Title: Pink
"Eto na ba yung ticket?!" Gulantang na sigaw ni Manda nang makita kong binuksan nya iyong envelope.
Halos manlaki din ang mata ko sa bagay na hawak nya.
"O my gosh!" Sigaw ko din at nilapitan sya.
Nagtatalon kami sa may gilid ng kalsada pauwi. Tumili pa sya at niyakap ako.
"I'm so happy for you!" Sigaw nya.
"Teka." Tumigil sya at hinawakan ang balikat ko.
"Naka sweldo ka na agad?" Tanong nya sa akin at tinitigan ako.
"Binigay sa akin ni Drake---
"Whaa! O my! Sinasabi ko na!!! Ang landi mo talaga!!!" Nagtatalon sya mag-isa at ako naman ay uminit ang pisngi sa sinabi nya.
Naalala ko tuloy muka ni Drake! The F?!
"Shh! Tumahimik ka nga dyan! Ibabalik ko yan sa kanya, kung ayaw nya naman ay babayadan ko nalang sya pagka-sweldo ko." Sabi ko sa kanya kahit na alam kong imposible iyon.
"Jusko bakla ka! Kahit ipagbenta mo yang atay mo, kulang pa sa pambayad sa ticket na ito! Wag ka nang pabebe tanggapin mo na!" Winasiwas nya ang ticket sa harapan ng muka ko kaya naman tinapik ko sya.
"Akin na nga yan!" Ngumuso ako at tiningnan ang dream ticket ko.
Hayst. Di ko man lang naisip na magkakaroon pa talaga ako ng ganitong ticket.
"Yieee! Sabi ko na, jowa mo talaga yang Drake na yan. Indenial ka lang." Umiling iling sya habang ngumingisi sa akin.
Napapitlag naman kami ng may biglang bumusina.
"Hey girls! Want a ride?" Naaninag ko si Kaizer at Ashton sa loob ng kotse.
"Anong ginagawa ng mga mokong na ito dito?" Bulong bulong ni Manda habang nilalapitan sila.
"Hoy! Gabing gabi na ah? Bakit pa kayo nag-gagala?" Bungangera talaga itong si Manda.
"Ikaw 'tong babae e! Sumakay ka na nga!" Nagulat kaming dalawa ni Manda ng makita namin si Trisha sa backseat.
"What the? Hoy Kaizer! Third wheel ka na pala ngayon?" Pang-aasar ni Manda sa boyfriend nya.
Pumasok na din ako nang maka-pasok na si Manda sa loob.
"Tss. Di nga kita ma-contact." Tahimik na himutok ni Kaizer habang nagda-drive.
Narinig ko naman ang bungisngis ni Trisha.
"Kawawang Kai-kai." Natawa na din ako doon.
"Wag ka ngang tumawa dyan Tin! Alam mo namang ikaw itong sinusundo ko 'noh!" Inis na sabi ni Manda habang nagaayos ng seatbelt nya.
"Hmm, okay thanks. I owe you a lot." Nag-flying kiss pa ako sa kanya.
"Yuck! Wag mo saken gawin yan! Dun nalang sa tisoy mong boyfriend!" Napasinghap si Trisha sa tabi ko sa sinabi ni Manda.
"Ikaw na malandi ka talaga!" Pabiro akong binatukan ni Trisha.
"Hoy! Di ko yun boyfriend ha! Ikaw na bakla ka!" Ipinasa ko ang pambabatok ni Trisha kay Manda.
"Tss! Umayos nga kayo! Mamaya malaglag ako dito. Di pa yata naka-lock." Natahimik kami ng may pinindot si Kaizer at kusang nag-lock ang pintuan.
"Nice one Kai-kai ko."
Napairap nalang ako. Ang cheesy!
KINABUKASAN ay inagahan ko ang gising. Wala akong pasok ngayon sa trabaho at walang pasok sa school pero pupunta ako ng Sea Side para sa date daw namin ni Lauv.
