka ha! Tigilan mo ,ko sa kamanyakan mong yan!" Nakalimutan ko palang sabihin sa inyong malandi, playboy at manyak ang lalaking to. Puro positive nasabi ko kanina, e.

"Ito naman. Para binibiro lang, e. Masakit yung batok mo, a!" pagrereklamo nya.

"Nagrereklamo ka? Ha?" sabi ko.

Tumawa ito.

"Hindi. Ikaw naman, di kana mabiro." ngiting aso na sabi neto.

-

follow me on twitter @iammykam

It Started UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon